Shana's POV
Pakiplay po yung song sa gilid entitled CAN THIS BE LOVE, sino kumanta nito?
-------------------------->
Pagkauwi namin ni Krissa galing Mcdo ay hindi mawala sa mukha ko yung ngiti ko na ikinagulat ng Mom ko.
"Oh anak, mukhang napakasaya mo ngayon ah? May magandang nangyari noh? Kwento mo naman sa akin." Sabi ni Mommy na naghuhugas ng pinggan.
Lumapit ako sa kanya at nagmano then niyakap ko siya habang nakatalikod siya. Happy ako eh.
"Mom, kasi po ay nginitian ako ng Crush ko ng bongga kanina nung papasok siya." Pagkukwento ko tapos kumuha ako ng maiinom sa refrigerator.
"Smile ka rin sa kanya. Sa tingin ko naiinspired ka dahil sa kanya."
"Ganito po ba *then sabay turo sa pagngiti ko* kaso nahihiya ako sa kanya. Everytime na papasok ako gusto ko siyang makita."
"Hindi, konti lang! *tapos nagsign siya ng konti*"
"Ano to mommy nag-eendorse ng commercial sa Mcdo?" Tapos nagtawanan kaming dalawa. Kahit kami lang ni Mommy yung magkasama ay masaya kami.
"Bakit ka naman mahihihiya eh Crush lang naman diba? Tsaka walang malisya yun. Depende na lang kung sayo meron.
"Eh hindi naman po kami close nun Mommy eh. Tsaka hindi po ako malisyosa." Sabi ko habang kumakain ng chocolate mula sa ref.
"At bakit mo naman siya gustong makita kapag papasok ka? Pumapasok ka ba dahil sa kanya?" Tanong ni Mommy na nakataas ang isang kilay nung humarap sa akin.
Nasabi ko ba iyon? Naku, patay ako nito! Matinding paliwanagan.
"Hindi ko po alam eh, basta gusto ko siyang nakikita. Yung parang hindi buo yung araw ko kapag hindi ko siya nakita. Liliwanagin ko lang po sa inyo, hindi po ako pumapasok para sa kanya pumapasok po ako para matuto." Sabi ko at uminom ng juice dahil kinakabahan ako sa sagot ni Mommy eh.
"Hay, dalaga na nga ang anak ko. Tinamaan ka na nga! Hindi na Crush ang tawag diyan. It must be Love." Sabi ni Mommy tapos binanlawan na yung mga pinggan.
"Ano po? LOVE NA ITO? Tinamaan na ako sa kanya? Oh no!" Sabi ko tapos napasabunot tuloy ako sa buhok ko.
"Ayan ang nakikita ko. Tsaka yung mga kwento mo sa akin yung pinagbasehan ko. Ok lang naman sa akin, pero hanggang boyfriend lang huwag ka munang mag-asawa ah?" Sabi ni Mommy habang nagpupunas ng kamay.
"Mommy naman, hindi ko nga po alam kung ganito rin yung nararamdaman niya para sa akin. Tapos mag-aasawa agad? Mommy huwag OA." Tapos nagtawanan kami.
"Basta anak, nandito lang ako ready to support you kung masaktan ka." Sabi ni Mommy tapos umupo sa may tabi ko at hiniwa yung mga gulay.
"*smile* sana huwag naman po, sige po akyat na muna ako." Tapos tumayo ako sa upuan at umakyat sa taas.
Sa kwarto.....
Nahiga ako sa kama ko at nagpatugtog. Plug In!
Can this be love na nga ba? O infatuation lang? Mahirap kasing alamin kung mahal mo na nga ba ang isang tao it takes a lot of time para alamin yun.
Ano nga ba ang Love para sa akin? Hindi ko kasi ma-explain itong nararamdaman ko. Siguro tama nga sila, Love is like a Rosary, full of mystery. Marami tayong hindi maipaliwanag.
Paano kung mahal ko nga siya? Mahal niya rin kaya ako? Ito ang tanong na hindi ko masagot. Paano kung hindi niya pala ako mahal? At umasa lang ako? Ako rin ang masasaktan pero sabi nila huwag ka munang magconclude agad dahil hindi ka pa nga nakakapag-umpisa Conclusion agad. Anong gagawin ko?
Mahirap maging babae lalo na kung torpe ang lalaki. Ako gagawa ng first move? Nakakahiya!
♥♥♥♥♥
Elmo's Note:
Hirap magdecide noh? Kayo ba ano naging pamantayan niyo sa pag-ibig? Drop your Comments!
Love is Eternal and Unconditional. Napakapowerful ng pag-ibig kagaya na lang ng Pag-ibig sa atin ni God at ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sanlibutan sa kanilang mga kasalanan. Nagmahal tayo pagkat siya ang unang umibig sa atin.
Mahal na Mahal tayo ni God kahit na makasalanan tayo. Ibinibigay niya ang mga pangangailangan natin ng walang kapalit. Kaya dapat tayong magpasalamat sa kanya.
Tanggapin mo si God bilang iyong sariling tagapagligtas. Many were choose but few are chosen.
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Novela JuvenilA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...