Shana's POV
Natutuwa naman ako dahil niyaya akong lumabas ni Krissa kahit ngayon lang kami nagkasama at kahit na tinarayan at sinungitan ko siya.
Sana siya na yung hinahanap kong true friend at maging bestfriend ko pang habang buhay.
Sa bahay .....
"Kamusta naman ang first day mo sa bago mong school? Ok ka lang ba? Hindi ka ba nila inaapi roon?" Tanong ni Mama na may halong pag-aalala.
"Ma, masaya ang first day of school ko ngayon dahil may naging kaibigan ako kahit papaano. At least may tumanggap sa akin."
"Mabuti naman kung gayon. Ano nga pala name niya?"
"Krissa po, hindi ko alam ang apelyido niya hindi ko naitanong eh."
"Ah, dalhin mo naman siya dito minsan sa atin para makilala ko siya."
"Sige Ma, oo nga pala niyaya niya akong punta sa charity ng mga bata eh bukas po pwede po ba akong sumama?"
"Syempre naman anak, hindi kita pagbabawalan minsan ka lang lalabas kasama ang bago mong kaibigan pagbabawalan pa ba kita? Mag-enjoy ka lang anak."
"Salamat Ma, sige po akyat na ako sa kwarto ko."
Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto, inaantok na ko ang dami kasing nangyari kaninang umaga I need some rest.
Para naman hindi ako mabagot at makatulog agad makikinig na lang ako ng music. Ang music ang tagahele sa akin para makatulog agad Ako. Headset, plug in!
Pakiplay po yung song sa gilid entitled FOR EVERYTHING BY JULIE ANNE SAN JOSE, enjoy reading.
------------------------>
Ang ganda naman nung song. Ang sarap tuloy matulog.
Maya-maya lang ay nakatulog na si Shana dahil eto nga ang kanyang tagahele.
( huwag niyo pong i-pause yung song hayaan niyo lang pong mag-play para sa background music thanks. )
Kinabukasan ...
Kringggggg ....
Ano ba iyan ang aga-aga eh may nambubulabog.
"Hello sino ito?"
"Hello Shana, sorry kung masyadong maaga akong napatawag sayo masyado lang kasi akong excited. I just want to remind you na 8 am tayo aalis kita na lang tayo sa may park ok?"
"Ok ok, saan mo nga pala nakuha yung number ko? Ang pagkakaalam ko kasi eh wala pa akong pinagbigyan nito."
"Sa may registration office, sige ah, bibili pa ako ng ingredients para sa spaghetti at fried chicken na dadalhin natin mamaya."
"Wait, marunong kang magluto? Turuan mo naman ako minsan."
"Sige, ok bye! See you later."
"Ok bye," then pinatay niya na yung call.
Hay Krissa, kakaiba ka talaga ngayon lang may tumawag sa akin ng ganito kaaga. Sana nga true friend ka.
Dahil binulabog na niya ang tulog ko napag-isipan kong gumawa ng tuna sandwich para naman may madala rin ako.
7 am na kaya I need to prepare na para hindi ako ma-late sa usapan namin.
7:30 am na ako nakatapos, nagsuot na lang ako ng pants at shirt then rubber shoes at inilagay ko ang aking eyeglasses. Ok na, I need to go.
Sa park ....
7:40 am na ako ng makarating ang akala ko mas maaga akong darating sa kanya pero mas maaga pala siya.
"Ang aga natin ah," sabi ko
"Syempre, early bird kasi ako ano tara na?"
"Ok, oo nga pala gumawa ako ng tuna sandwich para may maibigay din ako sa mga bata."
"Ah ganun ba? Edi ok! Let's go paniguradong matutuwa nito ang mga bata."
Sa ampunan ....
"Krissa, napadalaw ka yata. Hindi ba kadadalaw mo lang dito noong nakaraang linggo." Sabi ni Manang Sally yung nangangalaga ng ampunan
"Kasi po, gusto rin ng kaibigan ko. Oo nga pala Manang Sally si Shana vice versa."
Then nagshakehands sila
"Krissa, gaano ka na katagal bumibisita rito?" Tanong ko
"Siguro mga 2 years na. Mahilig kasi ako sa mga bata kaya nung nadiscover ko ito dumadalaw ako once a month."
"Ah kaya pala naging malapit na yung loob mo sa kanila."
Sa loob .....
"Mga bata, nandito ulit ang Ate Krissa niyo at may kasama pa siya i-welcome niyo sila." -Manang Sally
"Hello po sa inyo!"
"Hello rin, oo nga pala eto si Ate Shana kaibigan ko i-hug niyo naman siya."
Naglapitan sila sa akin at niyakap ako. Ang swerte talaga ni Krissa at maraming nagmamahal sa kanya. Hindi ako nagkamali sa pagpili ng kaibigan siya na nga.
"Ok mga kids, kantahan niyo naman kami para matuwa kami ng Ate Shana niyo."
"Ok po!"
Then kumanta sila ....
Kung ano-anong activities yung ginawa namin. Masaya pala yung ganito.
Then, kumain na sila habang kumakain ay may lumapit sa aking batang babae.
"Ate, bakit kayo may ganyan sa mata? Ano tawag diyan?" Tanong ng bata siguro 5 yrs old siya
"Ah eto ba? Sabay turo sa may mata. Salamin ang tawag dito malabo kasi yung mata ko."
"Ah ganun po ba? Pero mas maganda ka kapag walang salamin parang si Ate Krissa."
"Ah salamat," then umalis na siya
Mga 3:00 pm na kami nakauwi dahil masyado kaming nag-enjoy.
************
A/N :
Salamat sa mga nag-aabang nitong story ko sana ipagpatuloy niyo lang ang pagsupport niyo.
Puro quiz na lang!
Nakakatamad mag-review!
Pero kailangang mag-aral ng mabuti. Study hard.
risingservant :)
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Novela JuvenilA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...