Unexpected

5 1 0
                                    

Chapter 16: Unexpected

(Kana’s POV)

Hindi na lumingon pa si Jean, hindi ko na rin siya tinawag ulit. Natulala ako eh. Tinignan ko ulit ang nasa kamay ko. Concert ticket ito ni Kosuke Shimazaki!!! Hindi pa rin ako maka-move on!!! Kung pupunta ako sa concert niya, makikita ko siya sa personal!!! At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ko siya sa personal!!! Sana naman agad sinabi ni Jean ang tungkol do’n!!! Si Kosuke ‘to eh!!! Magiging choosy pa ba ako???

Nang matapos ko lahat ng dapat kong gawin ngayong gabi kasama na ang paliligo at pagtu-tooth brush, dumiretso na ako sa kwarto namin ni Norika. Magkasama kami sa kwarto. Wala pa siya, nasa sala pa at nanonood ng TV.

Sana naman agad sinabi ni Jean!!! Gusto kong pumunta!!! Isa ‘to sa mga greatest dream ko!!! May ticket na ako eh!!! Ah!!! May problema pa! Sa Pilipinas ‘to gagawin... anong pamasahe ko? May ipon nga ako pera aabot kaya ‘yon para sa pamasahe ko back and fort ng Pilipinas?

Agad kong kinalkal ang pinakatatago kong ipon, isang mahiwagang alikansya! Hohoho! Binuksan ko iyong takip nito sa ilalim at ibinuhos sa sahig ang lahat ng laman at binilang ko. Hala! Hindi aabot! Kulang pa ito ng pamasahe papunta! Uulitin ko ang pagbibilang! Baka naman nagkamali lang ako ng bilang.

Pagkatapos ng halos isang milyong ulit na pagbibilang ng perang ipon ko, napagod na ako... hindi talaga kakasya... waaaah! Anong gagawin ko???

Bumukas ang pinto, si Norika pala...

“Doushita no, Neechan?” (Napano ka, ate?) may pag-aalalang tanong niya.

Biglang may bombilyang sumindi sa taas ng ulo ko! Gumapang ako papunta sa kanya.

“Norika!!! Pahiram ng ipon mo!!!” bulalas ko, nabigla naman siya. “Onegaishimasu!!!” (Please!!!) lumuhod ako sa harap niya.

“Ah ha-hai.” (S-sige.) payag niya.

“Waaaaaaah!!! Yokatta!!!” bigla akong tumayo at niyakap siya.

“Ah hehehehe.” Nawirduhan siguro sakin pero napakaganda talaga ng kapatid ko!!! Siya ang savior ko!!!

Kinuha niya rin ang pinakatatagong ipon niya, binuksan ang takip sa ilalim at ibinuhos lahat ng laman sa kama niya at binilang ang naipon niyang pera. Nang malaman na niya kung ilan, pinag-add namin ang ipon namin...

HINDI PA RIN KAKASYA!!! BAKIT BA AKO IPINANGANAK NA MAHIRAP???!!! KATARUNGAN NAMAN OH???!!! CONCERT PO NI KOSUKE SHIMAZAKI ‘TO!!!

Literal na naglupasay ako sa sahig. Natulala lang si Norika sa ginawa ko. Maya-maya, inawat niya ako. Tinanong niya kung napa’no ba, at kinuwento ko sa kanya ang sitwasyon.

“Eh di puntahan mo siya sa kanila.” Sabi ni Norika. Oo nga ‘no?! Pero...

“Norika... hindi ko alam kung saan nakatira si Jean... kung nandito siya panigurado nakatira siya kay Kosuke... at hindi ko alam saan nakatira si Kosuke!!!” sobrang banat na banat na ang nguso ko sa kakasimangot... si Kosuke nga kasi ‘yon!!!

“Ah ganon ba?” nalungkot din ang kapatid ko... biglang sumeryoso ang mukha niya. Nag-iisip din kaya siya ng paraan? “Facebook! May facebook ba si Jean~niichan?” tanong niya.

“Waaaaah!!! Ang talino mo!!!” niyakap ko siya ng mahigpit.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang facebook, hinanap ang facebook ni Jean at nang mahanap ko ito, minessage ko siya. Sana agad siyang magreply! Uutang muna ako ng pera sa kanya para pamasahe back and forth! Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ‘to na makapunta sa concert ni Kosuke! Ilang araw lang naman ‘yon. Hindi naman siguro mawawala ang pamilya ko di ba? Agad naman akong babalik! Atsaka maganda na rin ‘to para makita ko ulit sina Meilyn at Cony! Pati na si tita! Miss ko na ang mga ‘yon eh!

UnmeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon