Magandang umaga ho! Pagbati ni tyrone...
Uy morning pare! bati niya sakin. Balita ko'y naligo daw kayo sa ilog ahh1Sayang at hindi ako nakasama. Nang ilaw kasi kami kagabi ng tatay (ito yung nanghuhuli ng isda sa gabi gamit ang spot o flash light)
Tyrone: ang daya niyo! sabay tawa.. (Ako naman ay nag taka sandali. Kung paano niya nalaman).. Ay oo nga pala harold! Mga kaibigan ko sila. kaming apat ang madalas magkakasama dito saating lugar. Tsaka nakuwento kanina ni kyle sakin ang tungkol kagabi.
Bahagyang bumilis ang pag tibok ng puso ko ng marnig ito mula kay Tyrone at napa isip kung ano ano nga ba ang mga na kuwento ni kyle. Palibhasa siguro nang dahil sa kalokohang nagawa ko ay halos parang ma praning na ako kapag naririnig ko ang pangalang Kyle...
(But on a second thought, nag laro na din sa isip ko na sana nga ay ikwento nalang ni kyle yung nangyari sa amin nung isang gabi para mag karon si tyrone ng idea sa gusto ko hehehe.)
Pero imposible... Di ko ata kakayanin...Masiyadong malaking eskandalo pag nagkataon...
I hust replied na: ahh talaga? magkakakilala pala kayo. Oo saya nga kagabi eh nagka harutan pa! (Siyempre medyo may pag iingit yung tono ko hehe)...
Tyrone: ahh oo napag tripan daw siya kagabi at hinagis ang salawal at brief sa may puno. Tawa nga ako ng tawa habang nag kukuwento ang loko...
Na over heard naman ng nanay at ate mila ang tungkol sa nangyari pati nung napag kaisahan namin si kyle kaya naman pati sila ay nag tawanan.
(Gugustuhin niyo din kayang malaman ang isa pang pan titirip na nangyari kay kyle? Hehehehe)
Walang anu ano ay biglang sinabi ni tyrone ang kaniyang sadiya sa aming bahay...
Tyrone: kukunin ko na ho sana yung t-shirt ko dito kahapon.
(Ahhh yung mahiwagang t-shirt pala hehehe)
Ate Mila: Ay yun ba? nasa likod bahay tyrone nakasampay.
Pag kakuha ni tyrone ay nag pasalamat siya at nag paalam nang mauna...
(Obviously eh di nanaman namin siya aaluking kumain kasi kinakaliskisan pa ang mga isda so wala pang pag kain! Haha)
Bago ito tuluyang umalis ay humabol si tyrone saakin ng isang paanyaya...
Ay pare nag lalaru kaba ng basket ball? Mamaya kasing hapon eh may laro jan sa plaza. Baka gusto mo.
(Wow. Pinangarap ko to kahapon ah! mabuti nalang talaga at may alam ako sa basketball. Kaya no wonder talaga na may tinatago akong... alam nyo na hehe... for me this is just another opportunity para maka score... sa basket ball kayo ha?!)
So ako naman eh oo naman! Ang naging pag sagot...
Tyrone: sige pare! asahan ka namin ah.
Hanggang sa tuluyan siyang umalis...
Well ang tagal pa ng hapon kaya dapat eh mag libang libang muna ako. Napansin kong mababa na sa 10% ang status ng battery ko kaya naman minabuti ko nang mag charge...
Alas dos pa ng hapon ang resume ng kuryente pero salamat sa solar pannel ng lolo kaya't makaka charge nako.
Binuksan ko ang pocket wifi na pina loadan ko na sa maynila ng pang isang buwan. (Yaman diba? Hehehe)
Kaya't hayun tulad ng mga gawain ko sa maynila, nag babad sa internet, social media sites, upload sa fb at instagram, status naman sa twitter...
Habang on the way kasi kami sa bus at lantsa pa lang ay nakakuha kuha na ako nang mga pictures. Pero siyempre yung dito mismo eh wala pa akong mga na kukuhang shots...(Ikaw ba naman ang ma busy kahapon. Hehehe) Magkaganun man ay upload galore pa rin ako...
Maya maya ay may mga nag comment at likes agad. (Medyo peymus lang? hehe).
Karamihan sa mga comments ay "saan yan" o dili kaya "hindi man lang nag yaya" at may iba ding "pasalubong ah" Ako naman eh si Mr. suspense at puro seen lang ang inabot nila.
After a while ay naisip kong ma istalk sila tyrone sa facebook. Pero paano naman? Alangan tanungin ko sila kung anong fb nila? kakahiya naman yun diba? Hehe...
Hanggang sa may na alala ako na oo nga pala nang nag mock interview kami kahapon ni tyrone Ay nabanggit niya ang kaniyang apelyido!
So search ako agad sa pangalan niya. Mabuti naman at hindi siya yung mga jejemon na kung hindi dinadagdagan ang pangalan eh binabalibaliktad pa. (Haha sorry sa matatamaan.)
Naka dalawang try lang ako. Yung una ay kapangalan lang pala niya then yung isa ay siya na mismo dahil siyempre sa nakita ko ang mukha niya.
Nasa isang park na nakaupo sa isang bench may suot na black sando maong shorts at naka thumbs up ang profile picture niya. Wow! Gwapo talaga ni crush! Ang hot niya lang with that black sando...
I kept on browsing of course to see topless photos of him. Hehehe.
Madalang lang akong makakita ng mga hinahanap ko gawa na din siguro ng hindi siya yung tipo ng taong konting kibo't ay selfie. (Again sorry matamaan hahaha).
May makita man ako ay isang buong grupo naman sila tulad ng sa outing. Pinaka hot ko na na nakita doon ay yung tatluhan sila ng kaklase ata niya siyempre yung sa outing padin.
Grabe hot ni tyrone sakanilang tatlo ay talaga namang nangingibabaw ang looks at katawan niya!
Siyempre ako naman ay dali daling idinownload ito sabay ano pa nga ba edi crop! hehe..
Sa pag ba browse ko ay tila na broken hearted ako ng makitang may kasama siyang babae siyempre i assumed na girlfriend niya yun kasi magka holding hands sila.
But i noticed na this was a year ago na. Tsaka wala naman siyang in a relationship status. So medyo nabuhayan naman ako ng loob! Hehe. But sa hindi inaasahang pangyayari ewan ko ba sa pagka busisi ko sa account niya eh...
Bigla kong nalike yung profile pic niya.!
I was like, ano ba naman harold? sa dami daming pag kakamali mong pwedeng magawa ay yun pa talaga?
Pano? mag memessage ka na napindot mo lang? halata masyado! isipin pa nun huling huli ka na nga sa akto para paraan ka pa para mag start ng conversation sa kanya!
Pano? mag dede activate ka nalang ng FB? ang OA naman hahah!
What if i-unlike ko?
Ay oo nga pala mag aapear parin yun sa notifications nya...
So harold, pano ngaaa?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
UNANG TIKIM (remastered)
RomanceAno ang gagawin mo kung ikaw ay may tinatagong lihim mula sa iyong pagkatao? Lalabanan mo ba ito at patuloy na mag tatago? o tuluyang palalayain ang sarili? Halina't samahan natin si harold sa kanyang pag hahanap ng UNANG TIKIM!
