Chapter 8: Project-- Make Her Happy
(Jean's POV)
Nauna na akong lumabas sa school. Umalis na rin naman ang mga kasama ko. Hinintay ko si Kana sa may gate ng school. Maya-maya pa ay natanaw ko na siya na papalapit sa may gate kasama niya yung dalawa niyang kaibigan.
Pagkalabas niya, hindi niya ako agad napansin. Nang nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya, noon ko siya hinabol.
"Ui." Wika ko nang makasabay na ako sa paglalakad niya.
Tinignan lang niya ako tsaka ngumiti ng payak. Kita kong may lungkot sa mga mata niya.
Naglakad lang kami ng tahimik. Nakakaewan naman ang ganito. Kung kailan naging kaibigan ko na siya, kung kailan medyo napapalapit na ako sa kanya roon naman magiging ganito.
Pagliko sa may kanto, hinawakan ko siya sa may braso. "Kana, sandali."
Tinignan niya ako. "Bakit?"
"Mag-usap tayo. Dito." Sabi ko.
"Ha?"
"Pasensiya ka na kanina sa mga kaibigan ko. Hindi naman kasi talaga yu--"
"Naiintindihan ko." Putol niya sa sinasabi ko. "Alam ko naman eh, na dapat tayo lang ang nakakaalam na magkaibigan tayo. Ayos lang naman 'yon sakin."
Napakunot ang noo ko. "Kana. Hindi gano'n 'yon. Makinig ka muna sakin. Kapag kasi nalaman nilang magkaibigan tayo aawayin ka lang ng mga 'yon. Lalo na si Camille. Alam ko kasi kilala ko sila. Akala ko nga titigilan ka na niya nang sinabi kong di kita kaibigan. Pero nagkamali ako." Paliwanag ko.
"Ah gano'n ba? Sige naiintindihan ko na." Ngumiti siya.
"Pero sa tingin ko naman titigilan ka na no'n pagkatapos ng pangyayari kanina. Kaya..." paano ko ba sasabihin sa kanya na casual lang kami pagdating sa school?
"So ang mangyayari niyan, pagdating sa school hindi tayo magpapansinan?" tanong niya.
"Ah... oo. Kung ok lang sayo." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kasi ang lungkot ng mga mata niya.
"Oo naman 'no." Tumawa siya. "Tara na. Uwi na tayo." Yaya niya.
Tumango ako. Pero hanggang sa makauwi kami tahimik lang kami. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami nag-uusap kapag magkasabay kami sa pag-uwi o pagpunta sa school pero iba kasi ngayon. Nakakailang ang atmosphere na pumapagitan sa aming dalawa.
Pagkauwi, dumiretso siya sa kwarto niya at gano'n din ako. Humiga ako sa kama at ipinatong ko ang braso ko sa noo ko habang nakatulala lang ako sa kisame.
Ayoko naman na magpatuloy ang ganito saming dalawa. Sandali ah, wag kayong assuming. Wala akong gusto kay Kana. Pagkakaibigan lang talaga ang habol ko. Siya kasi 'yong tipo ng kaibigan na tatanggapin ka kahit sino ka man. Kaya sayang naman kung mawawalan ako ng ganoong klaseng kaibigan. Anong gagawin ko?
Ah! Paano kung bwisitin ko siya para naman makita ko 'yong inis na inis niyang mukha. Sa ganoong sitwasyon, maaalis ang kalungkutan niya. Tama! Bakit ba ang talino ko?
Bumangon ako kaagad. Lumabas sa kwarto at hinanap siya. Nasa sala siya, nagbabasa ng libro. Good timing!
"Oi, anong ginagawa mo?" umpisa ko.
"Ah, nagbabasa." Payak niyang sagot at nagbalik na siya sa pagbabasa.
Eh? Hindi niya ako pinilosopo. "Anong binabasa mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/58261491-288-k272270.jpg)