Halos matunaw ako sa hiya mula sa kinatatayuan ko...
Wala naman kasing ibang kasama si tyrone para magtaka pa ako kung sino ang pinapatukuyan ni kyle, kung hindi ako!
As in ako lang!
Gusto ko nang tumakbo papalayo!
Nginig na nginig na ang katawan ko sa kaba! At mukhang ramdam ito ni tyrone pagka't hinigpitan niya ang pag kaka akbay sa akin na sa wari ko'y inaalo niya ako. yung tipong: " wag kang matakot kasama mo ako"...
Dahil sa pag uugali ni kyle ay tila pina taas nito ang tensyon sa paligid!
Sila arnold at mike na kanina lang ay nag tatawanan pa ay ngayo'y tahimik na, na para bang hinahanda ang mga sarili sa ano mang maaaring mangyari!
Halata naman kasi na nasa katinuan pa din yung dalawa at itong si kyle lang ang talagang tinamaan ng kalasingang!
Tingin ko nung una ay binaliwala lang ni tyrone ang nadinig kahit alam na niyang may something at sa halip ay sinubukang makihalubilo at naki pag biruan pa nga ito ngunit nananatiling mahigpit ang pag akay sakin.
Tyrone: Oh mga brad mukhang may okasyon ah! ..Sabay kuha ng tagay niya.
Tahimik pa din ang paligid na siya namang lalong ikinataas ng pag hanga ko sa kaniya.
(Pretending that everything's fine kahit hindi)
Kyle: Okasyon? Kailangan pa ba non!? M-masarap mag inom p-pag malungkot!...Sabay tawa nitong nakakaloko.
Akala ko'y nag tagumpay si tyrone sa pag ligaw ng atensyon ni kyle ngunit...
Kyle: Oh! Bakla! T-tumagay ka din!
Lalong kumabog ang dibdib ko ng umalma na dito si tyrone, ngunit nanatili siyang mahinahon...
"Brad mahiya ka naman, nandito lang yung tao oh!"...Pabulong niyang sabi
Kyle: Anong mahiya!? Bakla ka naman talaga diba? Tsaka gusto mo to diba?...Sabay hawak sa kamay ko at akmang ilalagay sa harap niya.
Sa puntong ito ay napa tayo na sila mike at arnold ngunit na itulak na ni tyrone si kyle...
Tyrone: Tangina naman brad lasing ka lang! Respeto naman sa tao!
Agad lumapit si arnold kay tyrone at si mike naman ay sa kapatid niya upang pakalmahin ang mga ito.
Arnold: Brad pag pasensyahan mo na. Sabog yan ngayon tapos na kainom pa. dinadamayan nga lang namin ni mike eh alam mo na, baka kung ano pang gawin niyan.
Tyrone: Baket ano bang nangyari sa kupal na yan?!
Arnold: Wala na sila ni mae.
Tyrone: Puta! Para yun lang? Dahilan ba yon para bastusin niya ng ganon si harold?!Arnold: Yun na nga brad eh....Harold, pasensiya kana ha!
(Hindi ako maka tugon, sa halip ay patuloy na nalulugmok sa kahihiyan na kinasasadlakan ko...)
Mukhang na overheard ni kyle ang sinabi ni tyrone dahilan para makawala siya sa pang aalong ginagawa ng kuya niya.
Kyle: Anong sinabi mo tangina ka? Anong Para yun lang? Hindi mo ba alam kung gano na kami katagal ni mae! ha?!
"Eh anong gusto mong mangyari ngayon brad? " nanlilisik na tanong ni tyrone na para bang tinanggal na sa katawan niya ang lahat ng pag unawang meron siya kanina.
BINABASA MO ANG
UNANG TIKIM (remastered)
RomanceAno ang gagawin mo kung ikaw ay may tinatagong lihim mula sa iyong pagkatao? Lalabanan mo ba ito at patuloy na mag tatago? o tuluyang palalayain ang sarili? Halina't samahan natin si harold sa kanyang pag hahanap ng UNANG TIKIM!