Charlene's POV
Pagkatapos ng klase ko ay pinatawag ako ng prof namin sa faculty room kaya naman kinabahan ako kasi kadalasang mga estudyanteng nanganganib yung grades yung pumupunta roon eh. Malapit na ba akong bumagsak? Oh no!
Kaya naman nagpunta agad ako sa faculty room pero nasa labas lang ako. Kinakabahan kasi akong pumasok dahil puro professor yung nasa loob tapos kailangan ko pa silang i-greet isa-isa oh diba sinong hindi kakabahan.
Kumatok na ako 3x tok tok tok then binuksan ko na yung pinto ng dahan-dahan at tsaka pumasok.
"Good Afternoon po!" Puro ganyan yung pinagsasasabi sa bawat professor na madaanan ko as a sign of respect hanggang sa makarating ako sa tavle ng prof namin.
"Good Afternoon Ma'am, bakit niyo po ba ako pinatawag dito?" Sincere kong tanong
"Miss Villaroza, huwag kang kabahan diyan pinatawag kita dahil may papadala lang ako sayo sa may Dean ng CICT. Maari mo ba itong ibigay?" Sabi niya sabay abot sa akin ng tatlong folders.
"Oh sige po, wala na po ba kayong kailangan?" Tanong ko
"Wala na, by the way salamat." Sabi ni Ma'am at pinagpatuloy ang kanyang sinusulat.
"Your welcome po." Tapos kinuha ko na yung folders at tuluyan ng umalis.
Hay salamat, akala ko naman kung ano na mangyayari sa akin sa loob may ipabibigay lang pala kinabahan pa tuloy ako.
Naglakad na ako patungo sa building ng CICT, ng makarating ako sa labas ay tinungo ko kaagad ang 5th floor na kung saan ay naroroon ang office ng Dean. Doon ako dumaan sa may hagdan kaya pagod na pagod ako pagkarating ko sa 5th floor wala bang elevator dito?
Nang makarating ako sa Dean's Office ay ibinigay ko yung folders at umalis na. Pagkalabas ko ay nag-ikot-ikot muna ako sa building nila dahil ngayon lang ako nagawi rito. Malaki siya kung icocompare mo sa building namin dahil hanggang 3rd floor lang yung amin.
Sa aking paglilibot ay nakita ko si Kristoffer na lumabas ng classroom. Hindi ko naalala na dito pala yung building niya. Matagal ko na siyang hindi nakikita dahil tumigil na ako sa pagsunod sa kanya. Kamusta na kaya siya? Namiss ko siya eh.
Umalis na ako at hindi ko siya sinundan. Napadpad ako sa may fire exit at natagpuan ko doon yung elevator kaya pumasok ako. Nagulat ako ng makita kong humahangos sa pagtakbo si Kristoffer patungo sa direksyon ko kaya agad kong pinindot yung 1 para makababa kaso naabutan niya ito baka magsara kaya naman magkasama kami sa loob.
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Teen FictionA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...