PiII 10 Grow Old With You

1.4K 121 39
                                    

Krissa's POV

Hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon, gulat na gulat ako ng aminin ni Kean ang kanyang feelings sa akin. Dahil sa gulat, umamin na rin ako ng mahal ko siya. Syempre, matagal ko ng gustong mangyari ito. Ano kaya magiging pagbabago kung maging boyfriend ko siya? Sasabihin ko ito kay Ate, good news at advices na rin kung sakaling magiging kami na hahaha! Excited ako masyado :)

"Ate Kylie, may ibabalita at ikukwento ako sayo dali hahaha!"

"Ano na naman iyon? Kita mo ng busy ako sa pagluluto ng ulam natin eh!"

"Eh ano ba ulam natin ngayon? Tsaka hindi ba uuwi sila mommy at daddy?"

"Binagoongan, hindi daw makakauwi si mommy at daddy dahil may business trip sila sa Boracay hanggang sa susunod na araw."

"Wow, eh di free ako ngayon sa kanila haha!"

"Anong free ka diyan, tutulungan mo akong maglinis dito sa bahay."

"Ate naman eh! Sige, tapos mamaya may ikukwento ako sayo hahaha!"

"Sige lang!"

Pagkatapos nilang kumain at linisin ang bahay nila ay nagkwentuhan na ang mag ate.

"Ate, umamin na sa akin si Kean na may gusto daw siya sa akin, hahaha kinikilig ako ng sobra."

"Eh di umamin ka na rin sa kanya?"

"Oo naman ate, matagal ko na rin gustong sabihin sa kanya yun eh! Tsaka baka siya na pala yung right guy na para sa akin."

"Huwag mo sabihing kayo na? Hindi naman porket gusto niyo na yung isa't isa kayo na agad. Magpakipot ka naman kahit na konti"

"Ate, hindi ko pa nga nasasagot yung tanong mo pinangangaralan mo na agad ako. Syempre hindi pa, sabi ko kasi dapat manligaw muna siya sa akin."

"Good, ganyan yung gusto kong lalaki. Pakilala mo naman siya sa akin minsan."

"Sige ate!"

Nagulat kami ni Ate ng may magstrum ng gitara sa labas at may kumanta.

Pakiplay po yung music sa gilid entitled GROW OLD WITH YOU ORIGINAL BY ADAM SANDLER PERO ANG KINUHA KO AY YUNG KAY DANIEL PADILLA dahil alam kong most of the girls love him. Enjoy :) 

----------------------------->

I wanna make you smile 

Whenever your sad

"Sa boses pa lang ay nagulat na ako dahil pamilyar iyon. Kaya dali-dali akong pumunta sa may terrace para tingnan kung siya nga iyon. Then, nagulat ako dahil hindi ako nagkakamali, siya nga. Wahhhhh kilig much."

"Krissa, siya ba yung Kean na nanliligaw sayo?"

"Oo ate siya nga! Wahahaha"

"Halatang kilig na kilig ka diyan ah, madalang na lang sa mga kabataan ang gumagawa ng ganyan sa ngayon. Swerte mo sa kanya, biruin mo hinarana ka pa. Hahaha!"

"Ate, hindi ba ako karapat dapat para haranahin?"

"Hindi naman sa ganun, what do I mean is siya na. Siya na ang taong magpapaligaya sayo ng lubos."

"Talaga ate? Hahaha, dapat pala akong magpasalamat kay Jay dahil sinaktan niya ako kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Kean."

"Eto ang pinlano sayo ni God kaya dapat sa kanya ka magpasalamat dahil pinagtagpo niya kayo ni Kean."

"Oo nga ate, salamat!"

Ang sarap pakinggan ng boses niya. Magaling pala siyang kumanta. I like the song Grow Old With You. Ang taong kakanta niyan ay yung taong seryoso talaga sayo at handa kang pakasalan.

Nakangiti lang ako habang kumakanta siya. After niyang kumanta ay pinapasok ko siya dito dahil gusto daw siyang makilala ni ate.

"Kean halika pasok ka, ipapakilala kita kay Ate."

"Sige pero nahihiya ako sa ate tsaka baka galit siya sa akin"

"Ano ka ba, huwag ka ng mahiya mabait naman si ate eh tsaka bakit naman magagalit sayo iyon? May nagawa ka bang masama?"

"Hindi naman sa ganun, baka kasi ayaw niya sa akin eh"

"Just enter :)"

Pumasok na ng bahay si Kean na tila kabang-kaba dahil makakaharap na nito ang ate ni krissa.

"So ikaw pala si Kean yung laging kinukwento ni Krissa sa akin."

"Ah, oo ate"

"Base on my first observation to you maipagkakatiwala ko sayo ang kapatid ko. Mabuti kang tao kaya sana huwag mong sasaktan ang kapatid ko ok?"

"Oo naman po ate, mapagkakatiwalaan mo ako."

"Sige maiwan ko na kayo diyan, Krissa ikaw na bahala diyan akyat na ako bye!"

"Ok ate!"

"Akala ko kung anong pang-uusisa yung gagawin ng ate mo buti ayun lang yung sinabi niya sa akin."

"Kean, sabi sayo mabait yun eh at kampi kami nun haha. Oo nga pala, tungkol sa kanina, masyado mo naman akong sinorpresa doon."

"Gusto ko kasing mapasaya ka eto lang kasi yung alam kong way para masuyo at mapasaya ka."

Kung ano ano pa ang kanilang pinag-usapan. 10:30 pm na nakauwi si Kean.

Kean's POV

Kinabahan na nga ako nung hinarana ko si Krissa pero mas kinabahan ako ng kinausap ako ng ate niya. Ang akala ko ayaw sa akin ng ate niya dahil mataray ang ekpresyon ng kanyang mukha. Pero maswerte ako dahil pasado ako sa kanya. Wala yung parents niya dahil may business trip daw kaya next time na lang ulit.

*************

A/N : what can you say readers? Nag-enjoy ba kayo?

Just Comment and Vote! 

Be a fan!

God sends warnings to protect us, not to punish us.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon