To Protect You

6 1 0
                                    

Chapter 9: To Protect You

(Jean's POV)

Wala na 'yong nakakaasiwang pakiramdam sa pagitan namin ni Kana. Ayos na ulit kami. At kagaya nga ng napagkasunduan, gabi-gabi tinuturuan niya akong magsalita ng Japanese. Paminsan, nirereview niya ako kapag papunta kaming school o pauwi ng bahay. Gano'n pa rin naman, nag-eenjoy pa rin siya sa panghahampas sa akin kapag nagkakamali ako ng sagot pero at least may improvement naman ako.

Kaya ko nang magpakilala sa Japanese, magtanong ng basic information at magsabi ng aking basic information. Sa totoo lang pahirap nga ng pahirap ang lesson na ibinibigay niya sakin. Kahit na lagi niya akong sinisigawan at pinapalo kapag tinuturuan niya ako, nakikita ko naman na matiyaga siya sa pagtuturo sa akin. Kita kong gusto niya talaga akong matuto.

Tungkol naman sa mga kasama ko, tumigil na sila sa pang-aaway kay Kana. Ilang araw rin na kinukulit nila ako tungkol sa kung bakit kami nagkakasabay ng uwi ni Kana. Ang lagi ko lang dahilan ay may short cut doon. Sa tingin ko naman naniwala na sila.

~~~

Nakatambay kami ngayon sa may covered court. Wala ang teacher namin sa isang subject. Halos may sampung minuto na siguro kaming nakatambay rito.

"Trina, babalikan ka rin no'n!" sigaw ni Ulysses.

Nabigla si Trina. Kanina pa kasi siya nakatulala. Ang lalim naman yata masyado ng iniisip niya.

Ngumiti siya. "Oo naman, alam ko namang babalikan ako no'n." Sinakyan niya ang trip ni Ulysses, tsaka niya ako pinakatitigan kaya napakunot ang noo ko.

"May bagong bukas na mamihan sa ikalawang kanto mula sa school, kain tayo mamaya ah!" pagyayaya ni David.

"Eew! Mamihan?!" bulalas ni Camille. Natawa na lang ako sa kaartehan niya.

"Ah, bibili lang ako ng soft drink sa canteen." Sabi ni Trina sabay tayo niya. "Wala bang magpapabili sa inyo?"

"Bilhan mo ko ng kahit na anong chichirya." Sabi ni Ulysses.

"Me too!" nagtaas pa ng kamay si David.

"Wala na ba?" tanong niya.

Nag-okay sign lang sila, at umalis na si Trina. Medyo nakakapagtaka ang pagtitig niya sakin kanina.

~~~

(Kana's POV)

Nagkukwento si Meilyn tungkol sa manliligaw niya nang biglang sumulpot sa harapan namin si Trina.

"Excuse me. Pwede ba kitang makausap sandali, Kana?" tanong niya.

"Ah sige." Sabi ko at tumayo na rin ako. Sinulyapan ko ang dalawa bago ako umalis. Nakatitig lang sila samin ni Trina.

Nauuna sa paglalakad si Trina, nakasunod lang ako. Kanina pa kami naglalakad. Saan ba niya ako kakausapin? Atsaka ano kayang pag-uusapan namin? Huli kaming nag-usap ni Trina, siningil niya ako sa mga utang ko sa class funds. Siya kasi ang naniningil sa mga mahirap magbayad ng class funds. Pero hindi naman talaga ako mahirap singilin. Nakakalimutan ko kasing magbayad kaya naiipon. Sa pagkakaalala ko, wala na akong utang sa class funds. Up to date ang pagbabayad ko ngayon.

Bigla siyang tumigil at hinarap niya ako. Nakarating pala kami sa likod ng industrial building. Grabe, ang layo ng nilakad namin ah.

"Kana, didiretsuhin na kita. Ano ang namamagitan sa inyo ni Jean?" tanong niya.

'Yon na naman? Eh di ba nasagot na namin ni Jean 'yan? Di naman sila makulit eh 'no?

"Wala. 'Di ba nasabi na namin 'yan sa inyo?" tanong ko sa kanya.

UnmeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon