Chapter 14: Matchmaking

12K 209 3
                                    

Tyrone: Pare ano rain or shine ba tayo?


Napaisip ako saglit sa pagka excite ko siguro sa chat niya kaya naging shonga shonga nanaman ako for a while.. ano pinag sasabi niya? Rain or shine?? (loading... loading...buffering...buffering), ah uu! Nag aaya pala siya ng basket ball hahaha!...

Pero oo nga no possible naman mag laro ng basket ball kahit umuulan!

So on a second thought, Lumakas kapa ulan haha mas exciting ata yun!...

Chineck ko muna yung chat niya ay! 30 minutes ago? Shet sana online pa siya...

Reply ako agad: oo naman kahit na bagyo pa! Haha...

kaso walang green sa name niya so it means di na siya online.

Kainis!

Kesa tuluyang ma yamot eh tinignan ko nalang ang iba kong notification...

Uy! na accept na pala ako nang mag kapatid na kyle at mike...

Chat ko kaya?

Ano naman sasabihin ko? hehe...

Naisip ko bigla si kyle since may idea na siya sa sexual orientation ko dahil sa nagawa ko sakaniya kagabi.

Mag hi kaya ako hehehe...

Tinignan ko yung sa name ni kyle, anu bayan di rin online! Pero nag hi padin ako. Bahala na!...

Si arnold naman siguro eh di pa nakaka online para ma accept request ko gawa nang mag kasama kami kanina...

Balak ko sanang maidlip din muna sa pag hihintay ng reply ni tyrone o ni kyle ng biglang may nag message...

Si Tyrone!...Yes!...

Tyrone: nice pare! sige mayang alas kwatro ahh...


I check on the clock shet! 15 minutes nalang pala!...

Dali dali akong nag bihis ng panlaro. Dumungaw muli ako sa labas ng makitang maliliit at maninipis nalang ang ambon. Nababalutan nang muli nang liwanag ng araw ang paligid... Hay nako! Kung kelan naman mas okay sa akin ang umuulan, saka sumikat ang araw! ang hirap ispellengin ng panahon ha! Hehehe, pero bahala na tama si tyrone rain or shine tuloy to!

Halos lumipad nako palabas nang bahay sa sobrang pagkasabik! Ni hindi nanga ko nag pakita sa nanay bago umalis. Naalala ko din kasi yung sinabi niya kanina na manonood daw siya kung talaga bang magaling ako kaya naman sibat nako baka totohanin pa niya! Hahaha...

Pag labas ko ng bahay ay nag inat inat muna ko...(akala mo talaga serious sa laro eh no? Hahaha)

Habang naglalakad sa labas eh bigla kong na realized, eh pucha! San nga ba yung plaza?? haha!...

Sakto may nakasalubong naman ako na batang babaeng taga doon na pakandirit ang lakad mukhang nag lalaro pa ata...


Ako: ahh eh bata! Saan dito ang plaza??... tumuro lang sa bandang kaliwa ko ang bata sabay alis.. pucha pipi lang ang peg? haha mahiyain ata... ako naman eh gora nalang sa tinuro ng bagets, makikita ko naman siguro yun agad!...


Siyempre habang binabagtas ko ang daan tingin tingin din ako sa paligid pag may time baka lumagpas ako haha... hanggang sa hayun! isang basket ball court ang natanaw ko! at napansin ko ang grupo ng mga kabinataan na nag lalaro...


Wow! the whole gang is here! Kasama pala namin maglaro sila kyle,mike at arnold! Akala ko naman mga hindi ko kakilala ang ibang makakalaro, yun naman pala ay kami kami lang! Perfect! Ang mga papa ko nandito lahat napaka komportable sa pakiramdam hehehe...

Bago ako tuluyang pumasok sa eksena ay pinagmasdan ko muna ang apat ng palihim...

