Chapter 6: We are on the Same Boat
(Kana's POV)
"Nagtataka ka kung bakit ako nagbe-bed space sa inyo?" umpisa ni Jean.
"Ah oo." Sagot ko. Bakit niya alam na pinagtatakhan ko 'yon? Kamag-anak niya kaya si Madam Auring?
"Sa totoo lang, lumayas ako samin." Nanlaki ang mga mata ko na napatingin ako sa kanya. Lumayas siya? Bakit? Anong nangyari? "Kasi nakasagutan ko ang nanay ko. Alam kong lasing ako noon kaya bigla ko siyang nasabihan ng walang kwenta, na ayoko na sa ganitong buhay. Nasaktan siya kaya tulad ko hindi na niya napansin kung ano ang mga lumabas sa bibig niya. Sinabi niya na ampon lang ako. Noong una, ayaw ko pang maniwala pero sinegundahan ng tatay ko at sinabi nga niyang totoo na ampon lang ako. Umalis ako hindi dahil sa nalaman kong ampon ako. Umalis ako dahil sa inalagaan nila ako bilang tunay na anak pero wala akong ginawa kundi mga kabalastugan kaya nahiya na akong bumalik. Pero kahit ganoon ang nangyari gusto pa rin nila akong bumalik sa kanila kaya ang ginagawa ko ay bumibisita ako every week. Binibigay nila ang allowance ko. Kinwento nila kung bakit at paano nila ako inampon. Sabi ni nanay na nasabi na niya sa totoo kong tatay na alam ko na ampon ako. Sabi ni nanay, nagtrabaho siya noon sa Japan bilang katulong. Naging ka-close daw niya ang kapit-bahay ng amo niya. Nang panahong iyon daw, nagkasunod-sunod ang trahedya sa buhay nila. Namatay daw 'yong asawa niya, natanggal siya sa trabaho, para mabuhay sila nangutang sila sa mga loan shark at nang singilin na sila, wala silang maipang-bayad kaya kinukuha ang bahay nila at lahat daw ng ari-arian nila. Kaya bago sila umalis sa bahay nilang iyon, ibinigay niya ang bunso nilang anak kay nanay. At ako iyon." Napangiti siya ng mapait.
"Coincidence nga raw, sabi ng nanay ko. Kasi tapos na ang kontrata niya noon sa amo niya at pabalik na siya sa Pilipinas nang palayasin ang tunay kong tatay sa bahay nila noon. Kaya pinakiusapan niya ang nanay ko na kung pwede isama niya ako pabalik ng Pilipinas. Walang nagawa ang nanay ko. Pagkauwi niya, inexplain niya sa tumayo kong tatay kung bakit siya may dalang bata. Tinanggap niya ako. Inalagaan nila ako kahit na hindi nila ako tunay na anak. Pero simula noong 10 years old na ako, nagpapadala na raw ng sustento ang totoo kong tatay. Sa totoo lang, siya ang nagbibigay ng pera ko ngayon. At mula noong 10 years old ako, siya na pala ang nagpapa-aral sakin." Mahabang salaysay niya.
Nakaramdam ako ng konting inggit sa kanya kasi hindi pa rin siya nakalimutan ng tatay niya. Ako... nakalimutan na yata nila ako...
"Ibig sabihin, Japanese ka talaga? I mean, purong Japanese?" mangha kong tanong.
"Oo. Iyon ang dahilan kaya tinanong kita noon. Noong nilagnat ako." Sagot niya.
"Ah kaya pala." Sabi ko habang tumatango.
"Nang ipinagtapat nila sakin ang totoo, sinabi nila sakin ang pangalan ng tatay ko, at nang makalawa, nalaman ko ang pangalan ng kuya ko." Tinignan niya ako ng may nakakalokong ngiti. "Interesado ka no?"
Napakunot ang noo ko. "Ha? Konti." Sabi ko. Pero syempre, hindi lang konti 'no! Interesadong interesado ako! Nagagawa pa talaga niyang mang-inis sa ganitong pagkakataon. Napaghahalataan na ba ako?
Ngumisi niya. "Ang pangalan daw ng totoo kong tatay ay Saburo Shimazaki. At ang kuya ko naman daw ay Kosuke Shimazaki." Nanlaki ang mga mata ko. Nagbibiro ba siya? "Sabi ko na nga ba mabibigla ka eh." Natawa siya ng konti. "May picture nila ako. Gusto mong makita?"
Napatango na lang ako. Na-speechless ako. Tumayo siya at pumunta sa kwarto niya.
Si Jean ay kapatid ng iniidolo kong Japanese idol. Nakakasalamuha ko ang kapatid ni Kosuke. Nahawakan ko na ang kapatid ni Kosuke. Nakausap ko na ang kapatid ni Kosuke. At kasama ko ngayon ang kapatid ni Kosuke Shimazaki. Panaginip ba 'to??? Kyaaaaaaaaaa!!!!!!!!
"Eto." Inabot niya sakin ang isang picture na mukha nang luma at umupo na ulit siya sa tabi ko.
