HARVEY'S POV
"Wow Bae? Haha Beatrice Anne Fuentes. Bea for short."
Dito nagsimula ang buhay ko..
Unang kita ko palang sa kanya, may kung anong tumulak sakin para iligtas sya at magpakilala sa kanya.
Nung nakilala ko sya sinearch ko agad sya sa fb. Baka sakaling makita ko kung saan sya nag aaral.
Masaya ako dahil pagtingin ko sa profile nya..
"Studying at Gotianco University"
Di na ko nagsayang ng oras nagtransfer agad ako.
Masaya ako dahil simula nun lagi ko na sya kasama. Tuwing dumarating sya ang bilis ng tibok ng puso ko.
Parang bading amph! Haha.
"I crush you.."
Gusto ko sabihing "I love you.." kaso nahihiya ako eh.
I started being sweet. Dun ko nailalabas yung nararamdaman ko eh.
"Yam?"
"Ibig sabihin nun, 'You Are Mine'."
Yun yung pinili ko kasi pinapangarap kong mapasakin sya.
Kaya nung birthday nya, gumawa na ko ng move.
"O-oo naman Yam!"
Tuwang tuwa ako nung pumayag sya manligaw ako.
Kaya ginawa ko lahat ng kaya ko.
Nung iniwasan nya ko, di ko na alam gagawin ko. Kaya talagang kinulit ko sya.
When I kissed her, she respond. At pinulsuhan ko sya, ang bilis ng tibok. Mahal nya rin ako.
"Yun naman pala eh. Tandaan mo tong date na to. November 28 ah."
"Ha? Bakit?"
"Anniversary natin."
"Ah. Teka! W-wala naman akong sinasab-"
Another kiss. Natulala nanaman sya sakin.
"Wala nang bawian."
Yun yung pinakamasayang araw ng buhay ko. Mahal na mahal ko talaga sya.
"Pero Yam.. pag nagka baby tayo, aalagaan ko kayo ng mabuti. Lagi ko sya kakausapin kahit nasa tiyan mo palang, at di ko kayo papabayaan."
I really mean those words. Willing na nga ko na bumuo kami ng pamilya kahit maaga pa eh.
Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil rinerespeto ko si Bea.
"W-wala kong lagnat. Giniginaw lang ako."
"Shit."
Yinakap ko sya..
Nung yinakap ko sya, para akong napaso kaya napabitaw ako. Pero pagbitaw ko nakatitig sya sakin, di na ko nakapag pigil..
Nung gabing yun, nag decide ako na wag na sya pakawalan. I decided that I will come inside her.
Pero, nagulat ako. May nakauna na pala sa kanya.
Di ko na sana itutuloy yung balak ko, pero dahil nai set ko na yung mind ko na ganun ang gagawin, yun ang nagawa ko.
"Mahal naman kita eh. I just want perfection. So please bear with me."
I mean those words. Kaya kahit disappointed ako, ayoko parin sya mawala sakin.
This isn't fair
Don't you try to bring this on me
My love for you was bulletproof
But you're the one who shot meNung kinanta nya yan, alam kong patama sakin yan. Di naman talaga ako nagso soundtrip nun. Sinalpak ko lang yung headset para wag nya ko kausapin.
Ayoko sya saktan, kasi nasasaktan din ako pag nakikita ko syang umiiyak, nalulungkot, at nahihirapan.
Di ko lang mapigilan kasi naiisip ko yung tungkol dun sa nauna sa kanya.
"Oh break na tayo."
Di ko naman gusto yan. Tinignan ko lang kung anong reaksyon nya.
Nung umiyak nanaman sya, parang ang sakit.
*TOKTOKTOK*
"Tsk! Ano ba yan! Sabi na ngang ayoko ng istor- ah Raven, Bea."
Umiyak sya. Nasaktan siguro sya na yun lang tawag ko sa kanya.
"Shhh tahan na panget, makakasama sayo yan."
Makakasama? Bakit?
Yinakap nya ko.
Yam naman baka di kita matiis nyan eh. "Yam.."
"Oh? Ano ginagawa mo dito?" Sinadya ko maging cold.
"Yam may mahalaga kasi akong sasabihin sayo."
Ano kaya yun? Halatang pinipilit nya kumalma. "Ano yun?"
"Magkaka baby na tayo Yam!"
Ah.
"Ah ba-ha! Baby?!!"
"Oo Yam buntis ako!" Sabi nya ng nakangiti.
Magkaka baby na kami! Teka. Baby ko nga ba?
"Sigurado ka bang anak ko yan? Di ko anak yan. Baka sa ibang lalaki yan."
"Harvey Aragon." Sabi ni Raven na parang nagbabanta.
Di ko maiiwasang magduda eh..
"Totoo naman eh. Malamang dun yan sa isa. Di ko baby yan, makakaalis na kayo."
Mag iisip muna ko. Di naman sa di ko tinatanggap yung bata. Gusto ko lang mag isip isip baka sakaling mawala yung pagdududa ko.
Aalis na sana ko..
"Please Yam! Baby nati-"
Shit. Naitulak ko sya. Nagulat kasi ako bigla nya ko yinakap.
Lutang lang ang utak ko sa dami ng iniisip ko. Di ko sinasadya.
Buti nalang nasalo sya ni Raven. Baka mamaya mapapaano pa sya.
"Fuck you ka Aragon!" Ang sakit sumuntok ni Raven.
Di ko naman sinasadya eh!
"P-pinsan.. t-tama na please" Iyak na ng iyak si Bea.
Magsasalita na sana ko kaso nagsalita agad si Raven eh.
"No. Hayaan mo ako." Lumingon sya sakin. "Kung hindi ko sya nasalo, malamang napahamak na yung anak nyo. Isa pa, bawal sa buntis ang malungkot at ma stress tapos ginaganto ganto mo lang sya?!!"
Di ko nga sinasadya! Bahala kayo magpalamig muna kayo ng ulo.
Umiwas ako ng tingin. "Wala.akong.pake.alam.." Tumingin ako kay Bea. "Kung ako sayo, ipalaglag mo na yan."
Teka.. sinabi ko ba yun??
Sorry Bea di ko sinasadya sabihin yun.
Iyak na ng iyak si Bea. Lalapitan ko sana sya para aluin sya at bawiin ang sinabi ko ng biglang..
"Eh gago ka pala eh!" *BOGSH*
"Raven tama n-ah! A-ang sakit.. ng pu-puson.. ko.."
Shit si Bea..
"Shit ok ka lang ba panget?"
Namimilipit na sya sa sakit. Lalapitan ko sana sya kaso sumenyas si Raven gamit ang kamay nya na wag ako lumapit.
"A-ang.. sakit.."
"Dalin na kita sa ospital?"
"Sig-aaah!" Napaupo ako siya sakit. "Ra-Raven.."
Shit Yam!
Natulala ako sa kinakatayuan ko. Di ako makagalaw..
Di ko alam gagawin ko..
Baka mapahamak baby namin..