Mukhang nauna na sila sa pag lalaro nang mapansing pawisan na sila agad, grabe! Intense sila mag laro na talaga namang tila mga mama! Dinidepensahan ang isa't isa sabay dukwang sa ring para mag shoot! nahiya naman ako biglang sumali...Pero ang sasarap lang nilang panoorin...

Bago pa ako mabighani nang husto ay minabuti kong sugurin na sila, este lumapit...


Naglalakad palang ako papunta sa kanila ay napansin kong tila nag ngingisihan ang mga mokong habang nakatingin sa akin...


Aba! mga lokong to ah! mukhang pinag titripan ako!

Pero bigla akong nahiya at nakaramdan ng matinding kaba nang sumagi sa isip ko na hindi kaya pinagsabi na ni kyle yung tungkol kagabi?!

Pucha! halos hindi nako makatingin sakanila at habang papalapit ay tila sasabog na ang puso ko sa kaba!

Masiyado na akong malapit para mag backout puta talaga! Ano kayang pinag ngingisihan nila sakin??


Bahala na! ang sabi ko sa sarili ng isang boses ang nadinog ko...

Tyrone: Pre! pro na pro dating mo ahh! Sabay tawanan ng apat...

(Huh?! Anong ibig nilang sabihin?? Puta kinakabahan talaga ko.. pro na pro? Ibig sabihin ba noon eh na pro ako dahil sa nagawa ko kagabi??)

Nilakasan ko na talaga ang loob ko at nag tanong...

Pro??...

Arnold: Oo pre natakot naman kami sa datingan mo full geared eh samantalang kami eh naka tsinelas lang...

(Putang inahh! Shet kayo! yun pala yung pro! Hayup akala ko kung ano na!.)

Imbis na mapahiya ako dahil sa soot ko eh mas nangibabaw saakin ang ginhawa sa pakiramdam dahil sa pag kakaalam nang ibig sabihin sa sinasabi nilang pro...


Ako: Haha ayun ba? oo nga no bayaan niyo na di naman ako magaling eh hehehe for fun lang! Ako nga natakot sa inyo kanina eh nung nakita ko kayo sa labas palang mga mamaw mag laro haha...

(well atleast umamin ako diba?! Haha)...

Pasimple ko namang nakita si kyle na tila kakaiba ang tingin sa akin sabay ngising may halong pag iling at itinuloy ang pag lalaro ng basket ball...

(Tangina nabasa ko slightly yung iniisip ng mokong... it's like: pamintang paminta itsura ng potang harold ngayon ah dahil alam naman niya talaga ang trip ko...)

Kyle: Tara umpisahan na at nang makarami! Sabay shoot ulit nito nang bola...

(Wow napaka athletic talaga ni kyle swimmer na basketbolista pa!...Malaki pa yung ano hahaha...)


Mike: Ulol! Haha kala mo magaling ka? hanggang langoy kalang!...Pangangantiyaw nang kapatid...


Oo tara pakainin ko nang alilabok yan dagdag pa ni arnold...

(Haha naalala ko tuloy bonding namin sa ilog)...


Kyle: Geh tatlo kayo. Dalawa kami ni ronron...

(Tama naman suggestion ni kyle, palibhasa kasi may alam na siya sa akin kaya fair enough nga naman 2 barakong lalake laban sa 2 barakong lalake at isang 1.5 hahaha!... naalala ko din bigla na tulad nang sinabi ni arnold ay partner in crime talaga tong si tyrone at kyle)...

Mike: Aba talagang mayabang ang kupal! Geh game tayo tapos pag natalo yan hubaran ulit at itapon ang salawal sa hindi na niya makukuha! Sabay hagalpakan ang lahat sa pag tawa...

(Syet good idea hahaha)

Tumingin naman ako nang makahulugan kay kyle na tila ipinaalala ang nangyari nang huli siyang napag tripan....

Kitang kita ko ang pag iwas niya saakin nang tingin at agad itong pinamulahan sa hiya...




Itutuloy...

UNANG TIKIM (remastered)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon