Pag katanggal ko ng pang itaas ay sabay namang talunan ng tatlo! Kaya't bahagya akong huli sa pag talon.
Grabe ang sarap pala sa pakiramdam ng lumusong dito. Hindi porke't gabi ay malamig! Tamang lamig lamang para ma preskuhan.
Hindi rin naman pala ka laliman ang pinag talunan namin kaya't naisasayad pa ang paa.
Patuloy kami sa pag bababad ng kinamusta nila ko na may halong pag yayabang...
Mike: ano harold? Ayos dito no? Sa maynila swerte mo nalang kung may mapag languyan kang ilog na gaya nitong malinis.
Doon puro basura may mga tae pa dag dag naman ni arnold! Sabay hagalpakan sila ng tawa.
(Well i can't argue with that dahil totoo naman)
Ako: oo nga eh isa pa ang mga paliguan doon may bayad!.
Arnold: hahaha nako baka hindi na maisipan pang umuwi nito ni harold!
Tumawa naman ako bilang pag tugon.
Sa kasiyahan namin ay sadiyang hindi ko talaga maiwasan ang mapatingin at pasimpleng magnasa sa mga kapwa ko.
Buong buhay ko kasi ay bahay eskwela at konting gimik lang ang mga experiences ko.
Oo may mga kaibigan akong lalake ang ilan ay may itsura din ngunit ni minsan ay hindi ko pa nararanasan ang tulad nitong up close and personal, walang pang itaas at kasabay ko pang maligo sa ilog!
Napag isip isip ko nga na sa lahat ng karanasan ko sa pag tatago ng tunay na ako, ay itong pag uwi ko sa aming probinsya ang pinaka challenging! Nag kalat ang tukso sa paligid! Makakauwi pa ba ako sa maynila nang secured pa din ang ang aking lihim? hehehe
Bigla namang nakaisip itong si kyle na mag paligsahan kaming apat sa pag langoy at ang magiging finish mark namin ay doon sa malaking tipak ng bato.
Marunong akong lumangoy pero basics lang at siguradong wala akong panama sa mga natural swimmers na gaya nilang lumaki sa ganitong environment.
So join nako kesa naman hindi sumali mabansagan pa kong kill joy!
Ako: wag niyo nalang masiyadong galingan ha! Sabay tawa.
Nako hindi kami magagaling sabay turuan ng tatlong mokong kung sinong magaling.
(Haha as expected mag papa humble sila)...
Bumilang na si mike bilang hudyat,
Isa...
Dalawa...
Tatlo!!!
So hayun! parang mga mamaw ang mga koya niyo! Pinakain ako ng alikabok! Edi kayo na magagaling!
Sa huli ay panalo si kyle...
No wonder kaya naman pala ang lakas ng loob mag hamon haha!
At siyempre katakut takot na pangangantiyaw naman ang inabot niya sa dalawa.
"Marino katalaga langya ka" ayon kay arnold sabay batok naman ng kapatid niyang si mike!
Tawa lang siya sabay sabing: no match kayo! \
Mike: haha yabang mo kupal!
Arnold: pasensya na harold mayabang talaga yang si kyle eh!
Kyle: uy hindi ah! ...Sabay tawanan naming lahat.
Kyle:round two tayo!
Mike: sige pag bigyan ang mayabang! ...ako naman ay heto nakikitawa at go with the flow lang hehehe.
BINABASA MO ANG
UNANG TIKIM (remastered)
RomanceAno ang gagawin mo kung ikaw ay may tinatagong lihim mula sa iyong pagkatao? Lalabanan mo ba ito at patuloy na mag tatago? o tuluyang palalayain ang sarili? Halina't samahan natin si harold sa kanyang pag hahanap ng UNANG TIKIM!
