BEA'S POV
Lunes nanaman, pasok nanaman. Naglagay muna ko ng black wristband para matakpan yung cuts.
Haaay. Makikinig nanaman ako sa mga boring na prof.
Puro basics kasi tinuturo eh alam ko na yung basics about business. Natutunan ko nanaman yun kay Dad. Ako kase maghahandle ng mga kompanya namin pag graduate ko eh.
"Ui bestie!" Lumapit sakin si Janna tapos linagay nya yung kamay nya sa balikat ko. "Ok ka lang?"
Halatang nag aalala sya. I just faked a smile. "Oo naman."
"Kilala kita. Alam kong hindi ka totally ok."
"Bestie bakit ganun? Pinapangalandakan nya sakin parausan lang ako. Kung itrato nya ko parang wala kaming pinagsamahan."
"Basta andito lang ako bestie."
"Ok class. Good morning."
Dumating si ma'am kasunod si Brix at yung ibang late.
"Ok class may transferee tayo. Let me introduce him."
Sumenyas si ma'am na parang pinapapasok nya yung nasa pintuan.
"Ok class this is Mr. Harvey Aragon."
O_O
Dug dug..
Ano to? Bilis ng tibok ng puso ko.
Ah, nagulat lang siguro ako.
Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Bae, tapos ngumiti sya. Napangiti nalang din ako :)
"Ui Bea!"
Nasa harap pa sya tinawag na nya ko. Nagtinginan tuloy sila saken. Ngumiti nalang ako.
"Dito ka din pala nag aaral. Sabi ko sayo meant to be tayo eh."
^_- -Harvey
O_O -Ako
"Ayiiiieh!" -Classmates
?_? -Janna
Loko talaga to. Pakiramdam ko tuloy ang pula na ng mukha ko.
"Sino yun bestie?"
"Kwento ko sayo mamaya
."
Pinaupo ni ma'am si Bae sa vacant seat na katabi ko.
Dug dug..
Argh ano ba to? May heart disease ba ko? ?_?
"Nagtext ako ah.." Bulong sakin ni Bae.
"Eh?" Tapos tinignan ko yung phone ko..
From: 09*********
Gud morning BEAutiful ;)Pakiramdam ko namula nanaman mukha ko. Hinarap ko sa kanya phone ko.
"Ah eh, i-ikaw ba to?" Tanong ko sa kanya na di makatingin ng diretso. Kahiya nag-stummer pa ko :/
"Yeah." Sabay kindat.
Kairita! Wag kang ganyan..
.
.
.
..kinikilig kasi ako. :">
"Okay class. Answer pg. 57. Dun lang ako sa office."
Umalis na din sa wakas.
Nginitian ko nalang si Bae. Di ko alam sasabihin ko eh.
*BOGSH*
Napatingin lahat..
..kay Brix?
Lumapit sya samin sabay tumingin sakin. "Kabago bago nya lang linalandi mo na agad?" Tapos tumawa sya. Yung tawang nandidiri.
Aba insulto to ah! Pasalamat sya di ko sya masagot. Mahirap na.
"Brix, ayoko ng gul-"
"Ano bang problema mo?"
Natigilan ako sa sasabihin ko ng biglang nagsalita si Bae.
"Yan! Yang malanding yan ang problema ko! Bakit may problema ka?!" Sagot nya habang dinuduro duro ako.
Ako naman walang imik. Di ako makapalag sa hayop na to.
"Gago to ah!" Kinuwelyohan nya si Brix. "Ayoko sa lahat yung yinayabangan ako eh. Tapos grabe ka pa magsalita kay Bea!"
"Gago ka din! You don't f*cking care. Pagsasalitaan ko si Anne hangga't gusto ko!"
Sya lang natawag ng Anne sakin..
Hinawakan ko sa braso si Bae. Mahirap na. Ayokong magkagulo dito. "Uh, Bae.. tama na. Hayaan mo na sya. Magkakagulo lang dito."
Mukhang natauhan naman sya. "F*ck! Sorry Bea.." Tapos tinignan nya ng masama si Brix.
"Thank y- aray!" Bigla nalang ako hinila ni Brix. Medyo nakataas ang kamay ko ngayon dahil sa madiin na paghawak nya sa wrist ko. "Please bitawan mo ko.."
Aray! Yung kuko nya nakabaon dun sa sugat. Kahit ba may wristband masakit parin.
*BOGSH*
Nabitawan nya ko at natumba sya dahil sa suntok ni Bae.
Ngayon nagsusuntukan na sila. Aawatin ko sana sila ng bigla nalang sumakit ang ulo ko.
The next thing I knew, everything went black..
![](https://img.wattpad.com/cover/55513874-288-k30048.jpg)