BEA'S POV
Kamusta na kaya sya? For sure nag aalala na yun. Kanina pa ko wala eh.
Pauwi na ko galing kayna Brix. Di ko alam kung pano ko iiwasan si Bae.
Yung taong nagpapasaya sakin..
Yung taong mahal ko..
What should I do?
"Yam!" Nanlaki yung mata ko sa gulat.
Di ko naman inaasahan na makikita ko agad sya. Nasa tapat kasi sya ng gate namin.
Tumakbo sya para yakapin ako, and I hugged him back.
This is gonna be the last hug..
Naiiyak nanaman ako. Pero kailangan ko pigilan.
Kakalas na sana sya pero hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya.
"Nag alala ako sayo Yam.. hinigit ka daw ni Brix eh.." Sabi nya habang hinahaplos haplos pa ang buhok ko.
"Sorry di kita naipagtanggol.." Punong puno ng pagmamahal yung mga salita at yakap nya.
Lalo akong nahihirapan Yam eh. Sorry Yam. Pero simula bukas iiwasan na kita.
Pinilit ko ngumiti. "Ano ka ba Yam! Ok lang yun. Wala kang kasalanan." I tried to make my voice sounds happy.
But damn, it really hurts. Muntik na magaralgal yung boses ko.
"Yam may problema ba? Anong ginawa sayo nung gagong yun?"
"Wala Yam. Tara pasok tayo. Gutom na ko eh." I tried to change the topic.
Sumunod naman sya.
Sabay kami kumaen. Let me feel this moment. These memories will gonna be the last.
"Yam memories ka ba?" Sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sabay tanong. "Bakit? Hehe."
"Kasi, kahit lumipas ang panahon, at mawala lahat ng meron satin, di ka mawawala dito sa puso ko."
Di ko masabe yan sayo ng diretsahan kaya dinaan ko nalang sa pickup line.
"Yam, may problema ba? Parang iba pakiramdam ko sa mga sinasabi at kinikilos mo." Sabi nya na punong puno ng pag aalala.
Ang lakas ng pakiramdam nya. Ang hirap magtago ng nararamdaman.
"Wala. Nakakatampo ka naman. Nag pick up line na nga ko di ka man lang kinilig."
Pinipilit ko magmukhang ok Yam. Wag mo naman sayangin yung effort ko.
"Sorry naman Yam ko. Tampo agad eh. I love you.." Ayan sweet na ulit sya.
Lusot na siguro ako.
"I love you your face! Bleeeeh!" Binelatan ko sya.
Ginulo nya yung buhok ko at ngumiti. "Pasaway ka talaga."
"Yam M.O.A. tayo." Gusto ko gumala kasama sya.
Mukhang nagustuhan nya yung sinabi ko. "Sige ba!"
Pumunta na kami. Kotse nya nalang yung ginamit namin.
@MALL OF ASIA
"Ice skating tayo Yam!" Para syang batang nae excite.
"Haha sige." Naghabulan lang kami ng naghabulan.
Next stop sa Quantum..
Naglaro lang kami ng naglaro. Pagdating sa basketball..
"Yam sana bola ka nalang." Panimula ko.
"Ayoko! Haha joke lang. Bakit?"
"Para kahit ibato kita palayo, tatalbog ka parin pabalik sakin."
Sana kahit itaboy kita palayo andito ka parin sa tabi ko.
Pumunta naman kami KTV booth.
Pagdating ng last song, I entered the song 'Huling Sayaw'.
Pre-Chorus:
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo maghiwalay
Lahat-lahat ibibigay
Lahat-lahatChorus:
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayawIto na ang huli. Simula bukas iiwasan na kita. Wag mo ko pahirapang umiwas ah..
Nakatingin lang ako sa kanya ng matapos ang kanta. Kakain lang muna kami bago umuwi.
Pag uwi namin..
"Yam uwi na din ako ah."
"Thank you sa paghatid Yam ah."
"No problem. See you bukas ah."
Bukas..
Di na kita masasamahan bukas Yam.
Di na rin muna ko papasok..
"S-sige. Ingat." Yinakap ko sya.
Last hug..
Ang sakit sa puso. Naiiyak na ko pero kailangan ko pigilan ang mga luha ko..
Parang ayaw ko sya bitawan. Pero kailangan.
"Sige na ingat ka ah.." Tumalikod na agad ako. Di ko na mapigilan yung mga luha ko eh.
Thanks for the last memories. I love you Yam..
