Chapter 7: Bipolar

330 7 0
                                    

7

"Kanina ka pa ba dyan?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Luke lang pala, may dala-dalang dalawang bote ng tubig.

Umiling ako bilang sagot. Halos kararating ko lang din naman. Inabot niya sa'kin yung isang bote at nagpasalamat ako. Nasa backstage kami, gaya ng napag-usapan. Akala ko nga eh, hindi siya sisipot. Not that I'm judging him, pero di ba? 

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko habang binubuksan yung bote.

Hindi siya umimik. Inulit ko ulit yung tanong ko, pero ganun pa rin, walang imik.

"Huy. Ano ba? Bakit mo ba ako pinapunta?" tanong ko ulit. Ano ba yan. Bakit ba ayaw neto sumagot?

"Hoy!" tinapik ko na siya. Wala pa rin, nakayuko lang siya. Ah bahala ka.

"Bahala ka na nga, aalis na ako. Wala rin naman pa--"

"I'm sorry."

Wait, what?

Napalingon ako sa kanya. He said sorry. Very unexpected of him.

"I'm sorry because.. because I k-kissed you unexpectedly. I did not respect what was precious to you. Okay? I'm sorry, I'm sorry." mabilis niyang sabi.

Dead silence. What was I supposed to say? Tinignan ko ang paligid namin, may mga kauntong nakikinig pala sa'min. Nakakahiya naman..

"Luke.." dahan-dahan akong lumapit. Nakayuko pa rin siya, para bang hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kanya.

"Huy Luke." tinapik ko ulit siya.

"I hate to break this to you, pero.." napatingin ako ulit sa mga nakikinig.

"..may nakikinig sa'tin." napatingin siya bigla sa'kin at sa mga nakikinig. Agad silang umalis sa kinatatayuan nila.

Oops.

--

"I'm sorry."

Tinitigan ko siya ng mas mabuti. Nakayuko ang ulo niya, tinatago ang mukha.

Dinala niya na ako sa rooftop ng bar at dito na namin pinagpatuloy yung pag-uusap namin. May mga chismosa kasi sa baba.

"Aren't you supposed to say something?" tanong niya. Ngayon ay ini-angat na niya ulo niya at tumingin sa'kin.

"Aah.. Eeh.. Okay." napakamot ako. Hindi pa rin nagsisink-in na nagsorry siya.

Kasi naman. Akala ko magmamatigas siya at hindi hihingi ng tawad. Yung mga tulad sa palabas. Pero iba siya eh.

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon