Chapter15: BrokenPromise
(Kana’s POV)
“Kana!” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako at tama nga ang hinala ko, Si Jean nga... pero... bakit siya nandito?
Lumapit siya sakin, sa hindi ko maintindihang dahilan, umaatras naman ako habang papalapit siya. Noong una, may ngiti pa sa labi niya pero nang mapansin niyang humahakbang ako palayo, nag-iba ang expression ng itsura niya. Nalungkot siya.
Tumigil siya sa paglapit, may dalawang metro pa ang layo niya sa akin. “Kumusta?” tanong niya.
“O-ok naman.” Naiilang kong sagot.
“Pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?” tanong niya.
Kinabahan ako bigla. Ano namang pag-uusapan namin. Pero ang sama ko naman kung hi-hindi ako...
“Sige.” Pumayag na ako, nakakakonsensya eh. “Pero magpapaalam muna ako kina mama. Ang alam kasi nila day off ko ngayon kaya ineexpect nila na maaga akong uuwi.” Oo nga pala, Tagalog ang ginagamit naming wika. “Tara, pasok ka.” Niyaya ko siya.
“Ok lang ba?” tanong niya.
“Uhn.” Tumango ako. Nagpati-una na ako sa paglalakad at sumunod siya. Nang nasa loob na kami, nadatnan ko sa sala si papa, nanonood ng evening news. “Tadaima!” bulalas ko na ang ibig sabihin ay nakabalik na ako.
“Oh, okaeri!” sagot naman ni papa na ang ibig sabihin ay maligayang pagbabalik. Gano’n talaga rito. May mga sinasambit muna kami bago gawin ang isang bagay pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon, halimbawa, bago at pagkatapos kumain, bago umalis ng bahay, pagbalik ng bahay, atbp.
“Toochan, may kasama ako.” Sabi ko sa papa ko (in Japanese.) (A/N: ang Toochan ay pinacute na version ng otoosan which means tatay)
“Dare?” sino raw, tanong ni papa.
Umabante ng konti si Jean para makita siya ni papa. Nag-bow siya ng konti at ngumiti. “Konbanwa, Maeoka~san! Boku no namae wa Shimazaki Ryosuke to moshimasu!” eh? Ryosuke? Tinignan ko siya na may pagtataka. Bakit niya pinalitan ang pangalan niya? (Magandang gabi po, Mr. Maeoka. Ako po si Ryosuke Shimazaki.)
“Hajimemashite! Yokosoo, Ryosuke~kun!” (Nice to meet you. Welcome dito, Ryosuke!) sabi ni papa.
“Ah, toochan, maglalakad- lakad lang po kami saglit ah? Siya nga pala ‘yong kinukwento ko sayo na kaibigan ko sa Pilipinas na nag-bed space kina tita.” Sabi ko para di mag-alala si papa.
“Ah sige sige. Mag-iingat kayo.” Sabi niya.
“Ittekimasu!” (Aalis na ako.) sabi ko at nagbow ng konti.
Nag-bow rin ng konti si Jean.
Nang nasa labas na kami at nag-umpisang maglakad-lakad, tinanong ko bakit ganoon ang ipinakilala niyang pangalan niya.
“’Yon talaga ang pangalan ko sabi ng tatay ko. May birth certificate din ako rito sa Japan kaya mula nang pumunta ako rito, ‘yon ang ginagamit ko.” Paliwanag niya.
“Ah...” mukhang matagal na siyang nandito ah... “Kailan ka pa nandito?”
“Last week lang.” Sagot niya.
“B-Bakit ka nandito?” alangan namang para sa akin kung bakit siya nandito. Aasa pa ba ako?
“Wala na kasi akong balita sayo... akala ko patay ka na kaya sumugod ako rito.” Tumawa siya.
“Grabe! Pinapatay mo na ako!” hinampas ko siya sa braso... oo nga pala... matagal na rin nang huli ko siyang hampasin...
“Eh sa wala akong balita sayo eh.” Sabi niya. “Pero... ang sabi ko sa sarili ko, kapag nakita kita papatayin kita.” Mahina niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin do’n?
