[Author's Note]
Helloooo! Kung nababasa mo ito, please continue reading hahaha kasi ikatutuwa ko po iyon ng bongga.
Gusto ko lang pong sabihin na matagal ko na pong sinulat ang story na ito. Noong 2009 pa tapos natapos ko after 2 years. Tapos karerevise ko lang this year (2016) kasabay ng pagpublish ko nito rito. Tapos sana matapos ko pagpapublish nito this year. Tamad kasi ako hahahaha. 'Yon lang po. Trip ko lang sabihin yan xD
~~~~~
Chapter 1: The Bed Spacer
(3rd Person POV)
"Watashitachi wa doko desu ka?" (Nasaan po tayo?) tanong ni Kana sa tatay nya.
"Watashitachi wa anata no obasan ni imasu." (Nandito kina tita mo.) sagot naman ni Eiji, ang tatay ni Kana.
"Naze desu ka, otoosan?" (Bakit po, tay?) tanong ulit ni Kana.
"Imooto-chan wa byoki deshou? Sore wa wakatteiru deshou? Imooto-chan wa therapy wo irimasu soshite futari no hoshimono wo subete ageru no koto wa dekimasen . Sonna no takusan okane ga nai. Dakara ima kara koko ni taizai shimasu." (Alam mo namang may sakit ang kapatid mo 'di ba? Kailangang i-therapy ang kapatid mo at dahil doon hindi namin kayang ibigay ang pangangailangan ninyo. Kaya mula ngayon, dito ka muna kina tita mo.) paliwanag ni Eiji sa musmos nyang anak.
"Watashi wa koko ni mukau no?" (Iiwan niyo ko rito?) malungkot na tanong ni Kana.
"Hai. Demo goshimpainai ne. Okaasan to otoosan wa Kana wo modori to torimodoshimasu." (Oo. Pero wag kang mag-alala. Babalikan ka rin namin at kukunin.) pangako niya sa anak niya.
"Itsu?" (Kailan?)
"Ano hi Norika wa tsuyoku narimasu." (Kapag magaling na si Norika.) Tanging sagot ni Eiji.
Iyan ang mga nasa isip ni Kana. Naalala na naman niya ang nangyari noong bata pa siya. Noong iniwan siya sa Pilipinas. At ngayon, siya ay dalaga na at tinatanong na naman niya ang sarili kung babalikan pa ba siya o hindi na.
"Hayyy... Kailan kaya ang panahon na iyon?" tanong niya sa isip. Nakasalukbaba siya sa may bintana nila habang tinatanaw ang buwan. "Pero... hindi dapat 'yon ang iniisip ko ngayon. Dapat ang isipin ko ay kung paano itatanong kay Jean kung kilala ba niya si Shimazaki Kosuke. Kasi naman parang kilala niya eh! Kasi parang ginagaya niya yung hairstyle nito at magkamukha talaga sila..." tinignan niya ang picture ni Kosuke na wallet size atsaka nag-beautiful eyes.