Chapter 22: Missing Piece

9.7K 168 9
                                    

Buong isang oras akong nakatulala at pamuni muni.

Patuloy na hinihiling na sana ay panaginip nanga lang ang lahat.

Ngunit hindi eh...

Eto ang katotoohanan...

Nangyari na at dapat lang na harapin ko ang bunga ng kapusukan ko!

Naisip ko panga na puta! daig ko pa ang nakabuntis nito sa pamomroblema ko!

Ano nalang ang sasabihin ng mga mahal kong magulang na sa labing siyam na pamamalagi ko sa mundong ibabaw na ito na inakala nilang lalake ay bakla pala ang pinag mamalaki nilang anak?

At ang mga kamag anak namin? Ano? pupulaan ang mga magulang ko dahil sila ang responsable sa kinahinatnan ko dahil sila ang nag palaki sakin?

Ang mga kaibigan ko? Pag tatawanan at kukutyain nila ako dahil ganito ako?

At higit sa lahat si tyrone na kinahulugan ko na ng loob... pandidirihan ako?

Depressed na depressed at tingin ko ay ibang level na to ng depresyon dahil tulala lang talaga ako to the point na kahit pag iyak ay di ko magawa.

At dahil sa mga naisip kong ito, ewan ko ba pero sa mga alalahanin pa ako nakakuha ng lakas ng loob. Dahil bakit ba? Kung eto ako, ay eto ako! Likha din ako ng diyos and he made me this way!

So inayos ko ang sarili ko to face the world at ipakita ang tunay na ako!

As i made my way out of the room sakto kumakatok ang nanay.

Nak! Ano ba alas dose na oh! Tanghalian na! Abay ni hindi kapa nag aalmusal! Napadami ata kayo kagabi ni ron ron?....


(What the?... totoo ba tong nadidinig ko mula sa nanay ko? Bakit ganito ka casual? Pero pwede din naman na tulad ng kila kyle at mike eh pinili lang din ni tyrone na sarilinin ang nangyari pero hindi ko padin tinatanggal sa isip ko ang posibilidad na may pagsabihan nga si tyrone nito dahil grabe ang nangyari at kung babalik balikan ko talaga ang huling ekspresyon sa muka na ginawa ni tyrone ay nagalit siya sa ginawa ko)...

Lumabas ako ng pinto at tulad ng motivation ko sa sarili ko kanina ay haharapin ko ang consequences ng ginawa ko dahil ganito na ako!...


Morning nay! Opo eh lambanog pala yun! Ngayon ko lang natikman grabe pala ang tama!...

Nanay: Nako kang bata ka wag mong kawilihan ha tama na yung paminsan minsan!...

(ok so let me try asking about him...)


Ako: Nay nauna na ho si tyrone?


Nanay: Ay oo anak kanina pa pinipilit ko ngang dito na mananghalian, eh masakit daw ulo niya hang over siguro.


(Ahh okay so confirmed wala nga siyang sinabi)

Ah sige nay tara kain na tayo. Sila tatay?...


Nanay: Eh as usual nasa sabungan. Pag hahatidin ulit kita ng pananghalian ah...


(Ha? Parang wala pa ata akong mukhang ipapakita sa labas kila mike kyle at higit sa lahat kay tyrone! ano ba to? Akala ko ba matapang ako haha urong sulong nanaman ako)...


Kaya hayun! "sige po nay" nalang ang naitugon ko...

Haiiissstt bahala na nga!...


Natapos ang pananghalian namin nila nanay at ate mila na tila pasok sa kanang tenga at labas naman sa kaliwa ang mga pinag sasabi o kinukwento nila.

UNANG TIKIM (remastered)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon