Dedicated to my bebe, Crisanly! ^^ Hi bhe~ Eto naaa! :)
---
3
Halos isang linggo nang topic ang pagdating ng Litmus, kaya nakakasawa na.
"Hindi ba kayo nagsasawa dyan sa Litmus? Bukas na rin naman sila darating dito eh." reklamo ko kay Alice. Isang linggo ko nang pinagtitiisan yan, naiinis na talaga ako kasi puro Litmus dito, Litmus dun, Litmus everywhere! Nakakainis!
"Yan din ang isa sa mga rason kung bakit hindi kami makatigil dito! Bukas na! Bukas naaa!" sabay sabay na tili ng mga kabarkada ni Alice.
Napa-face palm nalang ako. I cannot believe this. Makakaramdam nanaman ako ng Litmus fever dito.
"Ampapanget naman nila eh! Ano bang nakita niyong gwapo o maganda sa kanila? Ha? Andito naman ako ah!" sabi niya habang tinuturo ang sarili niya.
"Ano nakita namin sa kanila? Hindi sila babaero tulad mo! Hindi sila mayabang tulad mo!" Alice said. Nakuu. Parang pinanghuhugutan si ate.
"Hooyy! Hindi ako mayabang ah! Babaero, di rin. Gwapo lang talaga ako kaya maraming lumalapit na babae." sabay kindat. This guy.. has some nerve.
"Argh! Nakakainis ka kausap!" padabog na sabi ni Alice.
"Atsaka, pano mo naman nasabi na hindi sila babaero? Na hindi sila mayabang? Makasalita to akala mo matanggal na kayong magkakilala.." pahabol ni Sky.
"Argh. Shut up! Basta, hindi sila katulad mo." Alice crossed her arms.
"Ikaw nakaka-"
"Okay class! Quiet! Magsisimula na tayo." sabi ni Ma'am Cruz pagpasok niya. Hay nakuu. Math nananaman.
"Tama na, Sky. Hayaan mo na si Alice." I tapped his shoulder. Kaharap ko naman siya kaya abot ko siya agad.
"Alice, pagpasensyahan mo na yan, ha?" nginitian ko siya. She smiled back and glared at Sky.
"Gago ka talaga." umiling ako.
"Hala, ako nanaman!" lumingon siya sa akin.
"Oo, ikaw nanaman. Alam mo na ngang paboritong grupo yan ni Alice tapos ginaganyan mo siya. Nananadya ka ata eh." I crossed my arms.
"Pssh. Pasalamat siya.." bumalik ang tingin niya sa chalkboard.
I have this feeling na may gusto si Sky kay Alice. Who knows? Malay natin meron..
--
Malapit na akong mabaliw sa mga taong nakapalibot sa amin. Puro nalang Litmus!
"Pigilan niyo ako, please, baka may magawa akong masama."
"Ang malala pa dyan, bukas andito na sila. Mas mahirap iyon." dagdag ni Crislyn.
"Teka lang, Wednesday ngayon diba? Tapos sa Friday sila magpeperform.."
"So bukas nga talaga sila pupunta dito. Bakit ba kasi babalik sila dito?" I asked irritably. Mga buisit.
"Pilipinas daw kasi ang napili nilang bansa na pangcomeback nila. Kaya wala tayong magagawa." sagot ni Crislyn.
"San mo nakuha iyan?"
"Everywhere. As in, literally." at gumawa siya ng spinning hand gesture.
Tumango-tango si Isabel. "Kung sabagay, sa araw-araw ba naman na iyan ang topic eh, hindi mo ba malalaman tungkol sa kanila?"
I rested my chin on my fist. Buti nalang at kakatapos lang namin kumain ng pangrecess. Baka na-itcha ko na sa mga kaklase ko yung pagkain.
Pagbalik namin sa classroom, saktong nagbell na. Pumasok na yung teacher at nagsimulang magdiscuss. As usual, walang nakikinig. Tinignan ko si Alice. Nagdodoodle siya ng 'Litmus' sa likod ng notebook niya. Si Sky tulog. Wala akong kalikod dahil nasa dulo ako, kaya wala akong makausap. Si Crislyn two tables away sa kanan ko. Si Isabel ka-row ni Alice pero nasa banda unahan.
BINABASA MO ANG
How to Love
Teen FictionJamie never planned nor expected to fall in love. Pero nang dumating ang lalaking ubod ng yabang, the course changes. Love comes unexpectedly nga naman. Pero kung kelan naman gumaganda ang lahat, something comes up, and she breaks and falls. Will s...