Denial

3 1 0
                                    

Chapter 7: Denial

(Kana's POV)

Nang makarating na kami ni Jean sa school, naghiwalay na kami ng landas. Siya, papunta sa mga kaibigan niya. Ako naman, kina Cony at Meilyn. Nang makita ko na sila, binati ko sila. At tulad ng dati ay nagkwento ako sa kanila pero hindi lahat. Sa tingin ko kasi dapat ay sikreto lang namin ni Jean ang mga napag-usapan namin tungkol sa kanya kagabi. Unfair naman kung siya hindi niya ipinagsabi sa mga kaibigan niya, tapos ako ipagsasabi ko. Hindi naman ako ganoong klaseng tao. Ang sinabi ko lang kina Cony at Meilyn ay ang pagkumpirma ko na magkaibigan na nga kami ni Jean.

At ayon nga, kinilig na naman ang dalawa at tinukso na naman ako.

Nagpaalam ako na mag-si- CR lang saglit tutal may halos kalahating oras pa kami sa paghihintay para sa first subject namin kaya sabi nila na puntahan ko na lang sila sa library. Magpapalamig daw muna sila roon.

Nang makalabas na ako ng CR, naglakad na ako papunta sa library. Nang nasa bandang side na ako ng canteen, biglang sumulpot si Camille. Isa sa mga kaibigang babae ni Jean. Nabigla nga ako sa biglang pagsulpot niya eh.

"Kana, mag-usap nga tayo." Sabi niya ng may taray.

"Ah tungkol saan?" napakunot noo ako.

"Basta." Bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila papunta sa likod ng canteen kung saan wala nang masyadong tao. Kasabay ng pagtigil niya sa paglalakad ay ang pagbitaw niya sa braso ko. "Didiretsahin na kita. Ano ang meron sa inyo ni Jean?" nagtaas siya ng isang kilay.

Nabigla naman ako sa tanong niya pero syempre hindi ako nagpahalata. "Ano bang meron samin?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Pwede ba wag ka nang magmaang-maangan! Nakita ko kayo ng dalawang beses na magkasabay umuwi! Ngayon, sabihin mo sakin, anong namamagitan sa inyo ni Jean?" sigaw niya.

"Wag mo nga akong sinisigawan! Hindi ako bingi!" sigaw ko rin. Abno pala 'to eh. "Eh ano ngayon kung magkasabay kaming umuwi? Inggit ka?" nagtaas na rin ako ng kilay. Nakaka-high blood siya eh.

"At may gana ka pang sigawan mo ako ah? Para sabihin ko sayo, wala kang karapatang dumikit sa kanya! At pwede ba, kung kayo man ni Jean hiwalayan mo na siya kasi hindi kayo bagay!" nagpameywang siya.

Makapag-assume 'to wagas ah! "Hoy! Hindi kami at walang kami! Magkaibigan lang kami!" oo, hanggang doon pa lang kami. Hala! Patay!!! Bakit ko 'yon sinabi???

"Yuck! In your dreams!" sabi niya as if sobrang nakakadiri ako tapos tumawa pa siya.

"Camille." Humarap ako sa tumawag kay Camille. At hindi ako nagkamali, si Jean nga.

Lumapit naman itong babaeng higad na 'to.

"Jean, buti naman dumating ka. Nakakatawa 'tong babaeng 'to!" sabi niya sabay tawa.

Kung hindi lang ako takot maguidance baka nakalbo ko na ang babaeng 'to!

"Bakit? Napa'no?" tanong ni Jean.

"Sabi niya magkaibigan daw kayo. Isn't that funny?" at tumawa na naman siya. Nag-english pa. Di naman niya bagay. Tss.

Tumawa rin si Jean na ikinakunot ng noo ko. "Medyo nakakatawa nga." Sabi pa niya.

"Sabihin mo nga, magkaibigan nga ba kayo?" tanong ng babaeng higad.

"Ha? Hindi ah. Kailan pa?" biglang sumakit ang dibdib ko sa mga binitawan niyang salita... itinanggi niya... ano pa nga bang aasahan ko?

UnmeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon