Chapter 4: Are We Friends?
(Kana's POV)
Matagal tagal din akong nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni Jean. Mula roon ay pinagmamasdan ko siyang natutulog. At oo, kaming dalawa lang ulit ngayon. Ang masaklap pa, may sakit siya ngayon. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang asikasuhin siya. Ibig sabihin, pagsisilbihan ko siya. Waaaaah!!! Pagsisilbihan ko siya? Wahahaha! Para lang kaming mag-asawa nito hahaha!
Kana, ano ba! Ipinilig ko ang ulo ko at inuntog ito. Nababaliw na naman ako. Hay...
Maghahanda na nga ako ng makakain baka magising na siya. Bumaba ako at tinignan ang ref kung may makakain ngunit wala. Kaya no choice kundi magluto. Nang matapos akong magluto, kumuha ako ng sabaw sa mangkok at isang plato ng kanin para sa kanya. Inilagay ko ang mga ito sa tray at ipinanhik sa kwarto niya. Inilagay ko sa mini table ang tray. Pagkalagay ko no'n sa tray ay tinignan ko ang wall clock niya. malapit na palang mag-alas- syete. Kailangan na niyang kumain.
Pero paano siya kakain kung natutulog siya? Eh di... gigisingin ko siya??? Whaaaaat??? Ok, no choice talaga.
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya upang magising siya. Maya- maya ay nagmulat na siya ng mata at nag-inat. Sinabi ko sa kanya na kumain na siya habang mainit pa ang sabaw. Tumango lang siya.
Aalis na sana ako nang...
"Kana." Tawag niya sa akin. Napahinto ako. Wait? Tama ba ang pagkadinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko?
Nanlaki ang mga mata ko. Anyway, liningon ko siya. "Bakit?"
"Di mo man lang ba ako susubuan?" tanong niya sa akin.
Nanlaki na naman ang mga mata ko. "Ha? A-ano..." seryoso ba siya? Eh? Susubuan ko siya?
Bigla, ngumisi siya. "Biro lang." Pagkasabi niya no'n ay umupo siya at nag-umpisang kumain. "Oo nga pala, pakisabi ulit kay Tita, salamat." Wika niya at nagtuloy sa pagkain.
"Ah sige." Sabi ko at tumalikod na ako pero may naalala ako kaya humarap na naman ako sa kanya. "Wala nga pala si Tita. Umalis siya. Pinatawag kasi siya ng mother-in-law niya kaya baka bukas na raw siya makakauwi." Paliwanag ko.
"Ganon ba?" wika niya.
Tumango ako.
"Ah... kumain ka na ba?" itinigil niya ang pagsubo.
"H-hindi pa." Biglang kumabog dibdib ko. Yayayain ba niya ako?
"Sabay ka na sakin." Nakatingin lang siya sa akin.
"Ah eh... okay lang ba?" nahihiya kong tanong. Baka pinagti-trip-an lang ako ng lalaking to.
"Oo naman." Sabi niya nang hindi kumukurap.
"Ah salamat. Sige, kukuha lang ako ng pagkain ko." Tumango lang siya. Agad naman akong bumaba para kumuha ng makakain ko. Grabe first time kong makakasabay sa pagkain si Jean. Ang saya ko!
Pagkapanhik ko, nasa sahig si Jean pati yung pagkain niya. niyaya na niya akong kumain. Magkaharapan kami. Noong una tahimik lang kami. Medyo awkward hehe. Ah! Sa tingin ko ito na ang right timing para itanong sa kanya ang mga gusto kong itanong. Since, siya ang nagyaya sa akin na kumain kami ng sabay kaya sa tingin ko makakausap ko siya ng matino ngayon.
"Ano..." magkasabay naming bigkas. Eh?
"Sige, ano 'yon?" sabi niya.
"Ah, hindi. Ikaw na ang mauna. Ano yon?" pagpapaubaya ko.
Bumuntong hininga siya. "Ladies first." Sabi niya.
"Eh... ano... basta, mauna ka na." Biglang umurong ang dila ko hehe.
"Bahala ka nga." Sumubo siya ng pagkain niya. "Yung picture sa likod ng I.D. mo, sino 'yon?" tanong niya habang ngumunguya pa pero nakatitig lang siya sakin.
"Ah, si Kosuke Shimazaki. Yung gumanap na Kyoichi sa jdorama na 'Nakanaide, Tatakou.'" Sagot ko, pero medyo weird ah. Bigla siyang nagkainteres kay Kosuke.
"Ah, 'yon pala ang pangalan niya. Eh ikaw, ano sana ang itatanong mo?" tumigil na naman siya sa pagkain at nakatitig lang siya sa akin ulit. Medyo nakakaasar na nakaka-awkward ah.
"Ah wala." Sabi ko na lang. Siguro hindi pa ito ang perfect timing para roon.
"Talaga lang ah?" nagtaas siya ng isang kilay.
"Oo nga." Yumuko ako.
"Okay. Magtatanong na lang ulit ako." Napaangat ako ng ulo sa sinabi niya.
Napa'no tong lalaking to? Para yatang dumaldal ah. Di naman siya ganyan ah. Dahil ba sa luto ko? Kakaluto ko lang nito at hindi pa ito panis kaya bakit siya umaakto ng ganyan? Tumango na lang ako kahit na medyo kinakabahan ako sa maaari niyang itanong sa akin.
"Bakit Kana ang pangalan mo? Atsaka Japanese ka ba talaga?" magkasunod niyang tanong.
"Ah... kasi Japanese ako kaya gano'n ang pangalan ko? At... ewan ko sa mga magulang ko kung bakit yo'n ang ipinangalan nila sakin." Alam ko na! May lagnat nga pala siya kaya siya nagkakaganyan. Sige, pagbigyan.
"Tatay mo Japanese?"
"Parehong Japanese ang mga magulang ko."
"Talaga? Alam yo'n ng mga kaibigan mo?"
"Oo naman."
"Eh kung gano'n, bakit ka nandito? Inampon ka ba ng tita mo?"
"Hindi 'no. May nangyari lang kaya iniwan muna nila ako rito." Sumubo ako ng pagkain ko.
"Ano naman ang nangyari?"
Napatitig na lang ako sa kanya. Sasagutin ko ba?
"Ui"
"Ah... kailangan ko pa bang sagutin 'yon?"
"Masyado bang personal kaya di mo masagot?" napakunot siya ng noo.
"Oo." Yumuko na lang ako at sumubo ulit ng pagkain ko.
"Sa mga kaibigan mo, nasabi mo na ba?" tanong niya pagkatapos ng konting katahimikan.
Akala ko, titigil na siya. "Natural." Sagot ko.
"Sabi mo, personal. Tapos sinabi mo sa kanila?" lalong kumunot ang noo niya.
"Eh natural, kasi kaibigan ko sila." Inirapan ko siya.
"So, kung hindi mo kaibigan hindi mo ipagsasabi ang napakapersonal na bagay na 'yon?"
"Syempre."
"Ah... eh 'di kung magkaibigan tayo, sasabihin mo na sa akin?" tanong niya na nakangiti.
Haha ano? Makikipagkaibigan siya sa akin? As if! Hahaha! "Oo, sasabihin ko kung magkaibigan tayo. Pero hindi tayo magkaibigan eh." Nginisian ko siya.
Nginisian niya rin ako. "Miss Kana Maeoka, ako si Jean Villanueva. Nandito ako sa harap mo upang makipagkaibigan sayo." Ngumiti siya. At bigla niyang kinuha ang kamay ko at nakipagkamay sa akin. "Oh, magkaibigan na tayo!" lalong lumawak ang ngiti niya.
Napatulala na lang ako sa ginawa niya. hindi pala magandang nilalagnat ang taong ito. Ano ba ang mapapala niya kapag nalaman niya ang parteng iyon ng buhay ko? Bakit gustong gusto niyang malaman to the extent na nakipagkaibigan pa talaga siya sa akin?
Napatango na lang ako. Na-speechless ako eh...
"Sige, matutulog na nga ako. Salamat sa pagkain ah! Bukas na lang. Mukhang inaantok ka na rin." Sabi niya at biglang tumayo.
Naiwan ako rito sa kwarto niya na nakatulala pa rin. Eh di... magkaibigan na kami? Panaginip lang ito di ba? Nang-aasar lang siya di ba?
![](https://img.wattpad.com/cover/58261491-288-k272270.jpg)