PiII 91 Friends Forever

527 61 8
                                    

Five Chapters left! Mamimiss ko po kayong mga readers ko hahaha :D kaya po kapag natapos niyong basahin ang Plug In II ay basahin niyo naman po ang aking New Story entitled PAPER ROSES AT MY NOTEBOOK! Nacurious ka ba sa Title? Pwes, basahin mo na!

Uulitin ko, kung sino po ang aking magiging 150 at 200 follower ay makakareceive kayo ng dedication mula sa akin kaya FOLLOW ME!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled FRIENDS FOREVER BY VITAMIN C, theme song namin ng mga kabarkada ko noong high school. BROTHERS! mga Bro, malapit na ulit get together ah hahaha :D 

-------------------------->

Krissa's POV

Makalipas ang tatlong taon...

Ayun graduate na ako at isa na aking professional Teacher! Gusto ko talagang maging isang guro upang makapagturo sa mga bata. Elementary ang major ko. Sabi nila hinding-hindi ka daw yayaman kapag nagteacher ka. Sabi ko naman it's not all about the wealth it's all about on how you live life to the fullest. Kailangan lang nating magsikap, hindi ko hiniling na maging mayaman dahil baka masilaw ako sa pera.

Pati nga pala si Shanna ay professional Teacher na rin kagaya ko. Syempre nagtake kami ng board exam at nakapasa kami kaya ngayon ay nagtuturo na kami sa iisang paaralan. Kaya madalas pa rin kaming magkita nito.

Si Boyfriend naman hihihi Kean pala ay professional Architect na pareho sila ni Jiro. Si Kean ay nagtatrabaho sa Company nila at tinutulungan na niya yung Dad niya na magmanage nito. Si Jiro ay nasa ibang bansa dahil nandoon yung business nila. Kami ni Kean ay madalang magkita dahil busy pareho sa mga trabaho kaya text text o kaya call ganun.

Dahil nga nasa ibang bansa si Jiro ay miss na miss na siya ni Shanna. Long distance relationship ba naman, ang hirap kaya noon pero hinding-hindi mo matitibag ang kanilang pagmamahalan wagas eh.

Minsan nga kapag papasok kami ni Shanna sa School ay may mga bouquet of flowers pa sa table niya. Sweet nga nila eh.

Si Charlene naman ay Business Woman na pareho sila ni Kristoffer. Naging magkasosyo naman sa business yung mga Family nila at tulungan sila sa pagmamanage nito.

Namimiss ko na nga ang barkada eh! Matagal na noong huli kaming nagkasama-sama. Natatandaan ko noong nagbirthday ako kila Kean ayun yung huling nagbonding kami ng buo. Kapag nagseset kasi kami ng get together ay laging may kulang kaya this time napagplanuhan kong magReunion kami! Haha :D

Tinawagan ko sila isa-isa ....

Calling Shanna.....

"Hello Shanna?" Sabi ko.

(Bakit Krissa? May problema ba?) Tanong niya.

"Wala naman, gusto ko lang sabihin na sa susunod na Bakasyon ay magReunion tayo tutal malapit naman na iyon ano pwede ka ba?" Tanong ko.

(Naman, ako pa? Haha :D aattend ako huwag kang mag-alala.) Sabi niya.

"Sige salamat! Bye!"

Calling Jiro....

"Hello Jiro, umuwi ka nga dito sa Pilipinas sa Bakasyon dahil may Reunion tayong magbabarkada!" Sabi ko.

(Sige ba!) Sabi niya.

Pinatay ko na agad dahil mahal bayad kapag tumawag ka sa ibang bansa at tatawagan ko pa naman yung iba.

Calling My Lash Kean.....

"Hello My Lash! Don't forget ah sa darating na Bakasyon yung Reunion kapag hindi ka dumating lagot ka sa akin." Sabi ko.

(Ikaw ang masusunod kamahalan haha :D oo naman aattend ako.)

"Sige bye, I Love You! Huwag magpupuyat!" Sabi ko.

"I Love You Too! Ikaw din!" Sabi niya.

Calling Kristoffer.....

"Hello Toffer, nasaan ka ngayon?" Sabi ko.

(Nandito lang sa Pilipinas bakit?) Sabi Niya.

"Ah, akala ko nasa ibang bansa ka, attend ka sa Reunion sa Bakasyon ah! Inaasahan kita dun!" Sabi ko.

"No problem, darating ako!" Sabi niya.

Calling Cha.....

"Hello Cha! Kamusta ka na diyan sa Canada?" Tanong ko.

(Hello Krissa! Ayun mabuti naman kalagayan ko kayo ba?) Tanong niya.

"Maayos lang kalagayan namin dito. Attend ka sa Reunion sa Bakasyon ah!" Sabi ko.

(Sige maaasahan niyo ako!) Sabi niya.

Ayan ok na at wala na akong problema pa! Can't wait for our Reunion!

Reunion.....

Sinabi ko naman sa kanila na ang Reunion namin ay Camping kaya magdala sila ng extra shirt at mga pagkain na kakailanin namin at kung ano pa man ang gusto nila dalhin. Hindi na nila dapat problemahin yung tent dahil may inarkila na ako.

Magkikita-kita na lang kami sa may kanto ng ****** para sabay-sabay na kaming dumiretso sa Venue. Sa ngayon, kami pa lang yung nandito ni Shanna nagsabay na kami tutal pareho lang kaming galing sa school kaya nagsabay na kami.

Tapos dumating na rin si Kean kaya nagkwentuhan muna kami. Tapos ilang minuto rin ang lumipas ay dumating naman ng sabay si Cha at Toff kaya si Jiro na lang ang kulang at kumpleto na ang barkada.

1 hour ang lumipas nung dumating si Jiro. May dala siyang teddy bear, balloon at Bulaklak. Ang sweet naman niya hahaha :D matagal din naman kasing hindi sila nagkita ni Shanna kaya malamang bumabawi ito. Nakita ko namang kinilig sa tuwa itong si Shanna kaya natutuwa ako para sa kanya. Ganyan siguro itsura ko noon tuwing sosorpresahin ako ni Kean.

Nang makumpleto na kami ay dumiretso na kami sa Camp Side. Pagkarating namin doon ay nagkwentuhan lang kami muna about sa mga life namin ngayon.

Dahil may lake rito, napagpasyahan naming magswimming muna. After noon ay nag-ihaw-ihaw kami. Kinagabihan ay naghiwa-hiwalay na kami para matulog syempre, magkahiwalay yung girls sa boys.

Hanggang dito na lang muna. Good Night!

zzZzzzzzzZZzzZ......

★★★★★★

Elmo's Note:

Napakahalaga talaga ng kaibigan kaya huwag natin itong sayangin. Kung may kaibigan ka ngayon na nagkaroon kayo ng samaan ng loob, lapitan mo siya at magbati kayo. Hahayaan mo na lang ba na masira ang inyong pagkakaibigan?

Ang pag-ibig ay maaari rin iyang kumupas pero ang pagkakaibigan ay panghabang-buhay. Kaya napakaimportante ng isang kaibigan sa buhay ng isang tao.

Word of Wisdom

Do you have someone you could call in the middle of the night if you need help? Bible teacher Ray Pritchard calls these people "2 am friends." If you have an emergency, this kind of friend would ask you two questions: "Where are you?" And "What do you need?"

Friends like that are crucial during difficult times.

A true friend stands with us in times of Trial.

*risingservant*

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon