Chapter 3: The Stars in the Night Sky
(Jean's POV)
Papasok sana ako sa canteen ngunit nang makita ko ang babaeng 'yon kasama ng kanyang mga wirdong kaibigan ay nagtago ako sa likod ng pader.
"Napa'no na naman kaya si Kana? Simula nang araw na nagbed space si Jean sa kanila ganyan na lagi ang ikinikilos niya." sabi no'ng kaibigan niyang maganda. Ano na nga kasi pangalan no'n? Niligawan 'yon ni David eh...
At... naikwento na pala ng Kana na 'yan ang tungkol sa pagtuloy ko sa kanila. Hay... ang daldal. Kainis. Baka malaman pa nina Ullyses yan at mag-usisa pa sila sakin. Tss.
"Isa lang ang solusyon diyan, eh 'di tanungin mo siya." Narinig ko naman na sabi no'ng isa. 'Yong maingay.
"Hayyy... Cony talaga oh."
"Kana!" sigaw no'ng Cony.
"H-Huh?" boses na ni Kana 'yon.
"Okay ka lang ba? Kung may problema bakit hindi mo i-share samin?" 'yong boses ng niligawan ni David 'yon.
"Ah. Ano... kasi... nag-aalala lang ako kay Jean." Nabigla ako sa sinabi niya.
Bakit naman niya kailangan mag-alala para sakin?
"Gusto kong malaman kung bakit siya nasa amin. Kung bakit parang lagi siyang problemado. Tapos no'ng isang gabi, narinig ko siyang umiiyak." At kinwento niya pa talaga 'yon? Kainis. Bwisit.
"Ewan. Nag-aalala ako sa kanya. Kung sanang matatanong ko lang lahat ng gusto kong itanong sa kanya..." napabuntong- hininga siya.
Hindi kaya, 'yon ang gusto niyang itanong noong isang araw?
Hindi na ako tumuloy sa canteen. Imbes ay umalis na lang ako.
Nang pauwi na, nakita ko siya. Ewan ko kung bakit binilisan ko ang lakad ko hanggang sa magkapantay na lang distansya namin. Lumingon siya sa akin at nakita kong nabigla siya.
"Pwedeng makisabay sa paglalakad?" tanong ko.
"Ah, uhn." Tumango siya.
Tahimik lang kaming naglakad hanggang makarating kami sa bahay. Medyo nakakailang 'yon ah.
At dahil wala pa rin si tita, siya ang naghanda ng makakain. At dahil nga wala naman si tita ay hindi kami magkasabay sa pagkain. Sa kwarto ako kumain. Ewan ko lang sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Papunta na sana ako sa kwarto ko nang matanaw ko siyang nandoon sa terrace sa taas. Dalawa kasi ang terrace sa bahay. Isa sa baba at isa sa taas. Walang bubungan ang terrace sa taas.
Nakaupo siya sa mahabang kahoy na upuan. Ewan kung anong klaseng kahoy 'yan pero mukhang mamahalin at maganda rin.
Papasok na sana ako sa kwarto pero napagtanto ko na lang na papunta na ako kung nasaan siya.
"Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko. Sus, Jean! Pakialam mo ba?
(Kana's POV)
Nabigla ako nang narinig ko siya. Hindi tuloy ako agad na nakasagot.
"Ah-eh... nag-i-star gazing. T-tinitingnan ko ang mga star sa langit." Natataranta kong sagot.
"Nasaan? Patingin nga?" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at tumingala.
Halaaaaa!!! Nagwawala ang puso kooooo!!!
"Tss. Wala namang star eh." Tsaka siya ulit umayos ng tayo.
"Ha? Ayan kaya oh! May mga constellations pa nga oh." turo ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko na nakapamulsa ang mga kamay niya.