PiII 35 I'll Never Go

769 80 9
                                    

Kean's POV

Nang makita kong may 57 missed calls from Krissa ay dali-dali akong nag-ayos para magpunta sa kanila. Bakit kaya inabot ng ganun karami? May mahalaga ba siyang sasabihin sa akin? Masyado akong nacurious kaya kailangan kong malaman mula sa kanya kung ano ang kailangan niya.

Ginamit ko yung kotse ko papunta sa kanila. Habang nagmamaneho ako ay hindi ako mapakali kaya minabuti ko ng magpatugtog. Plug In!

Pakiplay po yung song sa gilid entitled I'LL NEVER GO sana po magustuhan niyo. 

------------------------>

Bakit eto pa yung tumugtog? I'll Never Go? Eto yung kinanta ko sa ex ko nung nakipagbreak siya sa akin. Don't tell me na makikipagbreak din sa akin si Krissa? Hindi niya na ba ako mahal? Mas mahal niya na ba yung lalaking iyon? Hindi ko kaya, pero wala akong magagawa kung magmamahal siya ng iba. Hindi naman natin pwedeng turuan ang puso. Ang magagawa ko lang ay ipaglaban siya.

Pagdating ko sa kanila ay laking gulat ko ng makita ko sila ni Kristoffer na magkayakap. Hindi naman sa malisyoso ako at binibigyan iyon ng kahulugan pero nasasaktan ako. Bakit ganun? Dapat ba dito pa sa may sala ginagawa iyan? Sakit lang ang nararamdaman ko na may halong selos. Then, nakita ako ni Krissa na nakatingin sa kanila kaya humiwalay na siya sa kanilang pagyayakapan.

"Kean, kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka?" Sabi ni Krissa

"Actually, medyo. Sa nakikita ko nga eh ang sweet sweet niyo parang siya yung boyfriend mo tapos tatanungin mo kung bakit hindi ako nagsabi? Malamang ako boyfriend mo kaya pupunta ako dito para dalawin ka. Namiss kita eh kaso iba yung nadatnan ko. Dapat pala hindi na lang ako pumunta dito kung alam ko lang na masasaktan ako sa makikita ko." Sabi ko

"Pare kung nagseselos ka dahil sa nasasaksihan mo pwes nagkakamali ka natuwa lang naman ako sa kanya kaya niyakap ko siya eh. Huwag mong bigyan iyon ng malisya." Sabi naman ni Kristoffer

"Kung ganun, eh bakit ang tagal niyo naman magyakapan? Ok lang naman sa akin kung yakap lang eh kaso parang tsinatsansingan mo na yung girlfriend ko." Sabi ko

"Please kayong dalawa, itigil niyo na yung pagbabangayan niyo diyan. Ikaw Kristoffer umuwi ka muna dahil marami kaming pag-uusapan nitong si Kean." Sabi ni Krissa

"Sige, bye!"

"Ngayon naman Kean, marami tayong dapat pag-usapan at linawin para maayos na ang lahat."

"Sige, umpisahan mo na yung mga gusto mong sabihin. Kaya naman kasi ako pumunta dito dahil nakita kong marami kang missed calls sa akin. Baka importante yung sasabihin mo kaya ako'y naririto ngayon." Sabi ko habang nakatitig lang sa kanya

"Lilinawin ko lang sayo ang lahat, si Kristoffer ay Friend/Bestfriend ko simula pagkabata kaya huwag ka naman sanang magselos sa amin. Tapos sorry din dahil nagsinungaling ako sayo nun at sa nasaksihan mo ngayon, ay walang malisya yun ok? Nagsorry lang naman siya sa akin eh"

"Hindi naman ako malisyosong tao pero sa nakita ko kanina mukhang nag-eenjoy ka sa yakap niya at isa pa, kakaiba yung naramdaman ko eh parang siya nga yung Boyfriend mo at hindi ako. Isang tanong, isang sagot Krissa. May gusto ka na ba sa kanya o wala?"

"Hindi naman sa nag-eenjoy ako sa yakap niya, nafeel ko lang kasi yung warmth ng pagkokomfort niya at w-w-wala akong gusto sa kanya, dahil ikaw lang yung Mahal ko sana maniwala ka."

"Ade nagustuhan mo rin, alam kong nagsisinungaling ka dahil nauutal ka eh iyan yung sign na kinakabahan kang sabihin yung totoo. Huwag mo na akong lokohin Krissa, Sino ba ang mas mahal mo sa aming dalawa? Ako o Siya?"

"Sinabi ko na ngang ikaw eh bakit ayaw mong maniwala? Ano ba gusto mong gawin ko para mapatunayan ko iyan sayo ah? " si Krissa

"Ang gusto ko ay magdecide ka muna ng maayos dahil baka hindi ka pa sure eh tsaka masakit pa rin yung puso ko ngayon. Sana nga Mahal mo akong talaga. Siguro kailangan mo munang magdecide kaya kailangan natin muna siguro ng space para dito."

"Wait, space? You mean cool off?" Sabi niya

"Yes, mahirap man sa akin na sabihin ito pero kailangan eh. Kailangan mong alamin ang sagot sa tanong na iyan. Alam mo bang bago ako pumunta dito ay ang una kong napakinggan na song ay I'll Never Go? Iyan ang gusto kong sabihin sa iyo. Maging ano man ang desisyon mo ay rerespetuhin ko. Tandaan mo, hihintayin ko ang sagot mo. Naniniwala naman ako sayo, Sana nga Mahal mo pa rin ako " sabi ko, masakit! Pero kailangan.

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa bahay nila dahil ayokong makita niya akong umiiyak. Ang hirap ng ganito, sana bumalik pa siya sa akin. Kahit anong mangyari ay hihintayin ko siya. Krissa, I'll Never Go far away from you.

*************

A/N :

binigyan ni Kean ng space si Krissa upang alamin nito kung ano ba ang sagot sa katanungan ko. Iniwan ni Kean si Krissa ng nakatulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Ano kaya ang reaksyon ni Krissa sa desisyong ito ni Kean?

Abangan .....

Mag Comment and Mag Vote po kayo!

Even when it hurts 

Even when it's hard 

Even when it all just falls apart 

I will run to you 

Cause I know that you are 

Lover of my soul, Healer of my scars 

You steady my Heart.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon