Krissa's POV
After nung wedding ay uuwi na dapat ako kaso nilapitan ako nung guy kanina yung nakapartner ko na soon to be "husband" daw remember?
Hiningi niya yung ibang time ko kaso nasobrahan dahil napasarap yung kwentuhan namin kaya nung napatingin ako sa relo ko ay super overtime na lagot ako dahil sabi ko kay Ate On the way na ako pauwi. Ngunit, halos isang oras kaming nagkwentuhan nung lalaking iyon. Wait, nakipag-usap ako sa stranger? Pero hindi naman siya mukhang masama at the most important thing is nakauwi ako ng ligtas.
Pagdating ko sa bahay ..
"Umamin ka nga kung saan ka nanggaling at nakabihis ka ng ganyan. Tsaka ang sabi mo on the way ka na pero lumipas ang halos dalawang oras pero wala ka pa. Pinagloloko mo ba ako krissa? Isusumbong kita kila mommy kapag hindi ka umamin." Tanong ni Ate Kylie na halatang nagtataka
"Ate, nagpunta lang ako sa Birthday ng kaklase ko. Nung nagtext kasi ako sayo nun pauwi na talaga ako kaso sinabi nung may birthday na kakainin na daw namin yung cake, ako naman eto patay na patay sa cake kaya naman nagtagal pa ako. Sorry ate kung napagalala kita huwag mo na akong isumbong kila mommy please?" Palusot ko kaso mukhang hindi uubra kasi masyadong hindi kapani-paniwala eh.
"Sigurado ka? Hindi ka nagsisinungaling? Alam mo bang liars go to _______? Gusto mo bang mapunta dun?" Tanong niya
"Naku Ate huwag mo nga akong takutin ng ganyan. Sabi ko na nga ba eh hindi iyon maniniwala eh sa suot ko palang na damit halatang hindi birthday yung pinuntahan ko. Aakyat na ako sa kwarto ko pagod na ako eh! Sabi ko bigla" Sabay takbo paakyat ng hagdan ngunit napahinto ako dahil hinawakan niya ako sa braso ko.
"Wait lang, patingin nga ng bag mo. At ano itong bulaklak na ito? Diba eto yung hawak nung bride? Isa lang ibig sabihin nito doon ka galing sa kasal nila tama?" Pasigaw niyang sabi
"Hay, wala talaga akong kawala kay ate, Oo ate tama ka at kaya ko lang naman ginawa iyon dahil gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon at kakalimutan ko na siya ate kaya for the last time pwede bang ibuhos ko na ang lahat-lahat ngayon?" Umiiyak na sabi ko kay ate
"Sige Krissa, eto na ang huling pagkakataon na iiyakan mo siya ok?" Sabi ni ate na nalulungkot din para sa akin
"Oo ate, huwag mo ng ipaalam kila mommy ah,"
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Teen FictionA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...