Chapter 11: A Call
(Kana's POV)
Nagtuloy ang paninirahan ni Jean sa amin. Akala ko uuwi na siya sa kanila pag natapos na ang school year. Hindi pa pala. Total daw, sinusustentuhan siya ng totoo niyang tatay kaya dito na muna siya sa amin titira. Atsaka gusto na raw niyang maging independent kahit papaano mula sa mga tumayong mga magulang niya.
Naging close lalo kami ni Jean ngayong bakasyon, lalo na continuous ang pagtuturo ko sa kanya ng Japanese language. Nag-i-improve na nga siya eh. Nakakaconstruct na siya ng sarili niyang simple sentence. Kinuntsaba ko na rin si Tita para agad matuto si Jean. Pinakiusapan ko si Tita na kung maaari ay kausapin niya ng Japanese si Jean. Pumayag naman siya. Kapag di niya naiintindihan si tita, umaasim ang mukha niya tsaka niya ako tatanungin kung ano ang sinasabi ni tita.
Kahit na naging mas kaclose ko pa si Jean, sa tingin ko hanggang doon na lang 'yon. Ramdam ko kasi na kaibigan lang talaga ang turing niya sakin. Minsan, nabibigyan ko ng malisya ang sobrang alaga niya sakin pero iniisip ko na lang na ganoon siya sa mga kaibigan niya. Tinuturuan ko nga ang sarili ko na masanay na kasama siya, na kaibigan lang siya at wala ng iba. Kuntento na ako sa ganito, kaysa naman sa masira ang pagkakaibigan namin kung magtatapat ako ng damdamin ko sa kanya. At least kasama ko siya, nakakausap ko siya, naaalagaan ko siya bilang kaibigan, ayos na ko sa gano'n.
Ah nakuwento nga pala sakin ni Jean na nakuha na niya ang number ng totoo niyang tatay. Na-excite tuloy ako para sa kanya kasi papalapit na siya ng papalapit sa totoo niyang pamilya. Kahit naman na ganoon na ang sitwasyon, pinapahalagahan niya pa rin ang pamilyang kumupkop sa kanya kasi kinukwento niya rin ang mga ito sa akin. May dalawa siyang kapatid sa mga tumayong magulang niya—ate at bunsong kapatid, parehong babae. Actually, nakita ko na ang mama at bunso niyang kapatid noong second grading dahil pinatawag ang mga magulang namin ng Math teacher namin sa kadahilanang halos lahat kami ay bumaba ang grade sa Math. Napaka-unusual kasi no'n lalo na nasa higher section kami—second section kami.
Noong nakita ko ang bunso niyang kapatid, nasabi ko sa sarili ko na hindi niya kamukha si Jean. Kayumanggi ang kapatid niya. Kayumanggi rin naman si Jean pero mapaghahalataan na kaya lang naman siya umitim kasi lagi siyang nagbibilad. Atsaka noong first day ng klase nang third year na kami, nakita kong pumuti siya dahil siguro bakasyon at hindi siya lumabas ng bahay. Nakita ko na ring nakatop less si Jean dati dahil sa PE class namin, hindi pantay ang kulay niya. maputi ang katawan niya na karaniwang natatakpan ng damit pero maitim yung mga litaw na parte ng katawan niya tulad ng braso, kamay, mukha, atbp. Atsaka hindi ganoon katangos ang ilong ng kapatid niya kumpara sa ilong ni Jean. Kaya noon pa man pinagtakhan ko na iyon. Hindi ko na lang ulit inisip haha. Kasi pwede namang sanhi ng genes nila, pwedeng sa mga lolo o lola namana ni Jean ang features niya kaya hindi ko na inisip ulit 'yon noon. Ngayon na lang talaga ulit sumagi sa isip ko ang mga bagay na 'yon.
Biglang may tumunog na kanta kaya nabigla ako dahil sa mga iniisip ko. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog. Sa may estante nanggagaling ang tunog. Kung hindi ako nagkakamali, ringtone ng cellphone ni Jean iyon. Nang makita ko ang cellphone niya, kinuha ko ito at tinignan. "Pa" ang pangalan ng tumatawag kay Jean. Importante siguro kaya napatawag ang papa niya kaya sinagot ko na. Nasa CR kasi si Jean, naliligo.
Pagkapindot ko ng call button, nag-hello agad ako.
"Haro (Hello)?" waaah! 'Yong pagbigkas ng 'hello' ng papa niya iba! Hindi kaya... "Haro? Jing?" sabi na eh! 'Yong tunay niyang papa ito!
"Ah, hello." Sagot ko.
"Jing?" bigkas niya sa pangalan ni Jean.
"Ah this is not Jean. He is taking a bath. Is this Saburo~san?" tanong ko.