Chapter 14: Spring
(Kana’s POV)
Spring na rito sa Japan, mamumukadkad na naman ang mga cherry blossoms. First time kong masasaksihan ang pamumukadkad nila pagkatapos ng napakahabang panahon. Hindi ko kasi naabutan last year nang umuwi kami rito ni Norika. Halos mag-iisang taon na ako rito. Umpisa na rin ng pagiging third year senior high school ko. Inasahan ko na, na magha-high school pa rin ako rito. Iba kasi ang curriculum ng Japan sa Pilipinas eh. Buti nga tinanggap pa ako last year eh, kaya nakapag-second year senior high ako.
Kagaya ni Norika, habang nag-aaral, nagpa-part time ako. Tagahugas ako ng plato sa isang restaurant. Per hour ang bayad kaya malaki-laki rin naman ang kinikita ko. Magaling na si papa. Noong una ko ngang kita ko sa kanya, nanlumo ako. Naka-wheel chair siya at nakatulala lang. May ugat na pumutok sa puso niya kaya naapektuhan talaga ang katawan niya. Mahigit 40 years old pa lang naman si papa pero nang makita ko siya, masyadong matanda ang itsura niya kumpara sa edad niya.
Kaya hindi ako nagdalawang-isip na tumulong makaipon ng pera para sa ikagagaling ng papa ko. Noong una, ayaw rin ni mama na mag-part time ako pero nagpumilit ako. Tuwing nahuhuli ko si mama na nakatingin sakin, ang tingin niya puno ng guilt. Dahil siguro sa matagal nila akong iniwan sa Pinas pero pagbalik ko rito isa ako sa mga nagta-trabaho. Sa totoo lang, wala naman sakin ‘to eh. Ang mahalaga kasama ko na sila at para sa ikagagaling ni papa.
Sa totoo lang, magaling na si Papa. Nakakapag-joke na siya ulit gaya noong bata pa ako. Nakakatuwa lang. Wala siyang pinagbago. Si mama, kamukha niya si tita. ‘Yong mukha nilang mixed emotion ang nakakatuwa! Dahil nang nakapaglakad na ulit si papa, ganoon ang naging expression ng mukha ni mama. ‘Yong expression na gulat na nakangiti ng maluwang at medyo naiiyak.
Ngayon lang nga ako nakaramdam ng sobrang saya eh. Dahil na rin siguro kapiling ko na ulit sila. Di naman ako nagkulang ng pag-a-update kina tita, Meilyn at Cony. Masaya rin sila para sa akin.
Di naman ako nahirapang makahanap ng mga kaibigan dito. Mababait naman ang mga kaklase ko. Atsaka di ako naasiwa kasi kasing edad ko pa rin naman sila. May dalawa rin akong kaibigan na babae, si Akiko at si Chisato. Fan din kasi sila ni Kosuke kaya agad ko silang nakasundo. Pero wala pa ring papalit kina Meilyn at Cony dito sa puso ko.
May ka-close din akong lalaki sa school namin. Siya si Fumito, siya ang president namin. Nang baguhan pa lang ako rito, siya ang unang nag-approach sakin. Isa siyang matangkad, maputi at payat na lalaki. Matangos din ang ilong niya. May suot siyang salamin kasi raw may stigmatism siya. Ibig lang sabihin no’n, matalino siya! Hahaha! Kahit na napakagaling niyang mag-lead bilang presidente ng klase namin, may pagkamahiyain pa rin siya. ‘Yon ang nakakatuwa sa kanya. Lagi ko nga siyang sinasabihan na sumali sa mga entertainment agency eh. Pwede siyang maging talent! Kasi nga napakagwapo niya. Marunong naman siyang kumanta. Sa tuwing sasabihan ko siya no’n, aayusin niya ang salamin niya, kakamutin ang likuran ng ulo niya at mag-he-hehe. Kung titignan mong mabuti, sa tangkad niyang ‘yon, may alam siyang gano’n na expression.
Kasabay namin siyang kumain nina Akiko at Chisato. May mga kaibigan naman siya pero busy rin daw ang mga kaibigan niya. Ang gugwapo rin ng mga kaibigan niya! ‘Yong isa varsity player, ‘yong isa cartoonist ng school paper namin, at ‘yong isa vice president ng student council. Kapag nga pala nakita mo ‘yong vice president, di mo aakalain na siya ang vice president kasi ang liit niya. Pero kahit na kinulang siya sa height, gwapo pa rin siya! Sa tingin ko, tatangkad lang ng ilang inches si Jean sa kanya. Pero kung titignan mo si Jean, mukha siyang matangkad. Hahaha!
Ah, tungkol nga pala ay Jean... di ko siya kino-contact. Kahit sa facebook nagiging ilang ako sa kanya. Sa tingin ko nga ang dami na niyang messages sakin ngayon eh... di ko lang binubuksan. Paminsan, magcocomment siya sa mga posts ko pero di ko ni-la-like or nirereplyan. Hindi niya nga pala alam ang number namin sa bahay o ang cellphone number ko. Sinabihan ko sina tita, at ‘yong dalawa na ‘wag sabihin sa kanya. Bakit ko ito ginagawa sa kanya? Hindi dahil sa hindi na siya mahalaga sakin, may dahilan ako... may mga times pa rin naman na namimiss ko siya... pero hanggang do’n na lang ‘yon ngayon.
~~~
Uwian na pero hindi pa ako uuwi. Tutulungan kong gumawa ng bulletin board si Fumito. Dahil siya ang president, may nakaassign sa kanya na gawain para sa school. Siya ang gagawa ng bulletin board sa may entrance ng building. At dahil kaibigan ko siya, nagpresinta akong tumulong. Total naman day off ko ngayon.
Habang ginagawa namin ang bulletin, parang may presensya sa likod ko... parang may nakatingin... Lumingon ako para makita kung sino o ano ‘yon, wala naman...
Ipinagkibit balikat ko na lang. Sa tingin ko hallucination ko lang ‘yon.
Pero maya-maya, meron na namang ganoong presensiya. Lumingon ulit ako pero wala. Binitawan ko ang cartolina na dine-design ko.
“Kana~chan?” sambit ni Fumito, nagtaka siguro siya kung bakit ko itinigil ang ginagawa ko.
Hindi ko siya pinansin, nagtuloy ako ng lakad papunta sa may likuan sa may corridor. Nang pinagmasdan ko ang lugar, malinis naman. Wala nang mga estudyante. Eh ‘di ibig sabihin... kaming dalawa na lang ni Fumito ang nandito? Sabi pa naman nila may mga multo rito sa school... Bigla tuloy akong kinabahan...
Biglang may humawak sa balikat ko kaya nagsisigaw ako.
“Kana~chan! Boku da yo!” si Fumito lang pala! (Kana, ako 'to!)
“Baka! Wag mo nga akong ginugulat ng gano’n!” pag-ja-Japanese ko sa kanya. (Baka means sira ulo. Hindi 'yong cow ah? Haha)
“Gomen gomen.” Paghingi niya ng paumanhin. “Ano ba ang tinitignan mo riyan?” tanong niya, nakitingin na rin sa direksyon kung saan ako nakatingin.
“Ah wala. ‘Kala ko kasi may nakatingin sa atin kanina.” Sabi ko.
“Tara na, balik na tayo roon.” Pagyayaya niya.
Tumango ako. Nag-umpisa na siyang maglakad, sumunod naman ako. Bago tuluyang makarating sa may bulletin board, lumingon ulit ako sa may corridor para masiguro na wala talagang kahit na ano roon.
“Fumi~kun,” tawag ko kay Fumito. “Hindi ba may mga multo raw sa school?” tanong ko sa kanya.
“Sabi nila meron pero di ako naniniwala.” Sabi niya ng walang lingon-likod sakin. Napakaseryoso niya sa ginagawa niya.
“Bakit naman hindi?” hindi pa siguro siya nakakita.
“Kathang isip lang ang mga ‘yon. Walang multo, ‘yon ang sabi ng Science.” Naman oh! Binase na naman niya sa libro ang sagot niya sakin. Puro na lang siya Science!
“Mag-Scientist ka nga sa college! Sayang ‘yang talino mo sa Science eh.” Sarkastiko kong sabi sa kanya.
“Gusto kong maging biologist.” Seryoso niyang sabi.
“Ah ok! Bilisan na natin para agad tayong matapos!” sabi ko para hindi na siya magkwento pa ulit tungkol sa pangarap niyang ‘yon. Marami na niyang beses naikwento sakin ‘yon eh.
Mahilig daw kasi siya sa mga hayop at halaman. Namamangha raw siya sa structure ng mga hayop. Iba-iba rin daw kasi ang mga ito. At blah blah blah! Hahaha!
Mabait na tao itong si Fumito pero di ko maiwasan na bully-hin siya minsan. Nakakatuwa rin naman kasi lalo na hindi siya gumaganti. Ngingiti pa nga siya eh kahit na halata naman na naiinis na siya sakin. Siguro dahil babae ako at nagpapaka-gentleman lang siya. Siguro nga, gano’n!
Nang matapos namin ang pagde-design sa bulletin board, hinatid niya ako sa kanto pauwi samin. Malapit na lang naman sa kanto ang bahay namin. Lagi namang doon niya ako hinahatid eh.
Papasok na ako sa bahay nang...
“Kana!” tinig ‘yon ng isang tao na pamilyar na pamilyar sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/58261491-288-k272270.jpg)