Chapter 10: Pretension
(Kana's POV)
Papunta na kami sa school ni Jean. Ito ang first day ng pagpapanggap namin bilang magkasintahan. Sa totoo lang, hindi ito scripted. Mula kahapon hindi pa kami nag-uusap. Kapag nakikita ko siya, umiiwas ako. Paano ba naman kasi, ayaw tumigil sa pagtatambol ang dibdib ko kapag malapit siya. Kapag iniisip kong kunwari boyfriend ko siya, sumasakit ang tiyan ko na para akong natatae. Ito yata yung sinasabi nilang "butterfly in your stomach." Dati ko nang nararamdaman 'to kapag malapit ako sa kanya pero mula kahapon, mas lumala ito...
Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Napatingin ako sa kanya. Shocks! Kumikinang siya! Eto na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko! Kaya bigla akong umiwas ng tingin.
"Oh." sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Ha?" anong 'oh' ang pinagsasasabi nito?
"Oh!" ayan na naman siya. Napakunot noo na lang ako. Tumingin siya paibaba, sinundan ko. Nakalahad ang kamay niya. Bigla siyang bumuntong- hininga. "Hawakan mo ang kamay ko." Sabi niya. Ah hindi! Utos niya!
"Ha? B-bakit ko naman gagawin 'yon?" bigla akong kinabahan. Naalala ko tuloy kahapon noong hinawakan niya ako sa kamay.
"Malapit na tayo sa likuan. Marami nang mga estudyante roon. Baka nag-aabang ang mga 'yon doon. Alangan namang kapag nakita natin sila, roon lang tayo mag-ho-holding hands. Baka mabisto pa tayo." Paliwanag niya.
"Ah... o-ok." Sabi ko na lang.
Hinawakan ko ang kamay niya. Napasinghap ako kasi nakiliti ang palad ko... parang... parang may kuryenteng dumaloy mula sa palad niya papunta sa palad ko kaya agad ko itong binitawan.
"Oh, napa'no ka?" takang tanong niya.
"Ha? Wala." Umiling ako at sinubukan kong hawakan ulit ang kamay niya.
Waaaaaah!!! May kuryente pa rin. Aalisin ko ulit sana kaya lang hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. Feeling ko, 'yong kuryente na nanggagaling sa kanya dumaloy na sa buong katawan ko. Ganito ba ang feeling kapag na-thunder bolt shock ka kay Pikachu?
Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod na ako. Nang halos limang metro na lang ang layo namin sa gate ng school, ang daming nakatingin samin. Halos lahat ng nakatingin samin ay mga babae. Sikat kasi si Jean sa mga babae rito sa school namin. Maraming may gusto sa kanya, na nangangahulugang marami akong karibal wahaha. Pero ang swerte ko nga naman ngayon kasi boyfriend ko siya ngayon! Masaya naman ako kahit na sobrang kinakabahan ako.
Pagkapasok namin sa gate, may tumawag sa pangalan ni Jean. Napalingon kami. Si Camille pala. Nasa may gate siya. Naglakad siya papalapit samin.
"Nagtext si Asia sakin kagabi. Ini-invite niya tayo sa birthday ng mama niya ngayon. Hindi nga pala siya makakapasok kaya sakin niya pinapasabi." Paliwanag ni Camille. Nakatingin lang siya kay Jean, at ramdam ko na hindi niya talaga ako pinapansin. Okay lang naman sakin 'yon. Wala na akong pake sa bagay na 'yon.
"Ah..." biglang pinisil ni Jean ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Kung gusto mong isama ang girlfriend mo, ok lang naman siguro." Sabi niya pero ramdam kong wala sa loob niya 'yon.
"Gusto mo bang pumunta?" tanong ni Jean sakin.
"Ah, hindi na. Ikaw na lang." Sabi ko, atsaka di rin naman ako welcome doon. Kahit na kausapin at pansinin ako ng mga 'yon, gagawin lang nila 'yon para kay Jean.
![](https://img.wattpad.com/cover/58261491-288-k272270.jpg)