Chapter 39: Akalain Mo Yun? (2)

71 2 0
                                    

Dedicated to Mawieee! Hi Mawiee! ^^ Ikaw a. Mas namiss mo si Lulu kesa sakin. >__> Hahaha! Joke lang :)

---

Chapter 39: Akalain Mo Yun? (2)

(Cha's POV)

"May I call on Jamie and Luke?" tawag ng principal.

Agad na tumayo ang dalawa. Bakas sa mukha ni Jamie ang kaba. Kaya nung nagkasalubong ung dalawa, pasimpleng hinawakan ni Luke ang kamay ni Jamie at nginitian nya ang dalaga.

"Congratulate them.. Because they're your official nominee for the Couple!" masayang anunsyo ng principal. Nagkatinginan ang dalawa't ngumiti sa isa't isa.

Nagpalakpakan ang mga kaklase nila. May kasama pang hiyawan :p

"Next.." hindi alam ng klase kung sino ang susunod na babanggitin ng principal kaya lahat sila'y nanahimik agad.

"Nina please? And Jamie, stand beside Nina please." nagulat ang klase kung bakit un pinagawa ng principal.

Gulat na pumunta si Nina sa harap, at si Jamie naman ay tumabi kay Nina pagpunta nya sa harap.

"They both got the highest votes.. But who got the last vote?"

Buong klase'y nanahimik..

At nilagay ng principal ang kamay nya sa braso ni Nina.

"Congratulations! You've got a pretty contestant, you know." sabi ng principal. Expected na siguro ng buong klase na si Nina ang mananalo, pero lahat pa rin sila'y nagsi-palakpakan na may halong onting sigawan.

"Now, to see who will be the Prince.." nilipat ng principal ang pahina ng papel mula sa clipboard na hawak.

---

(Jamie's POV)

"The Prince is..."

Si Luke kaya uli?

"Uuy Jamie."

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon