PiII 3 Superman

2.7K 176 89
                                    

Kean's POV

After nung wedding, hindi ko inakala na ako pa yung makakasalo nung hinahagis ng lalaki, hindi ko alam tawag dun eh haha. That time, wala talaga ako sa sarili biglaan na lang na sa akin napunta yun.

Kanina pa pala ako nagkukwento rito pero hindi niyo pa pala ako kakilala haha. 

Oo nga pala ako si Kean Mendrez, ako ang ex nung kinasal kanina. Siya nga lang ang babaeng minahal ko ng husto ngunit ngayon narealized kong hindi pala siya yung babaeng dapat kong mahalin ng sobra. Ano ang ideal girl ko? Sa totoo lang, wala akong ideal girl basta kung siya na nga talaga at nafeel kong siya na ang babaeng nakikita ko sa aking future gets niyo ba? In short, yung taong magpapatibok ng puso ko ng walang pag-aalinlangan pa. Ang totoong love kasi para sa akin ay walang reason kung bakit ko siya nagustuhan simple lang mahal ko siya tapos kahit na ano pa estado ng pamumuhay niya o itsura man tatanggapin ko kung ano siya. Love is blind, parang ganun na rin.

Dapat ko ba siyang iyakan? Hindi, dahil wala naman akong lugar sa puso niya. Ok lang bang ipakita ng mga lalaki na umiiyak sila sa maraming tao? Para sa akin, ok lang dahil may emosyon rin kami. Hindi lang namin pinahahalata na umiiyak kami karamihan kasi sa mga lalaki ay intovert.

Ako, hindi ko pinahalata sa kanya na nasasaktan ako pero deep inside nadudurog sa sakit yung puso ko. Ang hirap at ang sakit sa feeling nung nakita kong ikinakasal siya sa ibang lalaki. Ang akala ko siya na pero mali pala ako. Iyang akala na iyan walang maidudulot ng mabuti maaring maging cause pa yung "akala" na iyan para masaktan ka o kaya makasakit ka ng iba. Siguro ngayon, walang munang lovelife rest muna ako diyan.

Lalaki man o babae ay nasasaktan dahil may kanya-kanyang emosyon iyan. Nasasaktan din naman ako, hindi porket lalaki ka hindi ka na masasaktan. Ito ang pinakamasakit na pinagdaanan ko sa talambuhay ko.

Oo nga pala music lover din ako. Ito ang ginagawa kong pampalipas oras. Kung hindi niyo alam, heto at ipapaalam ko na sumali ako dati sa singing contest sa fiesta sa amin hindi man ako yung nanalo natagurian naman akong "Acoustic Prince" sa aming lugar. May talent naman ako sa pagkanta kaso yung mga R&B at soft song lang yung mga kinakanta ko. Makapagpatugtog na nga lang. Headset, Plug In!

( Ako din may talent sa pagkanta haha! Padaan lang ang author hehe! Kayo ba sanay din? Taas ang kamay at iwagayway )

Pakiplay po ang song diyan sa gilid entitled SUPERMAN nakalimutan ko po kung sino kumanta eh, pakinggan niyo na lang po. 

-------------------------->

Bakit ba tumatiming itong kanta sa Cellphone ko? Trip niya din ba akong mag-emote? Basta ang alam ko lang gusto ko ng makaka-usap. Pero sino? Yung matino dapat, Yung girl kaya kanina? Wait, bakit siya agad yung naisip ko? Hay, kalimutan na nga lang natin iyan. Mukhang malungkot din siya kagaya ko bakit kaya? Kaso, nasaan kaya siya?

Hinanap ko siya and swerte ko nakita ko kaagad. Kaso pauwi na kaya hinabol ko.

"Miss, Can I talk to you for a while ?" Syempre, dapat sincere.

"Ah, I'm in a hurry, sorry." Sabi niya

"Just 5 minutes please?"

"Ok, go! You may start now."

Pumunta kami sa may malapit na bench malapit sa simbahan at doon kami nag-usap.

