BEA'S POV
Good moooorning!!
Sinabi na namin kayna Mom at Dad kagabi na kami na. Approve naman :)
Di pa rin ako makapaniwalang kami na.
I checked my phone. For sure may text yun sakin.
...
Wala? First day namin wala man lang text?? Katampo ah.
Bahala sya di rin ako magtetext.
Makapag ayos na nga lang. Hmp!
After 1 hour..
Ayos na ko. Bababa nalang ako para kumaen. Ikakaen ko nalang to.
Pagbaba ko..
"Good morning Yam" Sabi nya ng nakangiti.
Teka? Bakit naka apron sya?
"Yam? Nu ginagawa mu?"
"Nagluto akong breakfast para sa inyo." OMG! As in? "Kala mo nakalimutan kita itext no."
Eeeh. Effort ah :) "Oo eeh.. yun pala.. Haha. Sweet talaga ng Yam kuuuuuu!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"I love you Yam.." Sabi ko tapos bigla ko sya kiniss sa lips. Smack lang :)
Di sya nag i love you too? Pagtingin ko sa kanya..
..ang pula pula nya. Nagblush si Bae? Haha.
"Ang cute mo Yam. Ang pula pula mo." Tapos kurot sa pisngi.
Ginulo nalang nya yung buhok ko. Nahihiya sya. Di makapagsalita eh haha.
Kumaen na kami.
Dami nya linuto. Fried rice, bacon, eggs, hotdog, marami pa.
Dami ko naman nakain :)
After namin kumaen pumasok na kami.
HHWWMPSSP kami pagpasok ng gate. Alam nyo ba yun?
Holding Hands While Walking May Pa Sway Sway Pa
Hehe pinagtitinginan kami nung mga estudyante. Don't care!
Pagpasok namin ng room..
"Yun oh!"
"Ayiiieh!!"
"Bagay talaga sila!"
"Kayo na?" Ay hindi.
"Beeeestiiiiie!" -Janna with megaphone. Joke lang haha.
"Hiiii bestie. Musta? Haha"
"Ok lang bestie. Bakit wala ka kahapon?"
"Hayaan mu na yun. Mahalaga andito na ko."
"Hehe na mish kita bestie!"
"Ako din haha. Ano ginawa nyo kahapon?" Tanong ko sa kanya.
"Ayun activity lang sa Acounting." Bigla sya lumapit saken at bumulong. "Tinanong ni Brix kahapon kung asan ka. Sabi ko di ko alam. Tapos bigla sya ngumiti."
Tuwang tuwa pa ah. Lumingon lingon ako para makita kung nasan sya.
Wala di pumasok. Mag drop na sya wag na sya pumasok! Haha.
Inakbayan ako ni Bae tiyaka bumulong. "I love you Yam.."
Tumingin ako sa kanya. "I love you too Yam ko. Ang saya ko kasi ikaw ang minahal ko."
*BOGSH*
"What the- Brix! Bakit mo ginawa yun?!!"
Inalalayan ko si Bae na tumayo. Natumba kasi sya bigla nalang sya sinuntok eh.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!!" Sigaw ni Bae habang kinekwelyuhan si Brix.
Ayoko ng gulo.
Hinawakan ko sa braso si Bae. "Yam umalis muna tayo dito. Ayoko ng gulo."
"Salamat ka mabait ang GIRLFRIEND ko. Kung hindi pinatulan na kita!" Talagang diniin nya yung salitang girlfriend.
"Girlfriend?" Tanong ni Brix. Mukhang nagulat sya sa narinig nya.
"Oo girlfriend." Inakbayan nya ulit ako. "Girlfriend ko na sya. Bakit may angal ka?"
"BEATRICE ANNE! Anong sinasabi nya?"
"Bakit ba? Kami na oo. Anong problema mo?!"
"SINISIGAWAN MO NA KO?!!!"
"OO! AYAW MO KASI KAMING PATAHIMIKIN!"
Nagulat ako ng bigla nya sinuntok si Bae ULIT, kaya napahiga sya sa sahig at bigla nya ko kinaladkad.
Si Bae, nawalan ata ng malay. Di ako makabalik ang lakas ni Brix.
Nang medyo malayo na kami..
*PAK*
Hinila ako ni Janna bago nya sampalin si Brix..
Napahawak si Brix sa pisngi nya at tinignan ng masama si Janna.
"Bestie puntahan mo na si Harvey. Kakausapin ko si Brix."
Tumakbo na ko pabalik ng room.
"Yam?!" Wala sya dito. "Guys si Harvey nasaan?"
"Dinala sya sa clinic. Tumama kasi ulo nya sa sahig nung natumba sya."
"Shit!" Napatakbo ako papuntang clinic.
"Yam.." Sabi nya na parang nanghihina.
May bendang nakapalibot sa ulo nya. Buti naman nagising sya agad.
"Sorry." Tumulo na ang mga luha ko. "D-dahil sakin nasaktan ka tuloy.."
"Shhh. Wala ka kasalanan." Bigla nagbago expression ng mukha nya. "Kasalanan to ng Cornejo na yun. I'll make sure he'll pay for this."
Mukhang galit na galit sya. Ako natatakot sa mangyayare..