Chapter 8: Starting

340 5 0
                                    

8

Opisyal na nagsimula ang pagiging 'assistant' ko ngayong Monday. Ipinatawag ako ng Dean pagkatapos ng recess at nandoon silang apat, gulat. Probably not what they were expecting.

Inikot ko sila sa campus grounds. Nung simula, okay pa. Nakikinig pa kahit papaano. Pero nung nakabili na sila ng maiinom at makakain, ayun, para na silang sinaksakan ng happy pill at nawala ang atensyon sa tour. Kaya ayun, mukha akong tangang kausap ang sarili ko.

Kapag naman tinamaan na ako ng kaunting katamaran at medyo bored na magsalita, magkukumento sila, 'Oh, bakit ganyan? Ayusin mo naman oh.'. Oh di ba?

"Are there any questions?" salamat naman at nasa school museum na kami, ang huling destinasyon.

Walang sumagot. Paano, eh tawa ng tawa sila, di ata ako narinig. Sayang naman laway ko. Kung hindi to pinapagawa sa'kin ng Dean, baka kanina ko pa sila sinukuan.

"Ahahaha!" sumabay ako sa tawanan nila. They immediately stopped and looked at me, "Tapos na ba kayo? Do you have any questions?"

Nagkatinginan lang sila ulit at nagtawanan. Ano ba 'yan! Nakakainis.

"Ahahahaha, may tanong pa ba kayo?" nakisabay ako ulit. This time, nakuha ko na ang atensyon nila.

"Actually, meron." sagot ni Alex.

"Shoot."

"Are you seeing anyone?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

"Anong klaseng tanong yan, ha? Ayusin mo nga!" I slapped his arm, pero naka-iwas siya. Tsk.

"Bakit? Maayos naman yun ah! Hahaha" nakitawa rin sila, lalo na si Luke na mukhang kanina pa nagpipigil ng tawa.

"Yung related naman kasi sa tour ng school! Buisit." I murmured the last word.

"Hindi naman kasi specific yung tanong mo. Di ba?" sabat ni Luke. Isa pa 'to.

"Sorry naman. Eh di ayusin." napaubo ako't nagtanong ulit ng mas maayos.

"But really, are you seeing someone?" tanong nila muli pagkatapos sumagot sa tanong ko.

Umiling ako. Agad nilang siniko ang isa't-isa, pero mas malakas ata kina Gino at Luke. Baka ako lang yun.

Hinatid ko sila pabalik sa D.O. At dahil kaka-bell lang para sa lunch break, maraming estudyante ang nakakita sa'min. Puro mga papuri at insulto ang mga nakuha namin. Syempre, kina Luke ang papuri, akin ang insulto.

Bigla akong inakbayan ni Luke.

"Huy. Ano ka ba? Alisin mo nga yang kamay mo! Shupi." bulong ko. I smacked his arm pero wala pa rin.

"Ssh. This will shut them up." bulong niya pabalik. True enough, nanahimik silang lahat, at nagbulungan naman. Matagal-tagal ding mamamatay tong issue na to.

"See? Told you." sabay kindat niya.

Ang cute niya kapag ngumingiti. Parang bata. Teka nga. Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

"Aynako. Alisin mo na, baka gusto mong mabigyan ng malisya tong pinapakita mo." at tsaka nasa loob na kami ng D.O., baka sabihing PDA kami.

"Ayaw mo yun? Sa'kin ka pinapartner." sabay halakhak niya. I just rolled my eyes at him.

"O, Luke." natigil kami dahil biglang nagsalita ang Dean. Agad na inalis ni Luke ang kamay niya pero nilagay naman niya ito sa likod ko. I shivered.

"How was the tour?"

"It was good, sir. Did you personally choose Jamie as our guide?" napatingin ako sa kanya agad. Dinamay pa ako!

"Yes, why?"

"Because it made our tour even better."

Bakit ganyan mga sinasabi niya? I can feel my cheeks heat up.

"That's good, then! Anyway, I have to go. May meeting pa ako. Jamie, ikaw na bahala sa kanila." bago umalis ay tinapik niya ang braso ko.

Bakit ko ba kasi tinanggap tong favor na to?

--

"Mukhang okay naman sila kasama ah." kumento ni Crislyn.

Tumambay muna kami sa bahay ni Isabel, tutal maaga pa naman. Maaga kami pinaalis ng school dahil sa may meeting ang mga teachers at ang Board of Trustees.

"Kung kayo ang nasa pwesto ko, hindi niyo masasabi yan." umiling ako. Masubukan nga sa susunod, mag-absent ako tapos sila ang papalit sa akin.

"Nakita nga namin kayo kanina nung papunta kami sa Lab eh." dagdag ni Isabel. Nilapag niya ang tray ng mga juice at pagkain.

Nagkwento pa ako tungkol sa tour, pati na yung nangyari sa bar at rooftop.

Pinauna ko na silang umuwi nung araw na yun dahil yun nga, kakausapin daw ako ni Luke.

"Bagay kayo. Hahaha!" sabi ni Isabel bago uminom ng juice. Aba.

"Bagay din kayo ni Aaron eh. Pasulyap-sulyap pa ah kala mo di ko nakikita? Haha." nanahimik siya bigla sa sinabi ko't medyo namumula.

"Totoo naman kasi eh. Hahaha." dagdag naman ni Crislyn.

"Isa ka pa. Kung nakakatunaw ang mga titig baka nung isang araw pa tunaw yun. Akala mo ah.. Hahaha." nanahimik din siya't namula. Huli kayo.

Sa tagal na magkakasama kaming tatlo eh halos kabisado ko na ang mga kilos at galaw nila, pati mga reaksyon. Tsaka hindi sila ganoon kahirap basahin.

"Eh.. Gwapo kaya siya..", "Okay naman siya ah." sabay silang nagsalita. Hay nakoo. Halata eh.

"Aynakoo. Kilala ko kayo. Alam ko na, alam ko na, no need to explain." I patted their shoulders. Natawa nalang sila.

"Ikaw din noh. Feeling ko nga medyo nagkakaroon na eh."

"Parang. Pero nagsisimula palang. Tama baaa?" pangasar nilang tanong.

"Tulad kanina. Nung naglalakad kayo yunhmg expression ng mukha mo, parang.. masaya."

"Grabe naman kayo. Hindi rin. Nung time na yun siguro nagbiro si Alex tas natawa ako." paliwanag ko.

"Ikaw bahala kung papaano mo yan ipapaliwanag sa sarili mo. Basta, I think you're starting to like him."

Like lang naman eh.

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon