BEA'S POV
Anong nangyare?
"Bestie!" -Janna
"Bea!" -Bae
"A-anong nangyari?"
"Nagcollapse ka kanina best eh."
"Okay na ba pakiramdam mo Bea?"
"Okay na naman. Bakit daw ako nagcollapse?"
"Fatigue at stress daw. Tiyaka sa sakit ata ng sugat mo. Dumugo kanina eh."
"Ah okay.." Stress dahil sa buwisit na yun!
"Bakit may laslas ka Bea?"
"Private reasons. Ayoko muna pag usapan."
"Sige. Pero pag kailangan mo ng kausap andito lang ako."
Andito lang ako..
Dug dug..
Aaaaah! Change topic.
"Teka Bae, anong nangyari sa inyo?"
"Nung natumba ka di ko na sya pinansin tapos dinala na kita sa clinic."
Ah buti naman tumigil na sila nag away.
"Thanks ah."
"Ah Harvey? Pano pala kayo nagkakilala?"
Tapos yun kinuwento ni Bae kay Janna nung linigtas nya ko pati paghatid sakin.
"Ayun, di ko nga akalain na dito din sya nag aaral eh. Me-"
"Meant-to-be kayo ni bestie? Haha"
Di ako maka imik. Nahihiya ako eh haha.
"Bea.."
"Hm?"
"I crush you.." Tapos kumindat..
I crush you? Ano yun?
"Ano loading? Ibig sabihin nun crush ka nya! Imbis na i love you, i crush you." Singit ni Janna.
Ah. Crush nya pala ko. Crush lang pala eh.
Ha crush?! Sabi ko nga buffering utak ko eh.
Nanlaki mata ko. Nakakahiya ah.
Crush din kita. Pareho tayo. Meant to be talaga tayo. Haha lol.
May pag-asa kayang maging love ang nararamdaman natin? Pano pag naging love na?
Matatanggap mo pa kaya ako?
Pano pag hindi? Masasaktan nanaman ako..
Hay! Ang advance ko mag isip! Crush lang naman daw. Hindi pa love.
Pano nga pag umabot dun?
Malayong mangyari yun.
"BESTIE!"
"Aray!" Basag eardrums. Makasigaw tong babaeng to. "Bat ka ba naninigaw?"
"Eh kanina ka pa namin kinakausap nakatulala ka lang kay Harvey!"
Ah okay..
Ha?! Nakatulala ako kay Bae?
Waaah! Kahiya! >.<
"Natulala sya sa kagwapuhan ko eh."
"Hahaha!" -Janna. Aba tuwang tuwa ang bruha.
"He-he" Ayan nalang. Di ko alam sasabihin ko eeh.
"Bea.." Biglang naging seryoso ang mukha nya at hinawakan nya yung kamay ko.
Dug dug..
Eh?
"B-baket?" Ayan nataranta na ko. Simpleng hawak lang sa kamay ko ang lakas ng epekto.
"Wag mo hayaang ginaganun ganon ka lang nya. Andito lang ako para ipagtanggol ka lagi."
Kitang kita ko sa mga mata nya ang pag aalala at sincerity..
"Bakit ang bait mo sakin Bae?"
"Kasi.." Tumingin ulit sya sa mata ko. "..pakiramdam ko kailangan kitang protektahan, at ingatan."
Hindi ako maka imik. I can't find the right words to say. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Parang hindi ko kasi matitiis kung makikita kitang nasasaktan at umiiyak kasi.." He paused for a moment. "..gusto kita."
I was dumbfounded. Parang natunaw ang puso ko sa mga narinig ko.
Gusto din kita..
..kaso mukhang hindi pwede.