PiII 67 Still

627 71 12
                                    

Sana nagustuhan niyo ang nakaraan kong update. Papromote po nito sa iba niyong kakilala at tiyak na magugustuhan nila.

Magcomment naman po kayo para malaman ko kung ano na ba ang estado ng storyang ito kung maganda pa ba o hindi.

By the way, ang goal ko sa story na ito ay: 

-atleast 20,000 reads and above 

-atleast 1,000 votes and above 

-atleast 500 comments

Krissa's POV

Ang saya talaga kahapon, biruin mo ang double date namin ay naging triple date diba ang saya? Lalo na't naragdagan pa ang barkada.

Kasalukuyan kong tinutulungan si Ate Kylie ngayon sa gawaing bahay dito wala pa sina Mama at Papa marahil nastranded sa lakas ng ulan.

Parang kahapon lang ay tirik na tirik ang araw ngunit ngayon ay nag-iba ang panahon. Sana naman ay tumigil na ang ulan para makauwi sina Mama at Papa ng ligtas.

Pagkatapos namin sa mga gawain ay nanuod kami ni Ate ng tv para malaman ang lagay ng panahon.

"Ayon sa ulat namin ay may namumuong sama ng panahon sa bandang kanan ng Luzon. Kaya po asahan natin ang malakas na ulan na mas lalong pinalakas ng hanging habagat. Pinapayuhan po ang lahat na mag-ingat at huwag kakalimutang magdala ng panangga sa ulan." Sabi ng Weather Forecaster.

"Eh paano yun ate, hindi makakauwi sina Mama at Papa ngayon dahil sa sama ng panahon?" Tanong ko.

"Ewan eh, baka? Tatawagan naman tayo noon kung hindi sila makakauwi eh." Paliwanag ni Ate.

"Eh diba madalas bumaha sa main roads ng Manila kapag umuulan? So it means may possibility na hindi sila makauwi." Sabi ko.

"Oo ganun na nga, pero sana nga huwag na silang umuwi ngayon at doon na lang magpalipas ng gabi sa kakilala nila kasi mahirap na baka may mangyari pang hindi maganda." Sabi niya.

"Naku Ate huwag ka ngang nag-iisip ng ganyan pero may point ka rin naman madulas yung kalsada at baha sa kanilang mga daranan sana naman ay tawagan nila tayo para hindi tayo nag-aalala." Sabi ko.

"Oo nga, tara kanta tayo at magpuri sa Panginoon at hingin na patigilin na ang ulan para maging maayos na ang lahat." Sabi ni Ate.

"Oh sige Ate gusto ko iyan, ako magpapakanta ah?" Sabi ko.

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon