Unmei

6 1 0
                                    

CHAPTER 17: UNMEI

(Kana's POV)

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko... na ang matagal ko nang crush na alam kong mahal ko na ngayon ay mahal din ako. Nakakatuwa lang ng sobra! Hindi ko alam na magiging posible pala na mahalin niya rin ako. Kung bakit man niya ako mahal, hindi ko na tinanong dahil ang mahalaga mahal niya ako. Sigurado akong mahal niya talaga ako dahil hindi siya pupunta rito sa Japan para lang lokohin lang ako 'di ba? Effort nga 'yon eh! Basta, napakasaya ko!!!

Kinabukasan, nag-date kami. Simpleng date lang. Actually nga, libot ang ginawa namin eh. Inilibot ko siya sa Tokyo at dahil lalaki siya alam kong magugustuhan niya sa arcade kaya dinala ko siya roon. Halos lalaki lahat ang mga nandoon. Naglaro siya hanggang sa nagsawa siya. Nakakatuwa lang siyang pagmasdan. Nang nagutom kami, pumunta kami sa isang traditional Japanese restaurant. Ang dami niyang inorder. Um-order siya ng ramen, tatlong plato ng iba't ibang uri ng sushi, okonomiyaki, at gyoza. Ako, ramen lang. Konti lang akong kumain eh haha.

Habang kumakain kami, kwento siya ng kwento. Ang lakas pa nga ng boses niya eh atsaka meron pang laman ang bibig niya habang nagkukwento. Nakwento niya na alam pa rin nina Trina na kami pa ring dalawa. LDR daw kami. Magiging totoo na 'yon soon! Tapos kinuwento niya si tita na napakabusy, sina Cony at Meilyn na gano'n pa rin daw. Maingay pa rin daw si Cony. Naiinis nga raw siya kay Cony kasi hindi siya matinong kausap. Sinegundahan ko naman siya, totoo naman kasi eh haha pero sabi ko sa kanya na mabait 'yon at gano'n lang talaga siya.

Pagkatapos naming kumain, naglibot na naman kami. Kung saan niya magustuhan, do'n kami pumupunta. Tapos, ipinasyal ko siya sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Ipinakilala ko siya sa boss ko. Sabi nga ng boss ko, bagay raw kami. Syempre, kinilig naman ako!

Gabi na nang makauwi kami. Susunduin daw niya ako bukas ng alas-otso ng umaga at direstong airport na no'n kami.

Tungkol nga pala sa pag-alis ko, nakapagpaalam na ako kina mama at papa. Hindi sila nagdalawang isip na um-oo. Masaya nga raw sila eh at sinabi ko ang pagtatapat ni Jean sakin, masaya rin sila tungkol do'n pero pinaalalahanan naman nila ako na pag-aaral muna. Si Norika naman, kilig na kilig nang malaman na may gusto rin sa akin si Jean. Ang sabi nga niya siya raw dapat ang maging bride's maid sa kasal namin. Kasal agad ang nasa isip ni Norika. Eh ang bata pa namin ni Jean. Wala pa roon ang isip ko. Pero syempre, gusto ko si Jean na ang mapangasawa ko at makasama habang buhay! 'Yon naman ang ipapanalangin ko kay God ngayon, ang mahalin ako ni Jean habang buhay. Syempre naman, hindi na dapat kuwestiyonin ang pagmamahal ko kay Jean. Absolute na 'yon 'no!

Maaga akong gumising kinabukasan, nakaayos na rin ang bagahe ko kagabi pa, kaya ang sarili ko na lang talaga ang inayos ko ngayon. Saktong alas-otso, may nag-door bell. Baka si Jean na 'yon. Nagpaalam na ako kina mama, papa, at Norika. Mag-iingat daw ako.

Paglabas ko, siya nga. Nginitian at binati ko siya ng magandang umaga, at binati niya rin ako.

"Ako na ang magdadala niyang maleta mo." Sabi niya.

"Sige." Sang-ayon ko naman.

May gray na van sa harap ng bahay namin. Pagmamay-ari siguro nila ito. Ito ang maghahatid sa amin ni Jean sa airport. Grabe, ang yaman ni Jean! Pero hindi mo 'yon mararamdaman sa kanya. Parang siya pa rin ang Jean na nagustuhan ko noon.

Pagbukas niya ng pinto ng van, na-shock ako at bumilis ng sobra sobra ang pintig ng puso ko! Gising na ba talaga ako o nananaginip pa rin??? Kasi... kasi... si Shimazaki Kosuke at ang mga kabanda niya nasa loob ng van!!!

Hangin!!! Kailangan ko ng hangin!!!

Biglang may tumama sa noo ko, medyo masakit eh! "Aray!"

"'Wag kang matulala riyan! Sakay na!" tsaka niya ako inirapan. Ang sungit ng lalaking 'to ah!

UnmeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon