BEA'S POV
Dito kami dumiretso ni Bae sa mansion.
Nood nood lang ng mga anime then kaen ng mga chips.
Yinaya ko kasi sya na magdinner dito mamaya pagdating nina Mom at Dad.
Payag naman sya para daw pormal na makapanligaw :)
Kitang kita ko sa kanya yung sincerity. Sincere sya sa feelings nya sakin.
"Ang sexy ni Lucy oh." Character sa fairytail. "Mas sexy pa sayo Yam." Sabay belat nya sakin.
Loko to haha. Napanguso nalang tuloy ako.
"Wag kang gaganyan Yam."
"Huh? Baket?"
"Hindi pa tayo. Baka mahalikan kita ng wala sa oras.."
Dug dug..
Di ko alam sasabihin ko. Feeling ko ang pula pula nanaman ng mukha ko.
*TOKTOK*
"Ano po yun?" Nakatok kasi si Yaya.
"Andyan na po sila ma'am."
"Sige po yaya. Thank you po."
Dito na sila!
Paglingon ko kay Bae..
"Yam bakit namumutla ka ata?"
Namumutla sya eeh.
"Kinakabahan lang ako. First time ko kasi manligaw sa magulang eh."
I squeezed his hand. "Don't worry Yam. For sure magugustuhan ka nila."
"Talaga?"
"Oo naman. Tara baba na tayo.."
Pagbaba namin..
"Hi Mom, hi Dad."
Seryoso lang silang nakatingin sakin. Anong meron?
Masama kutob ko dito ah..
"Gusto ka namin batiin ng happy bday pero may mas mahalaga tayong dapat pag usapan." Sabi ni Dad.
Ano yun?
Nagsalita si mommy. "Sya ba yun?" Ang alin? Wala pa ko nababanggit sa kanila ah. "Brix hijo! Pumasok ka dito!"
Ha? Andito si Brix?
Nagkatinginan kami ni Bae. Lalong h
indi maganda ang kutob ko dito.
"Yes tita? Opo sya po yun." Sabi ni Brix kay mommy.
"Excuse me? Sya po ang ano?"
"So.." muling nagsalita si mommy. "..sya pala yung bad influence mong boyfriend."
Nagkatinginan ulit kami ni Bae. Anong pinagsasasabi nya?
"Bad influence? Boyfriend? Anong pinagsasasabi nyo?"
"Sinabi na ni Brix samin lahat. Nagcu cutting ka daw kasama yan at ilang beses nya kayo nakitang naghahalikan."
What the hell???
"Mawalang galang na po.." Panimula ni Bae.
"..di po kami nagcu cutting at lalong hindi po kami nagki kiss. Hindi po nya ko boyfriend. Well in fact andito po ako para ligawan si Bea."
That was..
..unexpected.
Ang tapang ni Bae, at lalo nya napatunayan na seryoso talaga sya sa panliligaw sakin.
"So you mean nagsisinungaling ako?" Singit ni Brix. "Tita, tito, you know me.."
"Don't worry Brix, we believe you."
Ha?!
"Mom.. Dad.. Totoo po yung sinasabi ni Bae." Totoo naman talaga eh..
"Tito, Tita, nakita ko talaga sila ni Anne. Tumalon pa nga sila sa bakod isang beses eh."
"You're 1 week grounded!" Seriously Dad? Nice birthday gift huh..
"But.."
"No buts Beatrice!"
Galit na si Dad. Tinatawag nya lang ako ng ganito kapag galit sya eh.
Mas naniniwala kayo sa hayop na yan?
Bae Yam ko..
"Yam.." Sabi ko kay Bae habang umiiyak ako at sya teary eyed na din.
Gusto ko lang naman maging masaya. Bakit ba ayaw ako tigilan ng hinayupak na yun?
"At ikaw.." Sabi ni Dad. "..makakaalis ka na."
"Dad.."
"Stop it Beatrice!"
"Dad mas naniniwala kayo sa kanya?" Sabi ko habang umiiyak at tinuturo si Brix.
"May tiwala ako sa inyo ni Brix, pero dyan sa lalaking yan, wala!"
"Dad wag kayong ganyan kay Harvey. Wala kaming ginagawang masama."
"Tama na best!" Wala kang karapatan tawagin ako nyan. "Kitang kita ko kayo!!" Tang.. sumingit ka pa!
"Liar! Wala kaming-"
Natigilan ako ng biglang hinawakan ni Bae yung isang balikat ko.
Nakayuko lang sya.
Teka.. umiiyak ba sya?
"Yam.." Yan lang ang nasasabi ko.
Nakayuko parin sya, pero nagsimula na sya magsalita. "Yam, h-hayaan mo na. Okay lang ako."
Garalgal ang boses nya. Parang dinudurog yung puso ko. He's crying.
"Yam.." Wala na ko ibang masabi.
Yam ko..
"Sir, Ma'am, mauna na po ako. P-pasensya po nagkagulo pa kayo."
Umalis na sya..
Gusto ko sya habulin pero di ko magawa.
"Thanks for the birthday gift.." Tapos tumakbo na ko sa kwarto ko.
Hahayaan ko nalang umiyak ng umiyak ang sarili ko.
Linock ko ang kwarto ko. Ayoko ng istorbo.
Damn that Cornejo! He's a liar!
Papunta na sana ako sa kama ko ng biglang..
"Ouch!" Yung ulo ko sobrang sakit..
Then everything went black..
![](https://img.wattpad.com/cover/55513874-288-k30048.jpg)