Chapter 6: Serenade

361 6 0
                                    

6

Pumasok ako ulit sa bar na para bang walang nangyari. Pumunta muna ako ng CR para maghugas ng mukha.

Bumalik ako sa backstage kung saan nandoon sina Ira. I kept my head down para hindi nila mapansin ang itsura ko. True enough, hindi nga ako napansin ng mga kasamahan ko.

"In 10 minutes daw, pupunta na sila dito." paalala ni Ira. Yung mga kasamahan ko tuwang-tuwa.

I still can't believe it. Napahawak ako agad sa labi ko. I can still feel his lips.

Shit. Kadiri. Bakit ko pa ba iniisip yung hayop na iyon? Tsaka, sino ba siya? Ang alam ko lang yung pangalan ng umawat sa amin. Si Gino.

"Jamie? Okay ka lang? Tumahimik ka bigla. Lumabas ka lang ganyan ka na." maalalang tanong sa akin ni Ira.

"O-okay lang." I nodded.

"May nangyari ba? Saan ka ba pumunta?" she sat beside me.

"W-Wala naman. Sa.. sa labas lang." pilit akong ngumiti. Ayokong ikwento sa kanya. Hindi naman kami close, atsaka, it's my business.

"Sure ka, okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?"

"Okay lang ako. Medyo nahilo lang kanina, pero okay na." nginitian ko siya para maging assured na siya.

"Okay. Sabihin mo lang kung nahihilo ka ulit." sabi niya bago siya pumunta sa iba kong mga kasamahan.

Buisit siya. Nakakainis! Sinubukan ko namang umalis sa pagkaka-ipit niya sa akin pero malakas siya.

I can still smell him, though. Amoy bagong ligo.. na may kaunting alak. Baka nga lasing lang siya.

Maya't maya'y dumating na rin sila. May mga photographers ring kasama. Fansite photographers ata sila dahil may nakasulat na Korean words sa strap ng DSLR nila.

Hindi ko binigyan ng pansin yung mga dumating. Pagkapasok ng mga photographers ay tumingin ako ulit sa ibang lugar. Narinig kong bumati ang Litmus.

Besides pala sa amin, may ibang mga piling fans na kasama namin. Nakapasok sila dahil sa isang fansite raffle. Mga 20+ ata sila?

Pinapila na rin kami. May mga nakausap akong taga-ibang school, may foreigner din. Nahuli ang grupo namin sa pila kaya naputol ang usapan namin. Halos sila rin naman ang nagsasalita kaya I didn't mind.

Kinikilig na yung mga kaibigan ko. Nahuli ako sa pila sa grupo namin kaya hindi ko pa nakikita mga itsura nila.

"You're very handsome, Aaron!" sabi ni Hannah. Kaharap ko kasi siya ngayon.

Aaron pala pangalan ng nauna.

"Thank you." sabay kindat. Aba. Cute si Aaron. Medyo singkit siya, maputi at makinis. Mukha rin naman mabait. "Your name?"

Next na pala ako. Dapat alam ko yung mga pangalan nila para hindi ako mapahiya in case na tanungin nila ang pangalan nila.

"Hi." bati ni Aaron. I smiled back and said hi. He asked for my name and gave me a signed poster.

"You know, iba ka sa kanila." sabi niya habang nakikipag kamay na ako. Marunong naman pala mag-Tagalog eh.

"Why?" I asked while smiling.

"Basta.. You're different. Anyway, I'll see you around!" masaya niya bati. Sunod na ako kay Alex.

Ganoon din ulit. Tatanongin niya pangalan mo, sign the poster, at makikipag-kamay.

Inulit din niya ang sinabi ni Aaron. I was different. Teka, panoong different ba? Nakakatakot na iyan ah.

"Hi. Your name, please?"

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon