Sayonara!

6 1 0
                                    

Chapter 13: Sayonara!

(Kana's POV)

Dahil isang linggo na lang ang ilalagi ko rito sa Pilipinas, ginawa ko na lahat ang gusto kong gawin dito. Mamimiss ko ang lugar na ito. Mula nang nag-umpisa akong mag-aral, nang magkaroon ako ng mga kaibigan, at nang magkaroon ako ng crush.

Kung dati ayaw akong payagan ni Tita na umalis ng bahay, ngayon pinayagan na niya ako. Hindi ko naman itinuring na paghihigpit ang ginagawang pagbabawal ni tita sa akin na maglibot. Alam kong concern lang siya sa akin. Atsaka kargo niya ako eh, hinabilin ako ng mga magulang ko sa kanya kaya ginagawa lang niya ang tungkulin niyang alagaan at protektahan ako.

Sa tatlong magkakasunod na araw, lumalabas ako at nakikipagkita kina Meilyn at Cony. Namamasyal kami kung saan-saan. Kumikirot ang puso ko kapag nasasagi sa isip ko na iiwan ko na sila, na pupunta na akong malayo at baka matagal pa bago kami magkita ulit.

Kahit na ngayong third year high school ko lang sila nakilala at naging kaibigan, sobrang napamahal na sila sa akin. Mukha mang medyo madrama pero sila ang pinaka-kauna-unahang naging kaibigan ko. Nagkaroon din naman ako ng mga kaibigan mula nang bata ako, pero iba kasi sina Meilyn at Cony eh. Pareho man silang baliw at sira ulo pero kapag kailangang maging seryoso, nagiging seryoso sila. May mga times man na kinukunsinti nila ang mga kalokohan ko, pero kapag alam nilang hindi na tama, binabawalan nila ako.

Ang tingin ng iba sa grupo naming tatlo ay grupo ng mga isip bata. Sa tingin ko alam ko ang point nila kung bakit gano'n ang tingin nila samin. Sa tingin ko naman, magkaiba ang isip bata sa pusong bata. Marunong lang kaming mag-enjoy. Matatalino kasi ang mga classmates namin at napakaseryoso nila sa pag-aaral. Hindi man lahat pero let's say mga 70% ay matatalino—ah! Hindi! Seryoso pala masyado. Matalino rin 'yong dalawa. Ako, keri lang haha. Pa-humble ako, kunwari hahaha! Kilala rin naman naming tatlo ang library—ang lugar kung saan nananahan ang mga seryoso sa pag-aaral. Pero madalas, tambayan lang naming tatlo 'yon para magpapresko. Mainit kaya sa labas. Ang akala kasi ng karamihan mga bopols kami, pero matalino nga 'yong dalawa... at ako, humble ako eh. Hahaha! Di lang namin kaya na magpakaseryoso masyado, 'yong tipong pagdating sa school, sa library ang diretso at gagawa ng mga assignment or mag-a-advance reading na halos nakasubsob na sa makapal na libro ang pagmumukha mo. Hindi kami gano'n. Basa lang ng konti, matapos lang ang assignment, ok na! Di naman namin hinahangad na mapasama sa rank. Basta pumapasa, ayos na 'yon!

Si Meilyn, masyado mang pa-cute pero kapag hiningan mo ng advice daig pa ang matanda na marami nang napagdaanan. Pwede kang humingi ng advice tungkol sa kahit na ano pero pinaka-expert siya sa love advice. Why not? Sa aming tatlo, siya ang nagkaroon na ng boyfriend—pero sa ngayon wala siyang boyfriend, pinagtaksilan siya; at hindi rin siya nawawalan ng manliligaw. Kaya kapag feeling broken hearted ako kay Jean noon, sa kanya ako tumatakbo. Kapag naman nag-aaway kami, tatahimik lang siya. Di siya iimik, minsan makikita mo na lang na umiiyak na pala siya. Pero pagkatapos no'n, yayakapin niya ako o si Cony at siya pa ang magpapa-sorry. Napakabait niya 'no? Simple lang din ang mga kaligayahan niya kaya maswerte ang magiging asawa niya. Atsaka, number one cheer leader ko siya pagdating kay Jean. Kaya mahal na mahal ko siya!

Si Cony, bukambibig niya ang salitang "tanga", noong una nga napikon ako sa kanya eh. Sino ba namang hindi mapipikon sa isang taong kaka-close niyo lang pero tatawagin kang tanga? Nagpasorry naman siya sa akin no'n at sinabi niyang expression niya lang 'yon. Kaya nasanay na ako. Napakaingay rin niya! Kapag magkakausap kami, parang ang lalayo namin sa isa't isa kapag nagsalita siya. Iniisip ko nga kung maayos pa ba ang ear drums ko eh. Pero kahit gano'n si Cony, napakamature niya. Magaling nga siyang mag-desicion making eh. Tinitimbang niya lahat ng sitwasyon, at pagkatapos na niyang i-analyze ang lahat, do'n pa lang siya magdedesisyon. Sa aming tatlo, siya rin ang tagapagtanggol namin kasi nga magaling siyang makipag-argue! Natatandaan niyo no'ng pinagtanggol niya ako kay Camille? Amaze na amaze ako sa kanya no'n! Kung si Meilyn ang number one cheer leader ko, si Cony naman ang unang-unang tao na magsasampal sa akin ng katotohanan. Minsan, naiinis ako kay Cony pero hindi maaalis ang paghanga ko sa kanya.

UnmeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon