Ngayon ang araw ng kasal ni Jay.
Sana kung nalaman ko lang agad na hindi niya pala ako mahal sana matagal ko na siyang iniwan at hindi na umasa pa. Ang sakit, at ang hirap sa feeling ng ganito. Mas lalo pa tuloy sumakit kailangan ko na bang magpacheck-up?
Mamayang 9am pa naman ang kasal niya kaya magmumuni-muni muna ako then magbibihis na rin. Buti wala rito si Ate kundi hindi ako papayagan nun na pumunta sa kasal. Sasabihin, Sasaktan ko lang daw ang sarili ko. Eh gusto ko siyang makita eh for the last time. :(
Oo nga pala, yung parents namin ay laging wala sa bahay dahil busy sa work. :)
All set, nagdress lang ako ng puti at doll shoes na puti rin.
(All dress in white? Ikaw ang ikakasal? Haha )
Handa ba akong makita siyang ikinakasal? Kahit ganun siya minahal ko pa rin naman siya eh :( Ahhhhhh, nandito na ko eh kaya go!
After 20 minutes, nandito na ako sa simbahan. Nakikita ko siya dito mula sa malayo, wala siyang pinagbago gwapo pa rin at hindi sinasadyang nagtama ang aming mga paningin. Syempre, hindi niya pwedeng makitang bitter ako kaya naman nginitian ko na lang siya. Nagulat ako ng makita kong papalapit siya rito sa kinatatayuan ko. Ano gagawin ko? Then, Nilapitan niya ako .........
"Uy buti nakarating ka! Siguro masama pa rin ang loob mo sa akin dahil ininvite pa kita dito, Sa totoo lang, yung mapapangasawa ko yung nagpadala sayo ng invitation eh!" Sabi ni Jay, halatang naaawa siya sa akin.
"Hindi ko sinagot ang mga tanong niya instead nakinig na lang ako ng music at nilagay ang headset sa tenga ko Plug in! Ayoko kasing maiyak sa harapan niya kaya kailangan kong magpakatatag sa ngayon."
Pakiplay po ang Music sa gilid entitled WHEN YOU'RE GONE BY AVRIL LAVIGNE para maenjoy ang pagbabasa.
----------------------->
Naku, bakit eto pa yung tumugtog? Sumasabay pa sa kalungkutan ko :( eto ang kantang gusto kong kantahin sa kanya ngayon dahil wala na siya sa tabi ko. Kung alam niya lang, ang lyrics ng kantang ito ang isinisigaw ng puso ko sa ngayon.
"Uy Krissa kausapin mo naman ako ng ayos! Please! Kung galit ka sa akin ok naiintindihan ko sana hindi ka na lang pumunta dito dahil alam kong nasasaktan ka."
Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kinanta ko na lang ang gusto kong sabihin sa kanya.
"When You're Gone, the pieces of my heart gonna missing you"
Hanggang sa hindi ko na napigilan ang emosyon ko. "Jay! Ngayong wala ka na sa akin at nasa feeling ka na sa ibang tao, wala na akong magagawa pa at handa na akong kalimutan ka. Masaya ako para sayo dahil nahanap mo na yung taong magpapaligaya sayo. Alam kong wala na akong lugar diyan sa puso mo pero umaasa ako na magiging maligaya ka sa kanya."
"Krissa, thanks for your understanding. Mahal kita kaso kailangan ko siyang pakasalan for the sake of our company pero bago ang lahat gusto kong humingi ng tawad sayo sa lahat ng bagay na nagawa ko sayong masama. Sorry din dahil alam kong lubos kang nasasaktan. Sana mahanap mo na yung taong magpapaligaya sayo." *sabay hug*
Naiiyak talaga ako lalo na sa sinabi niya pero kailangan kong maging malakas hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya. Mahal naman pala niya ako kaso kailangan niya akong ipagpalit I understand him.
"Enjoy your day, Congratulations again punta ka na dun. Baka hindi pa matuloy yung kasal kapag nandito ka sa tabi ko." Pabiro kong sabi sa kanya.
"Cge, bye! Salamat sa lahat!" sabi niya sabay ngite.
After 20 minutes dumating na ang bride at nagsimula na yung seremonya.
Habang nagsusumpaan sila sa isa't isa ay hindi ko maiwasang maluha. Perfect couple sila. :)
"You may now kiss the bride" sabi ng pari
Kaya ayun. Tapos eto na yung time na kung saan ang lahat ng mga babae ay sasalo ng bulaklak ng bride upang malaman kung sino yung susunod na ikakasal. Ayoko sanang pumunta sa gitna kaso required daw kaya wala na akong nagawa pa.
"Eto na ah 1 2 3" sabay hagis ng bride sa bulaklak
Nagulat ako ng sa akin iyon bumagsak kaya kinongratulate ako ng bride. Alam niyang ako yung ex ng husband niya ngayon eto naman ako ngumite lang
Ako ikakasal na sunod? Haha! 2rd year college pa lang po ako at tatapusin ko muna yung pag-aaral ko bago ako magpakasal at mag-asawa gusto ko pang maging professional na guro noh!
Tapos yung lalaki namang nakasalo ng ano ba tawag dun? Basta yung kulay puti na parang pamusod na tinatanggal sa binti ng babae ayun. Ang cute niya ah at gwapo :) tapos inilagay niya sa binti ko tapos picture picture!
************
A/N :
Sino kaya yung guy na iyon? Siya na kaya ang magpapa-ibig muli kay Krissa?
Abangan ....
Nothing is permanent in this world kaya naman pahalagahan mo yung mga bagay na mayroon ka hangga't nasa iyo pa ito.
Call unto me and I will answer you and show you great and mighty things you do not know.
- Jeremiah 33:3
Comment and Vote!
Be a fan po hehe :)
risingservant :)
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Teen FictionA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...