Kean's POV
Ngayon ang araw ng pag-alis namin para mag-enjoy at rest na rin. Sabi ni Mommy mamayang 10am daw kami aalis papuntang Boracay. I want to enjoy this day kaya isasantabi ko na lang muna ang problema ko para naman hindi ito maging sagabal sa aming FAMILY TRIP.
Pagkabangon ko sa kama ay dumiretso ako sa CR para magmumog at maghilamos nagtoothbrush na rin tapos dumiretso ako sa baba para kumain ng Breakfast. Nagulat ako dahil ang paborito kong ulam ang niluto ni Mommy ang TAPSILOG, tsaka HOT CAKE with CHOCO SYRUP at HOT CHOCO for drinks si Mommy talaga masyado akong pinapasaya ngayon.
"Mom, talagang pinaghanda mo talaga ako ng mga paborito kong kainin kapag Breakfast. At dahil diyan bibigyan kita Mommy ng BIG HUG!" kaya lumapit ako kay Mommy at niyakap ko siya ng mahigpit
"Naku ang anak ko naglambing haha :D" nagtawanan kami ni Mommy
"Mommy, Kuya tama na nga iyan tara kain na po tayo at baka lumamig yung pagkain oh." Sabi ng kapatid ko
"Huwag ka ng magselos diyan anak halika at sumali ka na lang sa amin." Sabi ni Mommy sa kapatid ko kaya lumapit siya sa amin at nakiyakap na rin
Maya-maya ay bumukas ang pinto at si Daddy ay pumasok palapit sa amin.
"Sali naman ako diyan oh," tapos naggroup hug kami
"Buti na lang at nakahabol ako, cancelled na ang lahat ng meeting ko ng 3 days kaya it means 3 araw tayo sa Boracay! Masaya ba kayo sa balita ko?" Sabi ni Daddy
"Oo naman syempre Daddy! Gusto ko ng lumangoy!" Sabi ni kapatid at excited pa
"It's ok for me, kailangan din naman nating magrest eh lalong-lalo na kayo Daddy kasi busy kayo sa work at Family bonding na rin natin." Sabi ko
"Oh tama na iyan, tara at kumain na tayo para maaga tayo makarating sa Boracay mamaya." Sabi ni Mommy at inayos ang hapag-kainan
"Ok!" Sabi naming tatlo
Naupo na kami sa aming kanya-kanyang upuan at nagpray muna bago kumain.
"Mommy, the best talaga yung luto mo. Mukhang mapaparami kami ko nito at baka tumaba ako."
Nagtawanan lang kaming apat tapos nagkwentuhan tungkol sa mga gagawin namin mamaya.
After naming kumain ay nagprepare na kami para sa aming Family Trip in Boracay. Mahaba-habang biyahe rin ito. Tapos 10 am ay umalis na kami.
Enjoy ko muna ang araw na ito. Kakalimutan ko muna ang aking problema.
Krissa's POV
Pagkagising ko ay nagoatugtog kaagad ako sa Cellphone ko headset, plug in!
Pakiplay po yung song sa gilid entitled STEADY MY HEART BY KARI JOBE hope you like it.
------------------->
Oo nga naman, bakit nga ba ang messy ng buhay natin. Pero kahit na ganoon, Steady your Heart lang.
Magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Salamat sa Parents at Ate ko na hindi nagsawang Mahalin ako hehe. Alam ko namang mali ako dahil hindi ko man lang pakinggan yung side niya kaya ngayon ay naisipan kong makipag-ayos sa kanya.
I'll try to contact him pero hindi niya sinasagot yung mga tawag ko. Galit kaya siya sa akin? O hindi niya lang dala ang cellphone niya? Paano yun? Puntahan ko kaya siya sa kanila para mas sure? Bahala na! Basta ang gusto ko lang ay magkaayos kami.
Dahil maaga pa naman, siguro mga after lunch ko na lang siya puntahan para hindi ako makaabala sa kanila. Sa ngayon, tutulungan ko muna si Ate sa mga gawaing bahay. Para naman may maitulong ako dito kay Ate hindi yung tatamad-tamad.
After lunch ay dumiretso na ako sa kanila syempre hindi na kailangang magpaganda pa dahil maganda na ako hehe ^_^v
Pagdating ko sa kanila ay parang tahimik yata parang walang tao. Para sure nagdoor bell na ako.
Ding dong .......
Maya-maya ay may lumabas na maid sa loob ng bahay nila at pinagbuksan ako ng pinto.
"Good Afternoon po! Nandiyan po ba si Kean?" Pamungad ko kay Manang
"Ah si Sir Kean ba? Wala siya dito ngayon eh pati yung pamilya niya. Umalis sila kanina mayroon daw silang Family Trip." Sabi ni Manang
Kamalas ko nga naman oo! Kung kailan ko gustong ayusin ang gusot sa relasyon namin ay tsaka naman siya wala. Sana naman hindi siya galit sa akin.
"Ah ganun po ba? Eh kailan po ba sila babalik?" Tanong ko
"Naku hija 3 days daw sila doon eh bumalik ka na lang rito makalipas ang 3 araw."
"Ah sige po, maraming salamat po sa inyo paalam." Tapos nagbabye na ako kay Manang at umalis na
Habang naglalakad sa daan ...
Hindi talaga ako magaling pagdating sa decision making lagi na lang akong palpak. Nagsisisi tuloy ako ngayon. Hindi naman siguro siya lumalayo sa akin noh? Hay, buhay nga naman parang life.
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa may kwarto ko at nahiga sa kama ko. Ang pangit kasi ng araw ko.
Maya-maya ay bigla na lang akong naluha. Kasalanan ko naman kasi eh kung hindi dahil sa maling akala hindi sana kami nasasaktan ng ganito. This is all my fault! Kahit anong sisi agad ko sa sarili ko ay wala na rin akong magagawa dahil nangyari na eh. Let just wait for the right time.
Even when it hurts
Even when it's hard
Even when it all just falls apart
I will run to you
Cause I know that you are
Lover of my Soul
Healer of my scars
You Steady my Heart
You Steady my Heart
Pagsubok lang ito. Tama si Kean dapat hindi ako bumitaw kaya ngayon ay kakapit ulit ako. I know that God will move to us.
Then natulog na lang ako.
*************
A/N :
Hindi ko po alam kung kailan ulit ako makakapag-update siguro po mga Friday? Basta hintayin niyo na lang po hehe. Malay niyo makapag-update ako bukas.
Review Review na!
I need to study harder!
Vote,
Comment,
Be a fan?
Wish it could be easy
Why is life so messy
Why it is the part of us ...
Steady my Heart!
risingservant :)
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Teen FictionA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...