BEA'S POV
Ayoko na talaga pumasok! T.T
"HOY MALA LATE NA TAYO PANGET!" Sigaw ng magaling kong pinsan habang kinakalampag yung pinto.
Padabog kong binuksan yung pinto..
"ANO BA?!!"
"Ah eh. He-he sorry. Ah pasok na tayo?" Para syang batang pinagalitan ng nanay nya.
"Eeh. Parang ayaw kong pumasok."
"Tara na kasi. May magandang mangyayari mamaya. Promise." Sabi nya sabay kindat.
Ano kaya pinagsasasabi nito?
Pumasok na kami. Pagdating ng gate, may sumalubong sakin. Binigyan nya ko ng white rose.
Tatanungin ko sana sya kaso tumakbo sya.
May nagbigay nanaman ng white rose sakin. Umalis din bigla.
Ang dami nagbigay sakin. Anong meron?
Binilang ko. Andami ah. 27 na.
Pagdating namin sa pintuan..
Dug dug..
Si Bae. May hawak ding white rose. Inabot nya sakin yun kasama ang isang white teddy bear na naka blue na parang sweater.
"Yam.. gusto ko lang sana ako magbigay sayo nyang last piece. 28 lahat katumbas ng no. natin."
Hinayaan ko lang sya magsalita.
"Ayan nga pala kapatid ni Tracey. Si Harice yan."
Awww. Naalala nya talaga yun?
"Alam ko mali yung ginawa at inisip ko sayo. Tanga ko kase pinaghinalaan ko pinsan mo."
Nakatitig sya sakin. Yung mga mata nya parang tinatawag ako.
"Miss na kita eh. Di ko naman sinasadya yun. Ayoko na lumala yung away natin dahil ayaw kong baka tuluyan kang mawala.. "
Naiiyak na ku dito! Yam naman eeh.
"mahal na mahal kasi kita. I'm here to say sorry. Sorry kung nasaktan kita."
Lumuhod sya at hinawakan yung kamay ko. "Sorry Yam."
Shit this tears. "Yam. Di mo kailangang lumuhod." T.T
Sa harap ng lahat ng classmates namin lumuhod sya?
That was..
..<3
"It's my fault. Dapat makikinig muna ako sayo at dapat buo ang tiwala ko sayo."
"Oo na. Tumayo ka na dyan Yam."
"Di ka na galit?"
"Di naman ako nagalit. Nasaktan at nagtampo lang ako Yam.."
Tumayo na sya tiyaka ako yinakap. "I love you Yam.."
"I love you too. Na miss kita."
"Ikaw din namiss kita." Humarap sya kay Raven. Thanks brad."
Huh? Ano yun?
"Baket ka nagtha thank you kay Raven?"
Maya kwento ko sayo..
Lunch Break..
"Oh ano na?"
Napakamot sya ng ulo. "Sige na nga. Ganto kasi yun.."
Tapos nagsimula na sya..
"Kinausap ko kasi sya kahapon. Nag sorry ako."
"Oh tapos?" Wala lang. Excited lang ako malaman pinag usapan nila.
"Sabi nya sige daw basta hindi ko na daw uulitin. Tiyaka bumawi daw ako sayo."
"Ah ganun? Buti naman di na sya galit." Galit na galit kasi si Raven sa kanya nung nakaraan eh.
"Ayun, tapos nagtanong ako kung pano mo ko mapapatawad."
Tinanong pa talaga? "Haha. Anong sabi nya?"
Tumitig sya saken. "Ang babae daw, pinaglalaanan ng effort at oras. Kapag daw nag effort ako, kahit daw di mo maappreciate, at least alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat."
Wow..
Di ko akalaing may sense pala kausap yun haha.
I hugged him tight. Na miss ko tong yakap na to kahit ilang araw lang.
Pag talaga mahal mo ang isang tao hindi mo matitiis.