"Gusto ko lang naman na mag-open up sayo hindi ko na kasi kaya itong nadarama ko. Alam mo bang ako yung last boyfriend niya at nag-away kami dahil lang sa simpleng bagay tapos malalaman kong ikakasal na siya sa iba. Aray sa akin yun. Wala naman akong magagawa kung doon siya sasaya eh!"

"Wait lang, you mean Ex mo siya? Haha, tadhana nga naman. Ex ko rin kasi yung guy. Ang hirap ng pinagdadaanan natin noh? Pero kailangan mo na siyang kalimutan dahil may asawa na siya. Mahirap man gawin pero kailangan mong gawin para matagpuan mo rin kung ano ang iyong kaligayahan." sabi niya

"Paano mo nakakayang ngumiti ng ganyan kahit na deep inside nasasaktan ka? Dahil ba gusto mong ipakitang malakas ka kahit na sa likod nito ay gusto mo ng lumuhod at bumagsak? "

"Dahil alam kong wala ng pag-asa at may right time din na may magmamahal sa akin ng lubos. Maghihintay lang ako :) And I know God has a good plan for me kaya ikaw, kalimutan mo na siya at move-on move-on din! Tama ka, para tuloy akong may dalawang mukha, masaya then malungkot pero ang mas totoo ay yung pangalawa." Sabi niya

"Tama ka, kaso nahihirapan akong kalimutan siya. Lalo na yung mga memories na nabuo namin sa loob ng siyam na buwan. Kung ako sayo, magpakatotoo ka, huwag kang magtago sa likod ng maskara na nakasuot sayo."

"Ano 9 months? Ang tagal niyo na rin pala kaso sayang at hindi man lang kayo umabot ng 1 year."

"Eh kayo ba gaano na kayo katagal nung ex mo?"

"7 months, 3 months siyang nanligaw sa akin then nung nakita kong seryoso siya sinagot ko kaso mali pala yung pagkakaunawa ko."

"Mag-iingat ka sa mga lalaki ngayon dahil hindi lahat seryoso. Ako, seryoso naman ako sa kanya pero bakit niya ako ginanito? Gusto ko siyang kalimutan kaso nahihirapan ako."

"Swerte nga yung girl na magiging girlfriend mo dahil may mabuti kang kalooban nagkamali siya at pinakawalan ka niya. Kaya naman hindi mo siya makalimutan dahil sa kanya lang nakafocus yung utak at atensyon mo alalahanin mo yung tao diyan sa paligid mo yung family and friends mo spend your time with them. Don't focus on one thing ok? Ganyan kasi ang gagawin ko para makalimutan ko siya." Sabi niya

"Swerte rin kung sino yung magiging boyfriend mo sayo.Oo nga tama ka, salamat sa payo mo. Ang galing mo namang magpayo love expert ka ba? Haha kaso hindi maiiwasang masaktan ka rin lalo na pagdating sa pag-ibig."

"Salamat haha! Love expert? Hindi ah, nahahawa lang ako sa Ate ko. Omg! , Napasarap masyado yung kwentuhan natin kanina pa ako hinahanap sa bahay eh! Salamat at nagkaroon ako ng kakwentuhan at napaglabasan ng hinanakit at sama ng loob Bye! Salamat."

Wait lang sandali .....

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko, tumakbo na kasi siya paalis. Sayang hindi ko natanong yung name niya. Magkikita pa kaya kami? Sana, pero she's fun to be with at nice girl, simple at hindi maarte. Bakit ko na naman na-isip ito? Kakaiba siya.

That girl, she makes me smile even though I'm sad at bagsak na bagsak na. Sana katulad niya yung nakatadhana sa akin.

( O kaya naman siya na lang iyon haha! Napaghuhuli eh! )

*************

A/N : what can you say guys? Ok lang po ba? Just drop the thoughts on your mind. I want to know all your reaction. Sa magugustuhan kong comment, sa kanya ko ito idededicate. Salamat sa inyo!

Comment and Vote! 

Be a fan :)

Word of God

Si Hesus ..  

Ang iyong kalakasan, 

Anuman ang iyong 

PINAGDADAANAN ..

risingservant :) 

At your service just call 0906******* hahaha :D

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon