30 Tumor

7 2 0
                                    

BEA'S POV

Aw! Nasan ako?

Nag collapse nanaman ba ko?

"Anak!" Sabay na sabi nina Mom at Dad.

"Doc gising na po sya." Sabi ng nurse.

Ah nasa ospital ako. Sina Mom pala nagdala sakin.

"Ms. Fuentes?"

"Yes doc."

"Nagpacheck up ka na ba dati tungkol sa kalagayan mo?"

Anong kalagayan?

"Ano po ibig nyo sabihin?" Sabay na sabi namin ni Mom.

"If I'm not mistaken madalas ka nagco collapse?"

"Yes doc." Kinakabahan ako ah.

"Bea." Panimula ni Dad. "Bakit di mo sinasabi samin na nagkaka ganun ka?"

"Sorry Dad. Ayaw ko lang po kayo mag alala."

Nagsimula na magsalita si Doc. "Sa results ng CT scan mo kanina, it shows that you have a brain tumor."

Shit. Bakit? Pano?

"Ha doc? Bakit? Seryoso ba yung lagay ng tumor ng anak namin?"

"Doc? Seryoso po ba talaga kayo?" Sabi ko

"Yes Mrs. Fuentes. Gagaling pa po sya. But Ms. Fuentes I do have a good news."

Good news?

"Ano po yun?"

"Benign ang tumor mo kaya hindi sya cancerous..".

"Salamat naman." -Mom

"Thank God!" -Dad

Thank you God. Salamat naman.

"..but you need an operation."

Hala. Pag nagpa opera ako malalaman ni Bae.

Di ko pwede sabihin kasi for sure mag aalala yun.

Hintayin ko nalang mag vacation para may excuse akong lumayo.

Saglit lang naman eh..

"Sige po Doc kailan ba?" Sabi ni Dad.

"Teka lang po." Panimula ko. "Ah doc, kung di po agad ako makakapagpa opera?"

"Bakit hin-" Nag sign ako gamit kamay ko na saglit lang.

"Lalala ang tumor mo. Pero kung kailangan mo pa ng time, pwede natin idaan sa gamot para di lumala for the mean time."

Ayun. Mag gagamot muna ko.

"Sige Doc. I'll go with that."

"Pero bakit?" Sabi ni Mom.

"Bea sigurado ka ba dyan?" Sabi ni Dad.

"Opo. Ayoko lang mag alala si Bae. Kaya sa vacation na ko magpapa opera. And please, wag nyo po sabihin kay Bae."

Di na nakatutol sina Dad.

Rineseta sakin ni Doc yung mga gamot na iinumin ko.

Pagtiya tiyagaan ko muna yun. Saka nalang ako magpapa opera.

---

"Sige po Doc. Thank you."

Pauwi na kami. Hawak ni Mom yung braso ko bilang suporta.

Chineck ko yung phone ko.

From: aa.yam q

Yam?

Yam ano nangyari sau?? Umlis dw kyo sbi ni manang..

Ay shit. Si Bae nga pala di ko pa nate text.

To: aa.yam q

Yam xorry.. Ok n q.. fatigue lng dw. Punta k s haux ah. pauwi n kmi. i love you..

Sent!

---

"Yam!" Sigaw ni Bae tiyaka ako yinakap.

I smiled. Di na ko nag aalala kasi gagaling naman ako.

Yinakap ko sya pabalik..

"Nag alala ako sayo." Sabi nya.

Kitang kita ko yung pag aalala nya.

Lalo na siguro pag nalaman nya. Lalong mag aalala to..

"Ok lang ako Yam. Nu ka ba!" Tapos kinurot ko sa pisngi.

Tumawa lang kami.

Ikaw lintik na tumor ka! Hintayin mo lang. Matatanggal ka din!!

SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon