Chapter 12: A Painful Good News
(Kana's POV)
Total, bakasyon naman, nagpresinta ako kay tita na ako na ang gagawa ng ibang gawaing bahay. Tulad ngayon, ako ang nagwawalis. Patapos na ako kaya binuksan ko na ang gate para sa labas itapon ang nawalis kong dumi. Medyo may natitira pang kalat sa terrace kaya binalikan ko.
Narinig kong lumangitngit ng konti ang gate pero hinayaan ko lang. Baka may mga ligaw na pusa na natamaan ang gate papasok ng bahay. Paminsan minsan kasi may mga nakikikain na mga ligaw na pusa sa amin. Hinahayaan lang namin.
"Neechan?" tinig ng isang babae na may maliit na boses. Lumingon ako kung saan nanggaling 'yong boses. Nang makita ko kung sino, nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
"N-Norika?" hindi ako maaaring magkamali! Kahit na three years old pa lang si Norika noong huli ko siyang nakita, alam kong siya 'to. 'Yong mga mata niyang singkit na singkit na minana niya kay papa, yung pinkish cheeks niya at yung maninipis niyang labi na laging nakakorteng parang maiiyak na siya. Siya nga 'to!
Napangiti siya nang marinig niya ang itinawag ko sa kanya. "Neechan." (Ate.) Ulit niya.
"Norika!!!" inisang hakbang ko lang ang distanya naming dalawa atsaka ko siya niyakap ng mahigpit. Ang tagal ko ring hinintay na makita ang kahit na sino man sa kanila! Sa wakas natupad na ang lagi kong dinarasal bago matulog!
"N-Neechan... i-itai." Napasinghap ako. Di ko alam na nasasaktan na pala siya sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Natawa ako ng konti sa expression ng mukha niya. Hanggang ngayon, ang cute cute pa rin ng kapatid ko!
Pinapasok ko siya sa bahay. Pinaupo ko siya sa may sala. Pagkaupo niya, sinabihan ko siyang maghintay lang doon at tinanong na rin kung ano ang gusto niyang kainin. Pumanhik ako para tawagin si tita. Kasalukuyan siyang nanonood ng TV sa kwarto niya. Sinabi kong may bisita siya, para kunwari surprise hahaha!
Pagkababa namin, hindi matatawaran ang expression sa mukha ni tita. Gulat na mukhang maiiyak na pinipilit ngumiti. Ang cute lang! Hinayaan ko na munang magkwentuhan ang dalawa habang ako ay nasa kusina, hinahanda ang mirienda ni Norika.
Para akong lumulutang sa sobrang saya. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano. Pero kung panaginip man 'to o totoo na talaga, masaya pa rin ako.
Matapos kong ihanda ang sandwich at juice ni Norika, pinuntahan ko na sila. Kahit na nasa kusina ako naririnig ko ang usapan nila. Kinumusta siya ni tita kung wala na ang sakit niya. Wala na raw at maayos na siya. Pero may mga iniinom pa rin siyang mga gamot na pang-maintenance. Masaya ako at maayos na siya.
"Hai, doozo." Sambit ko pagkalapag ng pagkain sa mesang maliit sa sala.
Nag-bow siya ng konti. "Doomo. Itadakimasu!" (Salamat! Salamat sa pagkain!) bulalas niya at nag-umpisang kumain.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng CR, oo nga pala. Naghilamos si Jean. Halos kagigising lang niya. Napatigil siya nang makita niya kami sa sala. Kita ang pagtataka sa mukha niya, marahil dahil kay Norika.
"Shimazaki Kosuke?" sambit ni Norika. Ah oo nga pala, hawig kasi talaga ni Jean si Kosuke tapos medyo basa pa ang buhok niya kaya medyo wet look siya. Hindi ko masisisi si Norika na akalain niyang si Jean ay si Kosuke haha.
"Ah, Jean! Si Norika pala. Ang kapatid ko." Nakita kong lumuwang ang ngiti ni Jean pagkabanggit ko no'n. Nag-bow ng konti si Jean. "Norika, kono kata wa Jean desu. Watashi no tomodachi. Kare wa koko ni sundeimasu." (Siya nga pala si Jean. Kaibigan ko siya. Dito siya nakatira.) pagpapakilala ko naman kay Jean sa kapatid ko.