"Grabe ka! Pinahirapan mo nanga ako kagabi papahirapan mo nanaman ako!"
(Napa tingin sakin si tyrone na para bang na gets ang sinabi ko.)
Tyrone: Hahaha! Hindi yon! Siyempre nandito ka para tulungan akong magbilad ng palay. Maliban nalang kung gusto mo ulit yung kakaibang hirap!...Sabay ngiti nitong mapanukso na may kindat pa!
Hindi ako nakasagot kahit alam niyang gustong gusto ko, yung tipong pakipot hahaha!
Sa halip ay itinanong nalang sa kaniya kung anong gagawin ko...Tyrone: Kita mo yung mga sako? dalin mo dito sa ilalatag kong net.
Habang nag uumpisa na siya sa pag lalatag ng net ay napalunok ako sa tila sitwasyon na napasubo ako. Seryoso naman yung mukha niya nung sinabi niyang bubuhatin ko yung mga sako Pero baka naman pinag titripan lang ako ng mokong nato! At alam naman niyang hindi ko talaga kayang buhatin ang mga yun!
Natapos sa pag lalatag si tyrone tumindig at tinitigan ako ng nakakunot ang kilay na parang ewan! Basta matagal!
(Shet! Gwapo! hahaha)
Ako: Oh! Ano nanamang pag papa cute yan!
Tyrone: Uyyy! So na ku-kyutan ka naman?
(Hindi ako kumibo at yumuku lang sa lupa na tila nahiya sa binitawan kong salita kanina)Pag angat ng ulo ko ay napansin kong may pasan pasan na siyang sako sabay buhos nito sa pinaglatagan niya.
Ako: Oh bat ikaw nag bubuhat?
Hindi niya ako pinansin at sa halip ay muling pumunta sa kinalalagyan ng mga sako at muli itong binuhat at ibinuhos
Ako: Hoy! Bat ayaw mong mamansin jan!
Tumingin lang ito ng pangiti ngiti
"Problema nito"? ...Pabulong kong sabi.
Huminto ang mokong sa ginagawa at nag salita...
Tyrone: hahaha! Tingin mo kaya mo buhatin mga yan? Siyempre ginu-good time lang kita!
Ako: Sabi ko na eh! ang sama mo talaga sakin no!... Sabay alis ko.
Maya maya ay may malalim na boses akong nadinig sabay kapit ng mahigpit sa balikat ko!
Tyrone: Oh! Ambilis namang mag tampo ng baby ko!
(Shit! Ano daw?! Baby???....At yung ano nya dumkit sa pwet kooo hahaha)
Hinarap niya ako sa kaniya ng hawak hawak padin ako sa balikat.
Ngayon ay magka tapat na ang aming mga mukha!
At yung mokong pilit pinapasingkit yung mata niya!
Tyrone: Ikaw naman oh! Siyempre naman ako ang mag bubuhat ng mga yon! Lika nanga! O gusto mo pati ikaw buhatin ko?...Sabay pisil niya sa ilong ko.
Pag talikod nito ay siya namang pag sasalita ko..."Eh wala naman kasi akong matutulong sayo eh!"
Tyrone: Haha manood ka nalang jan! Sabi mo kasi gusto mong sumama diba?
Ako: Oo nga, pero...
Mag sasalita palang sana ako ng bigla niyang pinutol...
Tyrone: Wala ng pero, pero! Lagi ko 'tong ginagawa so kayang kaya 'to hehehe. Kung gusto mo ikaw nalang mag punas ng pawis ko. Stay put kalang jan ha baby?
BINABASA MO ANG
UNANG TIKIM (remastered)
RomanceAno ang gagawin mo kung ikaw ay may tinatagong lihim mula sa iyong pagkatao? Lalabanan mo ba ito at patuloy na mag tatago? o tuluyang palalayain ang sarili? Halina't samahan natin si harold sa kanyang pag hahanap ng UNANG TIKIM!