BEA'S POV
Morning. Walang good sa morning.
Tignan mo to. Wala man lang text :(
To: aa.yam q
Gud morning Yam q.. i love you.. eat k n breakfast..Nagreply sya.
ikw dn.
Reply ako:
Ssunduin m p b q Yam?hehe
Reply nya.
Uo.
Ako:
Breakfst n Yam q..Bae:
Geh.After 1 hour..
*BEEP BEEP*
Lumabas na ko para makita sya.
Masaya ako dahil makikita ko na ulit sya, pero malungkot parin ako dahil sa tipid ng text nya kanina.
"Yam.." Eh. Parang maluluha nanaman ako.
O.A. ba? Eh di kasi ako sanay na ganto sya eh.
Hinawakan nya yung mukha ko. Parang yung ginagawa nya sa buhok ko pag ginugulo nya.
Tapos ngumiti naman sya bago tumalikod.
Yung ngiti nya..
Simpleng bagay lang pero napapagaan ang loob ko.
Mamaya nga yayain ko sya sa condo ko. Ipagluluto ko sya ng Pesto. Favorite nya kasi yun.
"Yam.."
Dug dug..
Bigla nya ko tinawag. Ano kaya sasabihin nya?
"B-baket Yam?"
"Andito na tayo."
...
Sabi ko nga andito na kami eh.
Argh! Akala ko kung anong sasabihin nya. Damn this goosebumps!
Bumaba na kami. Hahawakan ko na sana yung kamay nya..
"Kumapit ka nalang." Tinutukoy nya na kapitan ko yung braso nya.
"Baket?"
"Nahihirapan kasi ako."
"Ganun?" Medyo nalungkot tuloy ako.
Ginulo nanaman nya yung mukha ko..
'Ginulo' . Di ko kasi alam tawag eh. Basta ganun pag ginugulo nya buhok ko kaso sa mukha.
"Wag ka na magtampo. Mas sweet nga yan eh."
Hayaan na nga hehe. "Okay Yam.."
---
Uwian na..
Kanina sa klase tanong ng tanong si Janna kung bakit di kami holding hands.
Sabi ko mas sweet kasi nakakapit.
Wala. Ayaw maniwala. Kinukulit ako ng kinukulit...
"Yam.."
Lumingon sya sakin. "Hm?"
"Punta tayo sa condo ko."
"Anong gagawin ku dun?"
Dati sama lang sya ng sama eh :(
"Ipagluluto kitang pesto. Diba favorite mu yun??" Sabi ko ng nakangiti parin.
"Pasensya na ah. Madami pa kasi akong gagawin eh."
"Anong gagawin mu?"
"May laro kaming dota ng mga ka tropa ko."
Aw</3
Hayaan ko na nga. Minsan lang naman nya makasama mga tropa nya, kaso..
..bakit ang sama ng loob ko?
"Di na din kita maihahatid ah. Sabay ka nalang kay Raven."
</3 </3
Masama talaga loob ko. Kung kanina nakakangiti pa ko, ngayon di na talaga.
Iba ka na..
Di ako makapagsalita. Naiinis ako!
Bigla nya ko yinakap na ikinagukat ko naman.
Dug dug..
"Sorry na Yam. I love you!" Sabay kiniss nya ko sa noo.
That made me smile. Sweet parin sya. :)
Para kong baliw. Mangot na mangot kanina tapos ngayon nakangiti.
"I love you too Yam ko."
"Geh alis na ko.."
...
...
Ganun?
Nagdesisyon akong umuwi mag isa. Gusto ko maglakad para mag isip isip.
Bakit ganun?
Napaisip tuloy ako..
Ano ba yung 'i love you' nya? Totoo parin o pampalubag loob?
Mahal pa ba talaga nya ko? O naaawa lang sya makipagbreak?
Aaaaaw! Sakit nanaman ng ulo ko.
---