Napaawang ang bibig ko. Mahabaging langit! Si Kosuke nga ito!!! May kasama itong lalaking medyo mataba na singkit. May katangkaran yung lalaki at mukha itong nasa 30's na. Siya ang tatay ni Jean at ni Kosuke. Tinignan ko si Jean, tapos ang litrato ng tatay niya ulit. Napangiti ako kasi pareho sila ng ilong at bibig. Matangos ang ilong ni Jean at manipis ang labi niya. Ang pagkakapareho nila ni Jean ay mata na medyo bilugan na may pagkasingkit pati ang hugis ng mukha at konti sa ilong, iba kasi ang pagkatangos ng kay Jean eh.
Ibinalik ko na sa kanya ang litrato. "Natatandaan mo pa ba 'yong araw na nasalubong ka namin ni Meilyn papunta sa Science room natin?" tanong ko sa kanya.
"Ah... oo." Nanliit ang mga mata niya na parang inaalala ang araw na iyon.
"Alam mo bang tatanungin sana kita noon kung kilala mo ba si Kosuke Shimazaki?" sabi ko sa kanya.
"Talaga? Bakit mo naman iyon naisipang itanong sa akin?" natatawang tanong ni Jean.
"Ano... kasi... kasi kahawig mo si Kosuke pati sa pagkilos niya. Kaya 'yon." Sabi ko.
"Eh ikaw naman? Sabi mo noon may nangyari kaya iniwan ka rito sa tita mo." Pasa niya sakin.
"Noong bata pa ako nagkasakit ang kapatid ko, kailangan siyang gamutin. Maraming gamot ang pinapa-inom sa kanya at ang mamahal ng mga 'yon. At dahil hindi naman kami mayaman, naisipan ng tatay ko na dito muna ako patirahin. Dahil na rin siguro hindi nila kami kayang buhayin ng sabay. Buti nga mabait si tita eh. Actually, walang anak si tita. Di sila magkaanak ng asawa niya. Kaya siguro anak ang turing niya sa akin." Natawa ako ng mahina. "Yon, sabi ni tatay babalikan nila ako kapag magaling na si Norika. Pero..." napayuko na lang ako. Bigla akong nalungkot eh. "Iniisip ko na lang na hindi pa maayos si Norika hanggang ngayon kaya hindi pa nila ako binabalikan." Tumawa ako pero syempre fake lang 'yon. Para na lang gumaan ang atmosphere.
"Kailan ang huling balita mo sa kanila?" tanong niya.
"Noong elementary pa ako. Sobrang tagal na." Ngumiti ako.
"Sinubukan mo na bang contact-in sila?"
"Oo. Lagi nga eh haha. Unavailable daw. Laging ganoon. Nagpalit na siguro sila ng telepono. Pero, lagi ko pa ring sinusubukan na i-call ang number ng bahay namin. Baka sakaling mapwede siya at sagutin ni tatay o ni mama. Kahit nga sa facebook hinanap ko na si Norika pero hindi ko siya mahanap eh."
"Sorry." Wika niya na halos pabulong.
"Eh? Bakit ka nagpapa-sorry?" pagtataka ko.
"Nagtanong pa kasi ako. Nalungkot ka tuloy." Sabi niya na parang nagi-guilty.
Tumawa ako. "Okay lang 'yon no!"
Ngumiti siya.
"Ah, alam ba nina Trina ang tungkol sa kalagayan mo ngayon?" pagbabalik ko ng topic sa kanya.
"Hindi."
"Eh? Bakit naman?" napakunot noo ako.
Natawa siya. "Parang hindi mo alam na mapang-husga ang mga iyon. Oo, kaibigan ko sila pero hindi lahat ng bagay dapat na sinasabi sa kanila. Kilala ko kasi sila. At dahil kilala ko sila, alam kong mag-iiba ang tingin nila sa akin kapag sinabi ko sa kanila ito."
"Eh bakit sakin? Bakit mo sinabi? Hindi ka man lang ba nagdalawang-isip na baka husgahan din kita?" masyado kasi siyang kampante sakin. Pero masaya ako kasi feeling ko na pinagkakatiwalaan niya ako. Nagtataka lang talaga ako. Atsaka syempre, mapagkakatiwalaan naman talaga ako.
Natawa siya.
Baliw yata 'to.
"Nagdalawang-isip nga ba ako? Hindi eh. Di ko alam. Mukha ka kasing mapagkakatiwalaan. Nakikita ko naman pagdating sa mga kaibigan mo na pinagkakatiwalaan ka nila."
Eh??? "Ini-stalk mo 'ko?" napatakip ako ng bibig. Patay! Bakit ko 'yon tinanong?
"Baka ikaw." Ngumisi siya.
"Bakit naman kita i-stalk? Ano ka, gwapo?" inirapan ko siya.
Tumawa lang siya ng malakas. Abnormal yata talaga siya. Pero masaya ako sa araw na ito. Nakilala ko siya ng mabuti. Sabi ko na nga ba eh! Sa kabila ng pagiging siga at mapang-asar niya, may natatagong kabaitan. Pinagmasdan ko lang siyang tumawa ng tumawa. Napangiti na lang ako dahil nadala ako sa pagtawa niya.