PiII 65 Without You

710 69 6
                                    

Here is my 3rd update for today. Pambawi ko lang sa matagal na hindi pag-uupdate. Kailan kaya dadami ang aking followers at readers? Silent readers meron ba? Paramdam naman kayo hehe.

Kean's POV

Naglalakad kami ngayon ni Krissa palabas ng gate nang marinig naming magsalita si Jiro.

"Aba si Jiro nagkalakas ng loob ah. I broadcast daw ba sa buong University." Sabi ni Krissa at huminto sa paglalakad. Kaya napahinto rin ako.

"Oo nga noh? Parang kailan lang eh tinutulungan natin siya kaso palpak naman siya lagi." Sabi ko naman.

"So ano kaya ang reaksyon ni Shana ngayong naririnig niyang nagtatapat sa kanya si Jiro?" Sabi ni Krissa na tila nag-iisip.

"Malamang natutuwa sa kilig. Ikaw ba naman ay kantahan at I-broadcast sa buong University na mahal ka ng taong Mahal mo ano mararamdaman mo? Diba overjoy? Kaya masaya yun ngayon. Parang tayo lang dati kaso mas sweet ako kay Jiro. Halos himatayin ka na nga sa kilig noon eh hahaha!" Sabi ko at naglakad na ulit ako.

"Ui hindi ka makakibo? Wait, *tumigil kami sandali* bakit ka namumula? Kinikilig ka sa sinabi ko kanina noh? Haha." Sabi ko sabay turo sa mukha niyang namumula.

"Magtigil ka nga diyan, oo aaminin ko, kinikilig ako sayo. Ang galing mo kayang magpakilig pero sa ngayon tayo na't maglakad palabas." Sabi niya at bumalik na siya sa dati niya katinuan.

"Ok!" Natuwa naman ako sa sinabi niya.

Kumain kami sa may KFC dahil nahumaling na naman si Krissa sa gravy. Pabalik-balik tuloy ako doon sa may kuhanan para magrefill.

"Oh eto na yung gravy mo, bakit ba naadik ka dito?" Tanong pagkaabot ng gravy sa kanya."

"Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig sa gravy eh. Nasimulan ko lang itong magustuhan simula nung manlibre yung kaklase ko dito sa KFC. Yung gravy lang ng KFC yung gusto ko kasi healthy siya at gawa sa patatas kumpara sa Mcdo at Jollibee na gawa sa Chicken flavor. Pero lahat naman tayo ay may kanya-kanyang paborito." Sabi ko sabay sawsaw ng barbeque rods sa gravy.

"Ah ganun ba? Sige i-enjoy mo lang yung pagkain. Mamaya ay may pupuntahan tayo." Sabi ko sabay papak ng fries.

"Talaga? Saan naman tayo pupunta?" Tanong niya.

"Basta, huwag mo munang alamin kung saan. Kumain ka lang ng kumain at magpakabusog ka." Sabi ko

"Ok ok, basta huwag tayong magpapagabi ok?"

"Ok!"

Pagkakain namin ay bumalik na kami sa University. Dagsa pa rin yung mga tao doon sa dedication booth.

Bakit ko nga ba nasabi kay Krissa na may pupuntahan kami? Eh wala naman akong alam na magandang puntahan sa ngayon. Isip isip isip, brain blash! Ok may alam na akong lugar sana magustuhan niya iyon.

After ng klase ay pinuntahan ko siya sa kanilang classroom at dumiretso kami sa aming pupuntahan.

Pagkarating namin sa pupuntahan namin ay piniringan ko siya to surprise her again.

"Naku Lash may pakulo ka na namang naisip ah, sa pagkakatanda ko kasi ay wala namang okasyon ngayon ah." Sabi niya habang inaalalayan ko siya pababa ng sasakyan.

"Wala kasi akpng magawa eh, inaantok lang ako kapag nandoon ako sa bahay." Sabi ko habang naglalakad na kami.

"Sige sige, pero sana hindi naman ito bongga kasi nahihiya na ako sayo."

"Huwag kang mahiya sa akin tsaka sigurado akong magugustuhan mo ito."

"Oh sige."

Pagkarating namin ay tinanggal ko na ang piring niya sa mata at nagulat naman siya sa kanyang nakita.

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon