Chapter 27: Wide awake

10.3K 177 4
                                        

Panaginip nga lang ba talaga? I mean with this tears on my eyes right now? parang totoo!?


It was so vivid!

it was so alive!

it was so real!....


Kung oo, dapat ko ba itong i katuwa dahil hindi totoo ang tila bangungot na pinagdaanan ko?

O malungkot dahil atleast na sa bangungot na yon ay lumabas na ang tunay na ako...

Ngunit sa patuloy na pag mumuni muni ay napag tanto ko na mas maigi pa ata na panaginip na nga lang ito dahil aanhin ko pa ang kalayaan ng aking tunay na pag katao kung ganon kasalimuot ang magiging kapalit?...

Ngunit higit sa lahat, i just considered it as a sign, kumbaga nag reflect lang sa panaginip ko ang takot ko sa totoong buhay kung kaya naman ganon siguro ang nangyari. pero patuloy padin ako sa aking paniniwalang kung mahal nila ako mamahalin nila kung ano man ang "ako"...


Tok tok tok!...

(Tangina bigla akong kinabahan sa nadinig ko... dejavu?)..

Anak! Kain na tayo! Bangon na jan!...

(Ahh okay so gising na nga ako. Nanay ko na yung nanggigising eh hehehe.)


Sige nay! ang napaka giliw kong sagot!...

Naalala ko tuloy yung first part ng panaginip ko na i thought it's gonna be a perfect day... Well sa panaginip ko lang yun no! and totoong buhay na to so i'm gonna make it happen!


Pag labas ko ng kwarto di parin nawawala ang tila trauma ko sa bulshit na nightmare na yon! so hingang malalim hakbang konti hanggang tuloy tuloy na sa pag lalakad. Well napaka luwag naman ng pag hinga ko, my steps are much more lighter kesa nung sa panaginip ko at ang stairs, ayun twelve padin yung sa dream ko umabot ata ng 120 hahaha (bilang na bilang ba?)...


At ayun na yung dining table oh! Totoong buhay nanga ito, sila nanay at ate mila lang ang nasa hapag eh...

Pag upu ko ay halos paliguan ko ng ngiti ang buong mesa lalo si ate mila.

Aba eh siya ba naman ang bumungad na kontrabida sa panaginip ko kaya minabuti ko nang bungaran siya ng goodvibes dito sa tunay na buhay.

(Haha alam mo kasi tong si ate mila eh di malayo sa character niya sa panaginip ko. Medyo masungit. Feeling ko nga tatanda tong dalaga eh!...haha secret lang natin ah hahaha)


Ate Mila: Aba tong batang to wala pa man ding kinakain eh napaka saya ata?...


Nanay: Oo nga nak! Mukhang maganda panaginip natin ah? Hehe...(hay nako nay di niyo gugustuhing malaman pa haha...)


Ate Mila: Ay harold pasensya kana pala at hindi ko nasabing niyaya ka nila arnold kahapon dun sa pistahan nagmamadali kasi ako papuntang bayan...

(Ah yun pala yung sinabi ni arnold kagabi si ate mila pala dinatnan nila dito nung yayayain sana ako...)

Okay lang ho ate (take note maintain na maintain ang smile ko!)...

Nagkatinginan nalang tuloy ang nanay at ate mila na tila takang taka talaga sa kinikilos ko...


Nanay: Ay tutal napag usapan yang pistahan nayan . Kayong mag lololo at mag aama ha! Ipag palit daw ba ang sinalang ko kahapon para lang sa pistahan?!


Ako: Ay nako nay! napag utusan lag ho..hehehe...

Nanay: Eh ano panga ba...o kamusta nga pala experience mo sa pistahan, nako mas masaya kesa mga bar bar yan dun sa maynila...(so tanong mo sagot mo nay?haha! Well well tama ka naman jan SUPER saya hahahaha!)...

UNANG TIKIM (remastered)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon