BEA'S POV
1 buwan ang nakalipas..
"Panget gising na.." Parang lumilindol?
"Huy!"
"PANGET!!!!."
Argh! "Ano ba? Antok pa ko eh. Sama ng pakiramdam ko."
Kala ko nalindol. Inaalog lang pala ko neto.
"Bakit? May sakit ka ba?" Chineck nya yung noo ko. "Wala naman ah.."
Pag tingin ko..
"Parang ang gwapo mo na ata?"
Totoo naman eh. Parang gumwapo yung pinsan ko.
"Matagal na haha. Bangon na dya- Aw! Aray panget mashaket!!"
Di ko napigilan yung sarili kong kurutin yung pisngi nya.
"Sorry. Di ku lang napigilan."
"Tch. Bangon na kasi. Bakit ang hirap mo gisingin nitong mga nakaraang araw? Minsan tuloy nahuhuli ako sa pagsundo kay Jannaloves ko."
Haha inlababo talaga.
"Edi dun ka na kay JANNALOVES mo."
"Talaga! Haha geh baba ka n- Aw! Mashaket nga eeh."
"Haha sige na."
Kahit masama pakiramdam ko bumaba parin ako para kumaen.
Urgh! Ang baho nung..
*SINGHOT*
*SINGHOT*
..fried rice?
"Oh bakit anak?"
"Ang baho nung fried rice. Ilayo nyo nga yan!"
"Di naman mabaho ah. Ano ba nangyayari sayo anak?"
"Mabaho naman talaga eeh."
Hay. Tinapay na nga lang :/
Tinapay+scrambled egg+milk=burp!
Ayan! Hihi sharap!
Mukhang masarap pagkakatimpla dun sa scrambled egg.
Yum yum!!
Dami ko nakaen.
"Panget.. panget ka na nga tataba ka pa nyan. Dami mo nakain parang gutom na gutom ka ah."
"Baket ba? Nakakainis ka! Ang sarap naman kasi. Masama ba?"
Kainis! :(
"Alis na nga ko."
"Ui panget. Sorry na. Bakit galit ka agad? Lagi ka naman nakikipag asaran sakin ah. Pikon ka na ngayon?"
Argh!!! "Kainis ka! Ewan ko sayo!" Pinaghahahampas ko nga.
"Sorry na panget."
"Nanggigigil ako sayo!"
"Ganun? Layo muna ko.Tsk."
Palayo na sya T.T
"Panget! *SNIFF* Galit ka na ba sakin? Di ko naman alam kung bakit nanggigigil ako sayo eh. *SNIFF*"
Parang nataranta sya at biglang lumapit sakin.
"Uy di na. Tahan na. Shhhh..."
"Galit ka *SNIFF* sakin eh. *SNIFF*"
"Pag tumahan ka bibigyan kita ng tinapay na may scrambled egg."
O.O "Talaga?" Bigla ako napangiti.
"Oh ayan tumahan ka din. Sandali lang kukuha ko."
Yehey! Favorite ku na yung scrambled egg sandwich hihi!
"Oh ito na oh."
Tapos yun kinain ko na. Sharaaap eeh.
"Thank you!" Sabay kurot sa pisngi nya. Yung madiin na madiin haha.
---
Dito na kami sa school. Hinatid ako ni Raven.
Di ako hinatid ni Bae eh. Naiiyak nanaman ako T.T
"Oh bakit naiyak ka ulit?"
"Naaalala ko si Bae eh!" T.T
"Kala ko ba busy lang sya?"
"Basta!" T.T
---
Lunch break..
Di pumasok si Bae. Bakit kaya? T.T
"Umiiyak ka nanaman?"
Yinakap ko ang pogi kong pinsan. "Ok lang ako."
Pumunta kaming canteen. Bumili si Raven ng tapsilog.
*Aaaaaccckkk*
"Hanggang dito ba naman mabaho yung fried rice?" Chuking fried rice yan!
Ang baho talaga ayt.
"Bestie ok ka lang?"
I nod my head.
"Sige tatanggalin ko nalang. Scrambled egg sandwich gusto mo?"-Raven
Parang nag twinkle yung mga mata ko!! :D
"Hihi sige the best ka talaga!" Tapos yinakap ko sya.
Ewan. Gustong gusto ko yakapin at kurutin tong pinsan kong pasaway xD
---
After namin kumain, papasok na kami sa room.
"Baby ko, mauna ka na muna ah. May pag uusapan lang kami ni Bea."-Raven
"Sige baby. Una na ku ah."-Janna
"Ano pag uusapan natin?" Tanong ko.
"Bea umamin ka nga sakin.." Sabi sakin ni Raven.
Teka baket ang seryoso nya ata?? Tiyaka Bea tawag nya sakin. Di ako sanay.
"..did you and Harvey did THAT thing?"
Teka.. nagets ko yun ah. Luh bakit natanong nya?
"H-hindi ah. Baket?" Shit halata ata sagot ko.
"Umamin ka na please lang. Mahalaga to."
Mahalaga? "Bakit ba?"
"Kung ginawa nyo nga, pumunta tayo sa OB pag uwian."
"Ha OB? Bakit?"
"Ang hirap mo gisingin, lagi masama pakiramdam mo, nababahuan ka sa fried rice, gustong gusto mo yung scrambled egg at tuwang tuwa ka sakin which is unusual, kurot ka pa ng kurot sakin, ang emotional mo pa.."
Ang haba ng sinabi nya wala ako naintindihan. "Oh ano?"
"Ang slow mo!"
T.T Ang sama mo! Di ko magets eh. Kasalanan ko ba??
"Sorry na shhhh tahan na."
*SNIFF* "Ikaw kasi eh."
"It's just that I conclude you might be pregnant."
"What the f- anong pregnant???"
Hala di pa ko handang maging ina T.T
"Shhhh. Wag ka na umiyak. Pa checkup na kita para makasigurado. Para kung di ka pregnant, makakahinga ka ng maluwag."
I just nod my head. Natatakot ako T.T
Ngayon pa na hindi kami ok ni Bae tiyaka kami magkakaroon ng baby??
