Dying to Know His Secret

9 2 0
                                    

Chapter 2: Dying to Know His Secret

(Kana's POV)

Napapalakpak si tita nang malaman niyang magkakilala kami ng asungot na ito. Di naman obvious na masayang- masaya si tita eh, 'no?

"Mabuti kung gano'n!" tuwang- tuwa na sabi ni tita.

"Hoy! Sinusundan mo ba ako ah?!" pambibintang niya sa akin.

"H-huh? A-ano? Baka ikaw!" 'yon na lang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla sa sinabi niya.

"Ah hindi ka niya sinusundan, Jean. Siya 'yong sinasabi kong pamangkin ko." Paliwanag ni tita.

Lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni tita sa kanya.

"T-tita, ibig mong sabihin siya 'yong bagong bed spacer?" nabibigla kong tanong.

"Oo." Nakangiting sagot ni tita.

"Ano?!!!" bulalas ko at naihilamos ko na lang sa mukha ko ang mga kamay ko.

Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa kuwarto. Nag-excuse ako kay tita at sinabing magbibihis lang ako pero palusot ko lang 'yon. Hindi ko kasi matagalan na nasa harap ko si Jean. Ewan ko ba. Parang bigla na lang akong nataranta.

Pagpasok na pagpasok ko sa kuwarto ko ay bigla akong nanghina at napaupo sa sahig. Masyadong mabilis ang heartbeat ko kaya gano'n. Pero sa totoo lang, normal na ito sa akin. Laging ganito ang nagiging reaksyon ko pag nakikita ko si Jean o kaya ay pag malapit siya sa akin. Ganito kabilis ang nagiging tibok ng puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko tsaka ako pinagpawisan.

M-makakasama ko si Jean dito sa bahay? Ano bang klaseng parusa 'to? Nananaginip ba 'ko? Oo, baka nga masamang panaginip lang ang lahat ng 'to.

Tsaka ko pinagsasampal ang sarili kong pisngi at kinurot-kurot ko ang braso ko pero... Masakit!!! Nasasaktan ako ibig sabihin totoo nga lahat ng ito! Hindi!!!

Umiling-iling ako at pinag-uuntog ko sa pinto ang ulo ko. Pero kailangan ko nang masanay kasi simula ngayon dito na titira si Jean. Pero pansamantala lang naman 'yon di ba? Aalis din siya. Kailan naman kaya?

Hayyyy!!! Dapat mamaya pag nakita ko siya normal na ang kilos ko baka kung ano pang isipin at sabihin no'n.

(Jean's POV)

Lalabas sana ako para maglakad- lakad at magpahangin kahit na hindi pa ako pamilyar sa lugar na 'to. Nabigla rin naman ako nang nakita ko ang babaeng 'yon. Palabas na sana ako ng gate nang magtanong si tita kung saan ako pupunta. Sabi ko sa kanya dito lang sa malapit at maglalakad- lakad lang.

"'Wag ka na munang umalis malapit nang maluto ang pagkain." Nakangiting sabi ni tita.

"Okay po. Sige." Sabi ko na lang at bumalik na lang ako sa loob at umupo sa sala.

Tumingin- tingin ako sa lahat ng sulok ng sala. Napakaganda nito. Sabagay pati naman ang kwarto kung saan ako tutuloy at ang buong bahay ay maganda. Mabait pa ang tita ng babaeng 'yon. Pero ang mura ng renta dito. Sulit na sulit.

Napansin ko ang isang mesa na puno ng nakapicture frame na litrato ni Kana at ng tita niya. Tumayo ako para mas makita pang lalo ang mga litrato nang mapahinto ako sa biglang pagsasalita ni tita.

UnmeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon